Wednesday, November 6, 2013

Bugaran



Para sa mga katutubo ang kagubatan ang syang matalik nilang kaibigan, dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng mga ibat ibang uri ng pagkain at kagamitan sa kanilang syempleng buhay.
        Tulad ng prutas na ito na may katawagan sa mangyan na Bugaran, kawangis ito ng Rambutan, at ito ay may taas na isang metro at mga ugat nito ay ginagamit nilang gamut sa pananakit ng tiyan….gusto nyo ba itong tikman? Ito ay matamis at may kakaibang bango habang ito ay iyong kinakain...








Thursday, October 10, 2013

Masakit

Masakit isipin ang naging karanasan ni Jessebel noong lunes, Kararawan ni Tsubasa, October 7, 2013. Si Jessebel ang naatasan namin na magpakulo ng tubig para sa noodles ng pasta. subalit sa di inaasahang pagkakataon, natapunan siya ng kumukulong tubig.. kaya ganyan ang nangyari,.kawawa talaga siya!... Binigyan naman siya ng ointment para sa kanyang banli..




"rea"

Tuesday, August 20, 2013

Linggo ng wika.

"Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo. 
Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang "Filipino" pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan. 
Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba't-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura. 


ng buwan ng wika ay ipinagdiriwang tuwing Agosto sapagkat ito ang buwan ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon (Ika-19 ng Agosto), itinuturing na nagsulong ng paggamit ng wikang Filipino.



"rea"

Tuesday, July 23, 2013

Kungo

Ang kungo ay isang uri ng alimango, masarap na pang ulam, bagamat mahirap piliin ang mga laman nito sa kanyang katawan. at ito pa ang aking karanasan, nakakahilo pagkatapos kumain nito, iton pala nakakataas ng blood pressure... hay! ang sarap sana.. pero sa tulad kung mababa ang BP ok lang...
reminders sa mga mataas ang kanilang dugo, iwasan ang kumain nito lalo na at naparami ang kain ninyo...

Salamat,

rea

Tuesday, June 25, 2013


HARDY(grade v student)

         
              Ang batang si Hardy ay nasa ikalimang baitang na ng elementarya,Siya ay isang Tribong Alangan na nakatira sa napakalayong lugar ng kabundukan ng Sta. Cruz.Nakakauwang isipin  na sa kauna-unahang pagkakataon sa halos mahabang panahon na naitatag ang 21st Association ay mayroong isang bata ang nagpaenrol sa kanyang sarili dahil ang mga batang ito ay kailangan pang samahan para magenrol ngunit itong si Hardy ay nakapagenrol g siya lamang.



anesty,


Thursday, June 13, 2013

BIGNAY



Bignay o Antidesma bunius ay isang maasim nakakain prutas ngunit madalas napapabayaan dahil sa kanyang maliit na sukat. Ang prutas niya ay buwig-buwig tulad ng mga ubas ngunit ang bignay ay kasing laki ng isang laruang bullet bulitas baril. Marami ang kulay ng bunga ng bignay.
 Ang mga tropikal na prutas ay lubos na nakapagpapalusog at may antioxidant, anti-carcinogenic katangian.

Bignay prutas ay mga maliliit na berries na malago, may malalaking kumpol kumpol ang bunga at kaakit-akit na berde ang kanyang puno. Dahil ang mga berries ay  iba't ibang ang kulay ito ay oras ora na  nag-iiba ang mga kulay. kulay mula sa pula at yellows sa purples at gulay. Bignay prutas ay matamis kapag ganap ripened, bagaman maaari itong napaka-acidic at maasim kapag hilaw, katulad ng cranberries. Ayon sa pananaliksik, mamamayan lasa pandama ng bignay ay may gawi na iba-iba bilang sa kung saan nagmula ang mga ito mula sa. Maraming mga westerners ay may posibilidad upang mahanap ang bignay prutas napaka maasim, bagaman mga tao katutubo sa Asya at Australasia madalas ilarawan ang lasa ng hinog bignay bilang matamis. Ito ay naisip na maging isang genetic kaugalian. Ang bignay tree, isang miyembro ng pamilya spurge botanikal din bear maliit na mamula-mula bulaklak, ang pabango ng kung saan ay nakakadismaya sa ilan.


"rea"

Friday, June 7, 2013

TALONG (EGGPLANT)
Solanum melongena

           Ano nga ba ang talong?Noong bata pa ako,isa ito sa mga gulay na ayaw kong kainin dahil mabuto.Pero hanga ako sa gulay na ito kahit ayaw ko nito.
           Ang talong ay isa sa mga katutubong gulay ng Southeast Asia na unang nilinang sa India.Noong ika-18 siglo,pinangalanan itong 'eggplant' ng mga Europeano.Nagsimula ito sa Dravidian word na 'varutina' at Tamil word na 'varutinai'.Unang naitala ito sa 'Qi min yaoshu',isang matandang kasunduang pang-agrikultural ng mga Chinesse na nakompleto noong 544.Dahil sa katanyagan nito,dinala ito ng mga mangangalakal na Arabo sa Mediterranean noong Middle Ages hanggang umabot ito sa buong mundo.Sa kasalukuyan,isa ito sa mga pangunahing pagkain ng mga tao.
           Unang una,pinaniwalaan ito na nakakalason ang dahon at bulaklak pag na consume ng marami dahil nagtataglay ito ng solanine,isa sa mga kemikal na matatagpuan sa tobacco.
           Ang halamang ito ay karaniwang lumalaki ng 40 hanggang150 sentimetro(16-45 pulgada) na mayroong lukot lukot na dahon na 10-20 sentimetro ang haba at 5-10 sentimetro ang lapad.Karaniwang humahaba ang bunga nito ng 30 sentimetro at kulay ube ang kulay na karaniwang tumutubo sa malalamig na lugar dahil nangangailangan ng anim na litrong tubig kada araw tuwing alas dos ng hapon.Napatunayan din na nagtataglay ito ng Carbohydrates,Fats,Protein,at Minerals na pawang kailangan ng ating katawan upang mabuhay.Napatunayan din na ang katas nito ay nakakabawas ng timbang at nakakababa ng lebel ng kolesterol sa katawan.


            Kaya san pa kayo! Ugaliing kumain ng talong dahil hindi lang ito masustansya at masarap,makasaysayan pa!
Eggplant Plantation at 21CA Compound





Talong with its bulaklak





Eggplant tree with its Fruits


Naani sa 21CA eggplant Plantation






mary,