Thursday, July 15, 2010
Halamang Gamot ( Pandakaki )
Ang halamang gamot ay magandang lunas sa ating katawan, tulad ng halamang ito. Kung tawagin ay PANDAKAKI o sa ibang salita ay ALIBOTBOT ang dahon ng alibobot o pandakaki ay magandang gamot sa pananakit ng tiyan.Ang proseso ng paggagamot ay, idarang sa apoy ang dahon nito, at pag mainit na, na kayang lamasin ng kamay ang mga dahon ilagay sa parte ng masakit na medyo mainit pa. at ito ay mabisa na gamot. at ung may sakit na sinisikmura, na sinasabing napasukan daw lamig, maganda din itong gamot. Gamot din ito sa sakit ng ulo, ang dagta nito at ilagay sa kanyang dahon para dumikit sa sintido na bahagi ng sakit ng ulo at ito ay hayaang matuyo at kusang matanggal ito sa pinag didikitan Kasama na ito sa paggaling ng nararamdaman kung oras na ito ay naalis sa pagkakadikit.Ito rin ay magandang gamot sa pagnanana o pamamaga ng parte ng kuko. karamihan sa atin ay nagpapalinis ng kuko at di natin maiwasan na magkasugat at pamamaga. ito ay magandang gamot. una, pumitas ng dahon nito doon sa pinakatalbos, dahil kailangan ang dagta nito, ipatak ang dagta sa parte ng pamamaga at sugat tiisin at makakaramdam ang hapdi o sakit, sa bandang huli ito ay hayaang matutuyo.para pagnabasa ng tubig di na makasinip o mamaga ulit. Subukan nyo at gawin kung ito kung kayo ay may nararamdaman, walang mawawala kung inyo itong susubukan.. maraming salamat po....
by: Rhea
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment