Monday, July 5, 2010

Sea Wall sa Sta. Cruz.

Occidental Mindoro, ito ay maraming likas na yaman. Napabilang dito ang distrito ng Sta. Cruz, ito ang aming tinubuan, na nag sasabing dito ang aming bayan. Ang Sta. Cruz ay maliit na bayan, ito ay may labing isang barangay. Ang mismong Bayan ng Sta. Cruz ay nasa pagitan ng ilog at dagat. at sa tuwing may darating na kalamidad, laging sumasagi sa isipan ko ay paano na kung ang dagat ay unti unting lumalapit sa tabing ilog, paano na ito? napakalaking katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. kasi noong nakalipas na taon, talagang madaming bahay ang tinangay ng alon sa dagat. ayaw ko ring mangyari ang mga tao na makikita sa ibabaw ng kanilang bubungan pag dating ng araw, kaya dapat masulusyunan ang problemang ito. At nag deside ang namumuno sa bayan na malagyan ng protection ang may naninirahan sa tabing dagat, ito ay ang sea wall, malaki na rin nabago dito. kaya tiwala na ang mga tao sa tabi ng dagat na manirahan, at nawala na ang kanilang takot sa tuwing darating ang bagyo o kalamidad. Maraming salamat po, Mabuhay tayong lahat.



By: RT

No comments:

Post a Comment