Wednesday, July 14, 2010
Ang pag-aasawa sa Kulturang Mangyan Alangan at Iraya
Ang bawat tribu ng mangyan ay may kanya-kanyang kultura sa pag-aasawa, Katulad ng mga tribung alangan, Maliit pa lamang ang anak na babae ay meron nang nakatakda na mapapangasawa, kahit na matanda ang lalaki, ito ang tinatawag sa kanila na dugayan.
Ang pagkakasal sa kanila ay mayroong proseso, sa unang araw ng pagtulog ng mga ikakasal, sila ay matutulog sa bahay ng babae ngunit meron silang kasama na isang babae na pinsan ng ikakasal na babae at ito ay kailangang nakatabi rin sa ikakasal na babae, at ang lalaking kasama ay kailangang pinsan din ng ikakasal na lalaki at nakatabi rin ito sa ikakasal na lalaki. At ang pangalawang araw ng kanilang kasal ay ang ikakasal na lamang ang magkatabi sa higaan, at sa pangatlong araw sila ay lilipat na sa bahay ng magulang ng lalakiupang doon uli matulog.Hanggang sa prosesong iyan sila ay magiging tunay ng mag-asawa.
At sa mga mangyan na iraya naman ay magtatakda ng araw para sa pagbabasbas ng mga kuyay, ibig sabihin ay basbas ng mga matatanda at mga magulang, at kailangan ay ipagbigay alam sa kanilang APO IRAYA na ang ibig sabihin nito ay ang Panginoong diyos. At kapag natapos na ang pagbabasbas kailangan nilang matulog gabi-gabi sa mga bahay ng kamag-anak ng babae at ng lalaki at kapag lahat ay natulugan na nila ang mga bahay, sila ay ganap nang mag-asawa.
Ngunit sa panahong ito ang kulturang ito ay unti-unti na ring nawawala, dahil sa impluwensya ng mga taga patag.
Para sa akin ang kulturang ito, na ang pag-aasawa ng bata pa lamang at pakakaroon ng takdang mapapangasawa ay hindi ako nanghihinayang na mawala ito,dahil isa ito sa mga sanhi ng mga maagang pagkamatay ng babae na maaring sa maagang panahon ay maubos na ang mga katutubo,
Katulad na lamang ng nasa larawang ito, Ang nanay ay isa sa mga estudyante namin noong 2008 at nasa edad pa lamang 12, at ngayon ay meron ng anak sa edad na 14, marami pa sanang maganda pa na mangyayari sa kanya, kung nauuwaan lamang ng mga magulang nito ang tunay na kahulugan na edukasyon sa buhay ng tao.
mj
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment