Ang mga Katutubong iraya ay mayroong batas na sinusunod at ito ay pinagtitibay ng mga Matatanda o tinatawag na mga Kuyay,Kapag ang taong nagdulog ng kaso ay walang sapat na ibidensya ito ay sasailalim sa batas na Tigi lalo na kung ang kasong idinulog ay pagpatay, pagnanakaw ,rape,at pangangagaw ng hindi sariling pag-aari,o ari-arian,. upang ganap na malutas ang kaso at malaman ang katutuhanan ang batas na tigi ay iaatas sa buong pamayanan,bawat isang kasapi sa pamilya ay mayroong kalahok upang maging malinis ang kanilang pagkatao.Pagkatapos ng pagpupulong o kapasyahan ng mga matatanda sa kapulungan ay lilibot sila sa kumukulong tubig na may roong puting bato, upang magdasal kay apo Iraya o Diyos ng mga Iraya upang hindi mapaso at hindi mapahamak ang mga taong walang kasalanan.at bawat isa ay kukunin nila ang puting bato mula sa kumukulong tubig. Ang batas na tigi ay isang sagrado at ito ay kinakatakutan ng mga taong mangyan iraya.Dahil sa batas na ito ay patuloy na napapanatili ang katahimikan ng mga nasasakupang lugar ng mga iraya.
Pangaw
Ang pangaw ay iginagawad ng mga matatanda at mga pamunuan ng isang lugar sa taong nagkasala ang parusang ito ay napapaloob sa pagdidisiplina sa mga taong nasasakupan,isinasabit ang mga paa ng 50 centemetro ang taas.at 2 linggo o gigit pa,ang haba ng parusang kanyang itatagal sa butas ng pangawan.,maaaring mapangaw ang batang minor de edad na nagpapractice ng manigarelyo o uminom ng alak.
LC
No comments:
Post a Comment