Monday, July 12, 2010
Ang Bayan ng Sta. Cruz
Ang Bayan ng Sta Cruz, ay isa sa sangay ng Occidental Mindoro. Ang Bayang ito ay Pinamamahalaan ng Mayor Felimon M. Galsim. Na ngayon ay muling nailoklok muli bilang Mayor ng nag daang botohan noong Mayo 12,2010. Maraming nabago ang bayang ito, bagong kalsada, street light,nagkaroon na rin ng fire truck,garbage truck, at iba pang magandang mga proyekto. Maraming nagsasabing ang Mayor na ito ay di mananalo, sa kadahilanang, ito daw ay pro mining, na sa madaling salita sang ayon sa mina.Sa akin wala akong paki alam kung pro o anti. ang mahalaga ang maayos manungkulan o mamahala sa Bayan. Ang Mina o intex ay pumasok dito sa bayan ng Occidental Mindoro,Karamihan hindi sumasang ayon ang mga tao sa usaping ito, dahil sa kadahilanang makakasira ito sa kalikasan. marami di naman ang nagsasabi na maganda ito dahil dito daw aasenso ang bayang ito. Ang bayang ito ay masasakop sa sinasabing pagawaan ng planta pag dating ng panahon na maaaproban ang mining. Kaya ang mga tao ay takot sa nasabing ito.Dahil maraming ibang bayan na nalubog dahil sa pagmimina. At ayaw naming mangyari ito, dito mismo sa bayang ito. Pano na ang mga bata na sa kasalukuyang lumalaki, pano na ang kinabukasan pagdating ng araw? that is a big question, na hindi alam ang magandang kasagutan.Kami talaga ay isa sa anti- mining hindi kami sumasang ayon sa mina..Ayaw namin ng Mina!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment