naging karanasa Ang n ko sa pag-aalaga ng pasyente sa bundok
Ako po si Emely R. Pandez na taga sitio calamintao at isang katutubong mangyan na pinag-aral ng high school at kolehiyo ng 21st century association ako ay nakapagtapos ng kursong midwifery, taong 2007 at nagpractice ako ng aking tinapos na kurso sa Provincial Hospital ng Mamburao Occidental Mindoro at naka pitong buwan ako na nag serbisyo at marami akong natutunan na nakapagpadagdag sa aking kaalaman na naayon sa kursong kinuha ko, sa ngayon na assign ako sa Amnay Sitio Bayabasan sa mga tribong alangan. Nagpagawa ang 21st century assocn ng isgaang maliit na Health Center sa sitio bayabasan at isa ito sa pinakamagandang plano para sa akin at sa mga katutubong alangan dahil madalas magkasakit ang mga katutubo at itoy napakahirap para sa kanila kaya malaking bagay sa aming mga katutubo ang magkaroon ng health center dahil kahit sa mga pangkaraniwang sakit itoy nalulutas at kapag malala na ang sakit itoy pinapababa ko sa Hospital para magamot at gumaling. At isa rin itong paraan para maiwasan ang magpagamot sa mga albularyo dahil sa ngayon may kunti paring nagpapagamot sa albularyo dahil sa malayo ang lugar nila para magpagamot sa hospital at isa rin ay kulang sa karanasan tulad ng pagsasalita ng tagalog at ang pangalawa ay ang kahirapan
Nais kung ikwento sa inyo ang naging karanasan ko sa pag aalaga ng pasyente sa bundok. Ang una kung naging karanasan ay ang pag oobserba at pagpapainom ng gamot sa may sakit na tuberculosis na mahirap paliwanagan ang mga kapwa ko katutubo sa ngayon unti- unti na nilang naiintindihan kung saan nanggagaling at paano maiwasan ang sakit na tuberculosis at ang isa ko pang naging karanasan ay ang pagbabakuna natatakot sila sa tusok ng karayom. Pero ng dahil sa binibigay naming seminar na tinuturo mas naintindihan nila ang kahalagahan nito.
EP
No comments:
Post a Comment