Friday, July 30, 2010

Ako po si Joemil Catama,kasalukuyan pong nagtatrabaho bilang Volunteer Staff sa 21st Century Association sa Sta Cruz,minsan po tuwing hapon ay nagdidilig ako ng mga gulay sa paligid na amin pong tinanim kasama ng iba pang mga Volunteer Staff. Para pagkain namin at ng mga studyante.

Thursday, July 29, 2010

Bahay Pasyente


Ito ang bahay ng aming pasyente, dinadala ang mga pasyenteng pinapa check up galing hospital. ito ay natayo sa looban ng municipyo.. maraming salamat at binigyan kami ng bahay pasyente.

Ako taga amnay

Ako si Roel M, Segunda taga amnay.

At isa akong mangyan. Ngayon ay scholar ng 21st Century Association isa akng student ng college ang cours ko ay computer technician. At nagustuhan ko ang cours na ito dahil nababagay sa aking talinto, ngayon ay malapit na akong matapos nag- titiraining na ako ngayon sa mga office. Napakahirap ang aking training dahil sa mga subject puro computer ang awak. Pero tiis ako dahil gusto kong matuto, kaya ngayon maramina akong nalalaman sa mga blogger at google. Kaya kapag Ang nagtitiis ng hirap May ginhawang hinanghangad.

Wednesday, July 28, 2010

Pag-aasawa ng tribong Iraya.

Paraan ng pag-aasawa sa tribong Iraya,Bago ikasal ang isang lalaki sa babaeng pakakasalan ay kinakailangang muna na magserbisyo sa pamilya na kanyang magiging asawa,ito ay ang tinatawag na paninilbihan,pag-katapos ng takdang panahon ng kanilang kasal hindi dapat galawin ng lalaki ang kanyang asawa hangga!t hindi pa natatapos ang panunulugan sa bahay ng bawat malalapit na tiuhin,o tiahin,lolo at lola, kapag na tapos na ang panunulugan sa bawat bahay ang mga malalapit na mga kamag-anak ay mag iipon-ipon upang mag-bigay ng kanilang mga panaginip sa bagong mag-asawang ito.ang mga basihan ng panaginip ay ang pag-kabali ng gulok o pag-kabuwal ng isang punong kahoy,ito ang mga palatandaan na hindi pa sila pweding mag-sama at palilipasin muli ang isang taon dahil maaaring maroong magyaring kamalasan sa kanilang pag-sasama o sa malalapit na mga kaanak o kapamilaya,.

Monday, July 26, 2010

Simbahan ng Katoliko


Ang simbahan ng Holy Cross Parish ng Sta. Cruz, ay maliit lang. Kaya ngayon ito ay pinagawa ng malaki, dahil sa dami ng nag sisimba. Pero sa ngayon hindi pa tapos ipagawa ang simbahan dahil kulang sa budget, Pero ito ay Sinisimbahan na ng mga tao ngayon kahit di pa gasinong yari.. Kailangan pa ang malaking halaga. . Sa ngayon patuloy pa rin ang ambag ng mga tao para maipagawa unti-unti.. salamat po...

By' Rbt


Masarap na Lutong Rabong


Ako po si Tessie Vicente Bernardo taga Mindanao sa ngayon po naka pag asawa ako sa Mindoro Occidental. Employee ako ngayon ng 21st Century Association. At kusinera o taga luto ng mga napakaraming studyateng Mangyan. Napakahirap magluto dahil sa napakaraming bata malaki ang gastos.. May mga students kami dito 60 pupils at kasama ang mga volunteer staff ng katutubo din.. salamat po….

By: Tess.

mga salawikain

MGA SALAWIKAIN

1. Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay nakakatulad ng malansang isda

2.ANG taong walang kibo. Nasa loob ang kulo

3.Huli man at magaling AY naihahabol din

4. Bago ka bumati ng sa ibang uling

ANG uling mo muna sng siyang pahirin

5. Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan Di makarating sa paroroonan

6. Madali ang maging tao Mahirap magpakatao

7. Hindi Ka man magmana ng salapi, Magmana man lamang ng mabuting ugali.

8, Ang batong buhay

RS

Ang Kusinera ng 21st Century Association



ANG gabi at araw

Ang mga tao maraming tanong tungkol sa gabi at araw, kungbakit daw madilim ang gabi at ANG RAW
maliwanag ang araw pero sabi ng mga matatanda ang araw para sa pag-tatarabaw ng mga tao. Ang gabi naman para sa pamamaynga ng mga tao upang lumakas uli kinabukasan. Kaya sa mga kuwento ng mga unang matatanda iyan ang gulong ng ating buhay sa madaling sabi bilangan ng ating hidad. Kong ilan buhan o taon ang ating mga hidad.
RS

Sunday, July 25, 2010

pag kabagot

PAG KABAGOT
Upang maiwasan ang kalung-kutan sa mga buhay kailangan tayo ay gumamit ng computer para malibang ang ating mga kaisipan maraming games, ang ating natutunan sa mga part ng computer. Nag bibigay sigla sa ating mga damdamin, ako isang mangyan bagupalang nagsisimulang gumamit ng computer, at ito lang ang tangi-kong libangan dahil sa aking kapansanan. Ako po ngayon ay kapanahunan ng OJT at nangarap ako na nakapag tapos ng callege. sa West mindoro polythicnic school Occ mindoro, sana wag nating isuko ang buhay mag libang libang at limutin upang matugunan ang pangangailangan natin sa bawat araw na darating. Roel walang sinusukuhan,
RS

pangunang salita sa OJT

PAUNANG SALITA SA OJT
Upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag- aaral at mabigyan ng malawak na kalaman sa pag- aaral ng blogger. Kailangan abot- kaya ng pangunawa ng bawat binigay ng teacher mo, sa araw-araw. Ngunit napakalaki ang naitutulong sa lahat ng gumamit, ng computer ito rin ang nag papalawak ng iyong kalaman sapag blogger. Bukod sa blogger may rundin natutunan sa mga ibapang part ng computer. Samakatuwid ay matibay at malaman ang natutunan mo.
RS

mangyan alangan

Mangyan Alangan..
Ako po si Roel M. Segunda nagmula sa tribong Alangan tubong Occidental Mindoro ang tawag sa salita naming mangyan ay Alangan. Nakatira ako sa Brgy. Pinagturilan Amnay Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Ako po ay nag..aral ng college, ang aking, course ay computer hardware dahil sa aking kapansanan, ay ito ang napili kong kurso. Ako po ay nag kukumpuni ng mga sirang computer ito ang pangarap ko kapag ako ganap na magaling hindi gusto ko hindi lamang sa buhay ko mangyari ito gusto ko rin; given my knowledge all the people my co- mangyan alangan
Kaya nag_aral ako sa college ng West Mindoro Polytechnic School sa Mamburao Occidental Mindoro. Nag papasalamat ako dahil sa binigyan ako ng pag kakataon na makapag aral ng 21st Century Association Kaya malaki ang utang na loob ko sa namamahala nito.
Do not wait to the notice if you have a good attitude in or you know na dapat kang umangat sa position take to you boss and ask what you need., hindi lahat ng mangyan ay inaapi.. Mabuhay tayong mga Mangyan..

Friday, July 23, 2010

KALIKASAN NG MGA PUNONG KAHOY
Ang mga punong kahoy ay ating pangala- gahan para sa kina-bukasan ng ating mga kaba- tahan, sana sa pag putol ay ating ingatan.at Ipa kita natin sa mga anak natin dahil ang mga punong kahoy ay bahagi ng ating buhay, dahil dito nakasa -lalay ang lahat ng likas yaman sa mudong ibabaw. Dahil ang mga punong kahoy ay silungan ng anuman bagay tulad ng mga tao, at ibon, dito rin namu-mugad ang mga malilihit na ibon, ito rin ang pumi-pigil sa mga lugar na dina-dahanan ng malakas na baha sa kapa-ligiran ng mga gilid na ilog.
Sana mahiwasan ang pag-puputol ng mga punong kahoy, anggat may mga punong kahoy pa, natitira sa ating kapa ligiran. Ay ating pag-bawalan
RS

Thursday, July 22, 2010

Tribong Alangan sa Bayan ng Sta. Cruz

Ang bayan ng Sta. Cruz na dito nag sisimula ang kasaysayan ng mga batang mangyan alangan. Dahil dito at nilang sinimula ang pag-aral, dito na rin silang nagsimulang makihalo bilo o mkisalamuha sa mga tagalog. Natoto na rin bumasa ng mga kasaysayan ng unang panahon natuklasan din nila ang pamamaraan tungkol sa mga sakit na panlunas,kaya ngayon ay marunong na rin silang gumamit ng Medicine sa hospital, kaya unti-unti narin nawawala ang dating tradisyon nila sa bundok. Noong unang panahon ay ang panggamot ay mga ugat nang kahoy katas ng bagin. Dahil sa mga batang ito ay gusto nilang baguhin ang kanilang maling paniniwala sa mga maling panggagamot sa mga sakit.
Kaya ang Sta.Cruz ay kasaysayan ng mga batang alangan, mula 2001 hanggang sa mga darating na Generation.


By: Roel Segunda

Wednesday, July 21, 2010

Ang bundok

ANG BUNDOK
Ang kabundukan tirahan ng mga mangyan. dito sila naninirahan diturin sila namumuhay gustunilang ang ganitong buhay ang paniniwala ng mga mangyan sa kabundukan maraming pagkukunan ng pagkahin, ang gustunila laging may mga punong kahoy na makikita dahil maniniwala sila ang mga punungkahoy ay makakatulong sa kanila dahil dito sila nangunguwa ng makakahin tulad ng mga bungang huway ito ang kanilang mahisip laging sagubat at pangangaso. At namumuwag ng pulot sa gubat at namamana sa ilog. Gumagawadin silsng mga baskit at duyan bilaho at para bintahin sa mga tagalog pambilinang asin at bahag gulok kaldiro at kawali singsing sa dareri
RS

tagullan at taglamig

TAGULAN AT TAGARAW
Ang panaoon ay maydalawang klasi tulad ng tagulan at tagaraw ang tagaraw ay ito ang nag papatuyo ng mga bungang kahoy iturin ang nag papatuyo ng mga tubig sa ilog,at sa mga punong saging, iturin ang nagpapatigas ng mga lupa para maiwasan tumibag ang mga bundok.
Ang tagulan ito ay ang nagpapalambot ng lupa, iturin ang nagpapasibol ng mga bungang kahoy iturin ang nagdidilig ng mga alaman sa gubat nagbibigay buhay sa mga alaman.
Kaya dalawang uri ang binigay ng ating pangunoon.
Para mabuhay tayo binigyan tayong mga init at lamig.
RS
t

Tuesday, July 20, 2010

Ang ilog ng Anmay

ANG ILOG
Ang bawat ilog ay napakalinaw dito naninirahan at ang isdang tabang pero bakit napakalabo ang ilog ng amnay dahilba sa mga tao. Siguruga dahil sa mga paninirang mga punungkahoy. Dati ang ilog ng amnay ay napakalinaw pero sa walang pakialam ang mga tao dito sa ilog ng amnay. kaya kapag umulan maraming bundok ang natitibag ito rin ang nagdudulot ng panlalabo dahil sa gawa ng mga tao, ngayon ay wala manlang isdang nakatira dito, sayang lang ang dating malinaw at ngayon ay maging malabo sana pag isipan natin kong ano ang dapat natin gawain, ang gusto kong muling palaguin pagtatanim ng puno muling palaguin ang mga ito, para maiwasan ang panlalabong tubig na inumin, para maiwasan ang sakit na dulot nang malabong inumin.

By*
Roel Segunda

Ang buhay ko sa mundong ibabaw

Ang mundo at ang buhay
Ang ating buhay ay tulad ng mundo at minsan nasa ilalim minsan nasa ibabaw ganoon ang buhay ko napakagulo, maraming tanong kong bakit ganoon bakit ganyan? Ito ba ang kasabihan ang buhay ng tao ay may hangganan bakit, dahilan ba sa walang pinag_aralan siguro hindi dahil ganito ang buhay may kanya kanyang kapalaran ang bawat sinilang sa mundong ibabaw kaya wag mong isipin na ikaw ay nasa dilim, ipaglalaban ko ang aking damdamin malungkot man kaya kong sulosyunan sa bawat sandali maraming tanong sa buhay ko.

By:
Roel Segunda

Tradisyunal ng panggagamot

Noon panahon ang aking mga lolohin nasa kabundukan ng amnay sila ay may mga tradisyon na sinusunod at hindi sila naniniwala sa mga gamot ng hospital, ayaw nilang mag pagamot at gusto nilang mag imbento ng isang paraan ng panggagamot natuklasan nila ang MARAYAW iyan ang kanilang natuklasan sa panggamot. Pag mamarayaw ito ang kanilang paraan, para mahiwasan ang maysakit, naniniwala sila sa mga engkanto, ang kanilang tradisyon unti unti na nababago dahil sa mga nakapag-aral na ang mga anak nila kaya ngayon may mga communication na sa hospital dahil sa nakapag tapos ng college ang kanilang mga anak. Sa tulong ng 21st Century Association.
Kaya unti-unti na nawawala ang kanilang traditional dahil sa mga anak nilang nakapagtapos ng narsing. at ang iba ay midwifery.


By: Roel Seguda

Alangan -Tagalog

Language alangan Tagalog language
Ako dapuwa buhay ako wala nang buhay
Ano kao agtangay saan ka pupunta
Aguliwa sa balay ako uwi na sa bahay
Maskitwa kangay ulo masakitna ang ulo ko
Yabiwa nguna gabi na ngayon
Agkamanganwa kitam kain na tayo
Daliwa aywawa pumarito ka
Buyuek baboy
Teto aso
Tatakbo tumatakbo
Agusokwa tulog na

RMS

Ang naging karanasan sa pag-aalaga ng mga pasyente sa bundok

naging karanasa Ang n ko sa pag-aalaga ng pasyente sa bundok
Ako po si Emely R. Pandez na taga sitio calamintao at isang katutubong mangyan na pinag-aral ng high school at kolehiyo ng 21st century association ako ay nakapagtapos ng kursong midwifery, taong 2007 at nagpractice ako ng aking tinapos na kurso sa Provincial Hospital ng Mamburao Occidental Mindoro at naka pitong buwan ako na nag serbisyo at marami akong natutunan na nakapagpadagdag sa aking kaalaman na naayon sa kursong kinuha ko, sa ngayon na assign ako sa Amnay Sitio Bayabasan sa mga tribong alangan. Nagpagawa ang 21st century assocn ng isgaang maliit na Health Center sa sitio bayabasan at isa ito sa pinakamagandang plano para sa akin at sa mga katutubong alangan dahil madalas magkasakit ang mga katutubo at itoy napakahirap para sa kanila kaya malaking bagay sa aming mga katutubo ang magkaroon ng health center dahil kahit sa mga pangkaraniwang sakit itoy nalulutas at kapag malala na ang sakit itoy pinapababa ko sa Hospital para magamot at gumaling. At isa rin itong paraan para maiwasan ang magpagamot sa mga albularyo dahil sa ngayon may kunti paring nagpapagamot sa albularyo dahil sa malayo ang lugar nila para magpagamot sa hospital at isa rin ay kulang sa karanasan tulad ng pagsasalita ng tagalog at ang pangalawa ay ang kahirapan
Nais kung ikwento sa inyo ang naging karanasan ko sa pag aalaga ng pasyente sa bundok. Ang una kung naging karanasan ay ang pag oobserba at pagpapainom ng gamot sa may sakit na tuberculosis na mahirap paliwanagan ang mga kapwa ko katutubo sa ngayon unti- unti na nilang naiintindihan kung saan nanggagaling at paano maiwasan ang sakit na tuberculosis at ang isa ko pang naging karanasan ay ang pagbabakuna natatakot sila sa tusok ng karayom. Pero ng dahil sa binibigay naming seminar na tinuturo mas naintindihan nila ang kahalagahan nito.
EP

Ang aking Pag - aaral

Pag-aral
Noon panahon at ang mga katutubong mangyan alangan ay ayaw nilang mag-aral, pero sa tulong ng 21st Century association at sila ay nakumbinsi na nakapag- aral sa school at mula noon ang mga katutubong alangan ay nag- aral sa bayan ng Sta.Cruz mula Elementary hanggang College, kaya ngayon ang mga batang mangyan ay marunong na bumasa at sumulat, hindina kayang lukuhin ng mga tagalog, dahil sa nakapag- aral sila.
Kaya ang bawat tao may karapatan mangyan man o tagalog man ang buhay ay pantay-pantay lang,
Mahirap ang walang pinag- aralan naranasan ko ang dati kong buhay na madaling maluko, kaya ako ay nag desisyon na mag sumikap ng pag -aaral sa kabila ng aking kapansanan, dahil sa tulong ng 21st Century Association naka pag-aral ako di na kayang lukuhin.


By: Roel Segunda

Monday, July 19, 2010

21st Century Association

ng silang lugar laluna kapag may namatay sa kanilang bahay at susunugin ang bahay na na PAMUMUHAY ALANGANnagtatanim ng kalabasa kundol at sila ay palipat_ lipat din matayan at takot sa multo kaya ang kanilang libingan ay sa kabilang ilog dahil ang kanilang paniniwala ito ay muling babangon sa pampitong araw kaya sila umaalis Dito. At humahanap sila ng malilipatan lugar kong saan_ sila mag sisimula ng kanilng pamumuhay.
Gusto nilang baguhin ang kanilang pamumuhay kaya nag papa salamat si sa tulong ng 21st CENTUY ASSOCIATION ito ang daan nilang para maiwasan ang ganitong pamumuhay noon at ngayon kaya unti unti na pag_ aralin ang kanilang anak ngayon marunung nasilang bumasa at sumulat.
Magtatanim silang kamuting kahoy gabbe at

RS

Ang Bahag

Ang mga alangan dati ay bantog na nakabahag ayaw gumamit ng pantalon gusto nila laging bahag bata man o matanda lahat sila ay nakabahag. Pero sa tulong ng 21st Century Association nabago ang kanilang paniniwala na takot gumamit ng pantalon ang 21st Century Association Ito ang daan ng mga alangan na para matutong bumasa at sumulat. Kaya ang mga kabatahan ngayon sila naman ang daan para mawnawan kong bakit ang isang tao ay kailangan mag-aral sa school. Pangarap ngayon ng mga kabatahan na tumahas ang antas ng kumunidad ng mga alangan para maiwasan ang lukuin ng mga naka pag_aral ng mga tagalog at dayuhan. Gusto rin ngbahag at pantalon
mga kabatahan na makatulong sa hindi marunong sumulat at bumasa. Ngayon unti uti na walanang bahag gusto narin nilang naramdaman ang kaunralan.

RS

Pamayanang Alangan

PAMAYANANG ALANGAN
Ang pamayanang alangan sila ay naninirahan sa mga mataas na lugar ayaw nilang bumaba sa mga mababang lugar. Dahil ang gusto ng mga alangan kapag sa mataas na lugar laging malamig kaya ayaw nilang bumaba ng patag dahil napaka init ang kanilang mga pakiramdam. sa kapatagan, madaling magkasakit Kaya ang paniniwala nila sa kabundukan ay ligtas na lugar at hindi nagkakasakit, dahil malayo sa mga bisitang taga malayong lugar, na nag dudulot ng mga karamdaman sa kanilang mga anak,

Thursday, July 15, 2010

Halamang Gamot ( Pandakaki )


Ang halamang gamot ay magandang lunas sa ating katawan, tulad ng halamang ito. Kung tawagin ay PANDAKAKI o sa ibang salita ay ALIBOTBOT ang dahon ng alibobot o pandakaki ay magandang gamot sa pananakit ng tiyan.Ang proseso ng paggagamot ay, idarang sa apoy ang dahon nito, at pag mainit na, na kayang lamasin ng kamay ang mga dahon ilagay sa parte ng masakit na medyo mainit pa. at ito ay mabisa na gamot. at ung may sakit na sinisikmura, na sinasabing napasukan daw lamig, maganda din itong gamot. Gamot din ito sa sakit ng ulo, ang dagta nito at ilagay sa kanyang dahon para dumikit sa sintido na bahagi ng sakit ng ulo at ito ay hayaang matuyo at kusang matanggal ito sa pinag didikitan Kasama na ito sa paggaling ng nararamdaman kung oras na ito ay naalis sa pagkakadikit.Ito rin ay magandang gamot sa pagnanana o pamamaga ng parte ng kuko. karamihan sa atin ay nagpapalinis ng kuko at di natin maiwasan na magkasugat at pamamaga. ito ay magandang gamot. una, pumitas ng dahon nito doon sa pinakatalbos, dahil kailangan ang dagta nito, ipatak ang dagta sa parte ng pamamaga at sugat tiisin at makakaramdam ang hapdi o sakit, sa bandang huli ito ay hayaang matutuyo.para pagnabasa ng tubig di na makasinip o mamaga ulit. Subukan nyo at gawin kung ito kung kayo ay may nararamdaman, walang mawawala kung inyo itong susubukan.. maraming salamat po....


by: Rhea

WEST MINDORO POLYTECHNIC SCHOOL



WEST MINDORO POLYTECHNIC SCHOOL

Ang aking buhay sa College paminsan minsan ay masaya at kong minsan ay malungkot dahil napakahirap ng English na walamanlang Tagalog pero pinilit kong unawain ang mga tinuro sakin. Masaya rin ako kapag time ng pagbabaklas ng sirang computer gustukong matutong gumamit ng utp cabled. Pero naman kapag time ng typing malungkot mandin ako dahil pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko dahil daw mabagal ako sa typing Pero diko pinansin sila anggang .isang araw na naisipan kong mag saidline sa labas para matutong mag type. at ginawako nga ang nahisipko at natuto rin nga ako At nagulat ang akin teacher kaklase ko at muli akong masaya. Kapag time ng typing dahil unti unti na tuloy tuloy ang nalalaman ko sa typing.

Kapag time ng Epanish masmasaya kaming lahat dahil may kaawig ng Tagalong kaya walang lungkot at nag tatawanan lahat.

Pero kapag time ng English lahat kami ay malungkot dahil di naming mahin tindihan ang mga sinasabi ng teacher naming kaya ang ginawa naming ay lagging tanong sa teacher.
RS

21st CENTURY ASSOCIATION

21st CENTURY ASSOCIATION

Ito ang daan ng mga kabataan ang 21st CENTURY ASSOCIATION dito kami natutong sumulat at bumasa at tinulungan din na naka pag _ aral ng elementary at anggang college. ako ngayon ang kahuna unaan nakapag tapos ng college mangyan alangan ang na ang buhay. Malungkot man o masaya ang kalungkotan at ang kasiyahan isang diary lamang.

Salamat sa na tawag sa linggwahi namin. Nag papasalamat kami na binigyan kami ng pagkakatahon Makapag aral sa school ang katulad naming mangyan. Mga kabataan wag nating sayangin walang sawang tumulong sa katulad naming mga mangyan alangan. At narito ako sa bayan ng Sta. Cruz mula sa kabundukan ng amnay nangarap ako na sana nakapag_ aral ang lahat ng mga mangyan para mahiwasan ng lukuhin ng mga tagalog ang paninda nilang basket, duyan at luya na pinag kukunan naming kabuhayan.

RS

Mangyan Batas ng tribong Iraya

Ang mga Katutubong iraya ay mayroong batas na sinusunod at ito ay pinagtitibay ng mga Matatanda o tinatawag na mga Kuyay,Kapag ang taong nagdulog ng kaso ay walang sapat na ibidensya ito ay sasailalim sa batas na Tigi lalo na kung ang kasong idinulog ay pagpatay, pagnanakaw ,rape,at pangangagaw ng hindi sariling pag-aari,o ari-arian,. upang ganap na malutas ang kaso at malaman ang katutuhanan ang batas na tigi ay iaatas sa buong pamayanan,bawat isang kasapi sa pamilya ay mayroong kalahok upang maging malinis ang kanilang pagkatao.Pagkatapos ng pagpupulong o kapasyahan ng mga matatanda sa kapulungan ay lilibot sila sa kumukulong tubig na may roong puting bato, upang magdasal kay apo Iraya o Diyos ng mga Iraya upang hindi mapaso at hindi mapahamak ang mga taong walang kasalanan.at bawat isa ay kukunin nila ang puting bato mula sa kumukulong tubig. Ang batas na tigi ay isang sagrado at ito ay kinakatakutan ng mga taong mangyan iraya.Dahil sa batas na ito ay patuloy na napapanatili ang katahimikan ng mga nasasakupang lugar ng mga iraya.

Pangaw
Ang pangaw ay iginagawad ng mga matatanda at mga pamunuan ng isang lugar sa taong nagkasala ang parusang ito ay napapaloob sa pagdidisiplina sa mga taong nasasakupan,isinasabit ang mga paa ng 50 centemetro ang taas.at 2 linggo o gigit pa,ang haba ng parusang kanyang itatagal sa butas ng pangawan.,maaaring mapangaw ang batang minor de edad na nagpapractice ng manigarelyo o uminom ng alak.

LC

Wednesday, July 14, 2010

Ang pag-aasawa sa Kulturang Mangyan Alangan at Iraya


Ang bawat tribu ng mangyan ay may kanya-kanyang kultura sa pag-aasawa, Katulad ng mga tribung alangan, Maliit pa lamang ang anak na babae ay meron nang nakatakda na mapapangasawa, kahit na matanda ang lalaki, ito ang tinatawag sa kanila na dugayan.
Ang pagkakasal sa kanila ay mayroong proseso, sa unang araw ng pagtulog ng mga ikakasal, sila ay matutulog sa bahay ng babae ngunit meron silang kasama na isang babae na pinsan ng ikakasal na babae at ito ay kailangang nakatabi rin sa ikakasal na babae, at ang lalaking kasama ay kailangang pinsan din ng ikakasal na lalaki at nakatabi rin ito sa ikakasal na lalaki. At ang pangalawang araw ng kanilang kasal ay ang ikakasal na lamang ang magkatabi sa higaan, at sa pangatlong araw sila ay lilipat na sa bahay ng magulang ng lalakiupang doon uli matulog.Hanggang sa prosesong iyan sila ay magiging tunay ng mag-asawa.

At sa mga mangyan na iraya naman ay magtatakda ng araw para sa pagbabasbas ng mga kuyay, ibig sabihin ay basbas ng mga matatanda at mga magulang, at kailangan ay ipagbigay alam sa kanilang APO IRAYA na ang ibig sabihin nito ay ang Panginoong diyos. At kapag natapos na ang pagbabasbas kailangan nilang matulog gabi-gabi sa mga bahay ng kamag-anak ng babae at ng lalaki at kapag lahat ay natulugan na nila ang mga bahay, sila ay ganap nang mag-asawa.


Ngunit sa panahong ito ang kulturang ito ay unti-unti na ring nawawala, dahil sa impluwensya ng mga taga patag.

Para sa akin ang kulturang ito, na ang pag-aasawa ng bata pa lamang at pakakaroon ng takdang mapapangasawa ay hindi ako nanghihinayang na mawala ito,dahil isa ito sa mga sanhi ng mga maagang pagkamatay ng babae na maaring sa maagang panahon ay maubos na ang mga katutubo,

Katulad na lamang ng nasa larawang ito, Ang nanay ay isa sa mga estudyante namin noong 2008 at nasa edad pa lamang 12, at ngayon ay meron ng anak sa edad na 14, marami pa sanang maganda pa na mangyayari sa kanya, kung nauuwaan lamang ng mga magulang nito ang tunay na kahulugan na edukasyon sa buhay ng tao.


mj

Monday, July 12, 2010

Ang Bayan ng Sta. Cruz

Ang Bayan ng Sta Cruz, ay isa sa sangay ng Occidental Mindoro. Ang Bayang ito ay Pinamamahalaan ng Mayor Felimon M. Galsim. Na ngayon ay muling nailoklok muli bilang Mayor ng nag daang botohan noong Mayo 12,2010. Maraming nabago ang bayang ito, bagong kalsada, street light,nagkaroon na rin ng fire truck,garbage truck, at iba pang magandang mga proyekto. Maraming nagsasabing ang Mayor na ito ay di mananalo, sa kadahilanang, ito daw ay pro mining, na sa madaling salita sang ayon sa mina.Sa akin wala akong paki alam kung pro o anti. ang mahalaga ang maayos manungkulan o mamahala sa Bayan. Ang Mina o intex ay pumasok dito sa bayan ng Occidental Mindoro,Karamihan hindi sumasang ayon ang mga tao sa usaping ito, dahil sa kadahilanang makakasira ito sa kalikasan. marami di naman ang nagsasabi na maganda ito dahil dito daw aasenso ang bayang ito. Ang bayang ito ay masasakop sa sinasabing pagawaan ng planta pag dating ng panahon na maaaproban ang mining. Kaya ang mga tao ay takot sa nasabing ito.Dahil maraming ibang bayan na nalubog dahil sa pagmimina. At ayaw naming mangyari ito, dito mismo sa bayang ito. Pano na ang mga bata na sa kasalukuyang lumalaki, pano na ang kinabukasan pagdating ng araw? that is a big question, na hindi alam ang magandang kasagutan.Kami talaga ay isa sa anti- mining hindi kami sumasang ayon sa mina..Ayaw namin ng Mina!

Mangyan Song Alangan








Ambulong ang tawag sa pagpapatulog ng bata.
dalawang klasi ang awit ng Ambulong ang ambulong pagpapa tulog ng bata ang awit na yayunan gina gamit sa mga pag liligawan pang harana sa mga babaeng walang asawa. tulad ng mga balo yayunan ginagamit ng mga babae at lalaki ng walang mga hasawa. ang ambulong ay gina gamit sa pagpapatulog ng
bata. kapag ginamit ang ambulong sila hindi nakatayo hinderin nakaupo ito ay ginagamit sa may duyan.
kapag ginamit ang yayunan hindi sa duyan ito ay ginagamit nila sa paglalakad pampasaya gamitdin sa tarabao para walang pagod.ang yayunan pangakit sa mga babae at lalaki ditorin nagsisimula ang nainlab. kapag umiyak ang bata ang bulong ang ginamit para tumegil ang iyak ng bata kapag hindi nakahawak sa lalamunan ang tawag ay yayunan.

Rs

bakit tinawag na katutubong Mindorinyo

Ang mga mangyan bakit tinawag na katutubong Mindorinyo. Dahil dito ako lumaki ang pamumuhay ko ay pangangaso gumawa nang baskit bilao at duyan ipagbili sa bayan para may pambili ng asin at pambili ng bahag at kumot gulok kahit tinatawanan ng mga tagalog walang pakialam.. dahil ang paniniwala ko ay mangyan ako ang paniniwala ko wala silang pakialam..ang buhay ng mga mangyan alangan lagi nalang palipat lipat ng tirahan walang permihan ng tirahan ang kanilang tirahan sa mga kuwiba masaya sila kahit walang makain. Pagkakaingin tuwing tag-araw. Ang aming itinatanim dito ay mga palay kaingin na tinatawag naming san Francisco kamuros at gabi.

Roel M. segunda

Mangyan Alangan

Mangyan Alangan..


Ako po si Roel M. Segunda nagmula sa tribong Alangan tubong Occidental Mindoro ang tawag sa salita naming mangyan ay Alangan. Nakatira ako sa Brgy. Pinagturilan Amnay Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Ako po ay nag..aral ng college, ang aking, course ay computer hardware dahil sa aking kapansanan, ay ito ang napili kong kurso. Ako po ay nag kukumpuni ng mga sirang computer ito ang pangarap ko kapag ako ganap na magaling hindi gusto ko hindi lamang sa buhay ko mangyari ito gusto ko rin; given my knowledge all the people my co- mangyan alangan
Kaya nag_aral ako sa college ng West Mindoro Polytechnic School sa Mamburao Occidental Mindoro. Nag papasalamat ako dahil sa binigyan ako ng pag kakataon na makapag aral ng 21st Century Association Kaya malaki ang utang na loob ko sa namamahala nito.
Do not wait to the notice if you have a good attitude in or you know na dapat kang umangat sa position take to you boss and ask what you need., hindi lahat ng mangyan ay inaapi.. Mabuhay tayong mga Mangyan..

Sunday, July 11, 2010

Dear kumon Philippines



Dear Kumon Philippines,

Marami pong salamat sa bagong worksheets ng kumon na ipinadala ninyo para sa aming mga studyante. ngayon po ay nagsimula na silang magaral ng kumon sa gabi.masaya po ang bawat isa at talagang nakikita naming ang consentrasyon nila sa pagsagot ng kanilang worksheets.maging ang mga bagong estudyante ay interesado sa pagaaral ng kumon,araw araw noong hindi pa dumadating ang worksheets lagi nilang tanong kung kalian magkakaroon ng kumon kaya noong natanggap naming ang worksheets noong July 8,2010 ay tuwang tuwa ang mga bata at gusto na agad nila ang magsimula talagang alam nila kung ano ang kahalagahan ng kumon sa kanilang buhay. Kaya naman ang aming mga estudyante pagdating sa kanilang paaralan ay hindi nahuhuli sa kaalaman lalong lalo sa Subject na Mathematics.Marami pong salamat po ang ipinaaabot namin sa kumon Philippines sa walang sawang pagtulong ninyo sa amin,,

Maraming salamat po.
21st Century Association

Friday, July 9, 2010

Roel Segunda




Ako si Roel M. Segunda Scholar ng 21st century Association, nakatera sa sta cruz occidental mindoro…. Mangyan alangan mula sa bundok ng Amnay bumaba ako sa bayan para mag_aral at matutong sumulat at bumasa. At maunawaan ang buhay sa bundok at sa kapatagan, ngayon ko talaga maunawaan ang buhay ng mangyan at ang buhay ng marunong humawak ng ballpen at sumulat, ngangarap ako na matulungan ko sa mga kalahi ko ang buhay ng naka pag-aral, gusto ko rin na makatulong sa mga alangan para hindi sila ang lukuin ng mga marurunong at nakapag-aral.

Ako po si Roel Segunda naka pag tapos sa NATIONAL HIGHSCHOOL ng sta cruz.. at ngayon po ako ay kasalukuyan po nag-aaral sa WEST MINDORO POLYTECHNEC SCHOOL.,At ngayon ako pa ay nag-ojt na.

RS

Thursday, July 8, 2010

Bakit kaya minsan hindi pinaparahan ng mga bus driver ang mga mangyan???

Nakaranas na ba kayo na hindi parahan ng mga sasakyan? kung nangyari na ito sa inyo ano ang inyong pakiramdam diba nakakagalit din, Ano kaya ang nasa isip ng mga bus driver bakit hindi nila minsan pinapasakay ang mga mangyan, dahil ba sa mabaho, madumi o walang pera sila.
Madalas ko itong makita kapag ako ay nagbibiyahe dito sa ating probinsya ng occidental, ano ba ang diperensiya ng mga mangyan sa mga tagababa, kasalanan ba nila na maging ganun sila.
hindi na ito hindi makatao at makatarungan, minsan pinaparahan nga nila sa taas naman nila pinapasakay kahit na babae tapos papabilisin pa ang pag-akyat sa bubong,,,hindi naman sila unggoy tao naman sila bakit ganun na kung tratuhin ang mga katutubong mangyan.
sana naman po kahit marumi at mabaho sila tratuhin naman bilang isang tao,hindi bilang isang unggoy o anu pa man.

mj

Tuesday, July 6, 2010

Dear Kumon Philippines




Dear Kumon Philippines

Marami pong salamat sa inyo,dahil sa out reach program ng kumon dito sa 21st century association sa sta cruz occidental Mindoro, malaki po ang tulong nito sa aming mga scholars upang maitaas ang kaalaman sa mathematics at dahil din po sa kumon ay naging madali para sa kanila ang makipagtagisan ng talino sa kanilang eskwelahan.. Malaki pong unlad sa bawat estudyante namin ang programang ito.Marami pong salamat sa malawak ninyong isipan at pusong tapat na tumulong sa amin upang maitaas ang antas ng edukasyon ng aming mga scholars. Ngayon ay na nagagamit na nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay..Marami pong salamat. Mabuhay po tayong lahat!


Maraming salamat po!

21st Century Association

Monday, July 5, 2010

Sea Wall sa Sta. Cruz.

Occidental Mindoro, ito ay maraming likas na yaman. Napabilang dito ang distrito ng Sta. Cruz, ito ang aming tinubuan, na nag sasabing dito ang aming bayan. Ang Sta. Cruz ay maliit na bayan, ito ay may labing isang barangay. Ang mismong Bayan ng Sta. Cruz ay nasa pagitan ng ilog at dagat. at sa tuwing may darating na kalamidad, laging sumasagi sa isipan ko ay paano na kung ang dagat ay unti unting lumalapit sa tabing ilog, paano na ito? napakalaking katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. kasi noong nakalipas na taon, talagang madaming bahay ang tinangay ng alon sa dagat. ayaw ko ring mangyari ang mga tao na makikita sa ibabaw ng kanilang bubungan pag dating ng araw, kaya dapat masulusyunan ang problemang ito. At nag deside ang namumuno sa bayan na malagyan ng protection ang may naninirahan sa tabing dagat, ito ay ang sea wall, malaki na rin nabago dito. kaya tiwala na ang mga tao sa tabi ng dagat na manirahan, at nawala na ang kanilang takot sa tuwing darating ang bagyo o kalamidad. Maraming salamat po, Mabuhay tayong lahat.



By: RT

Sunday, July 4, 2010

Kaming mga Mangyan

Bakit kaya sa nakararaming mamamayan sa occidental mindoro madalas ang maralitang mga katutubo ang syang nagiging ugat ng hindi pantay pantay na pagtingin o pag-respeto na mabigyan ng karapatan bilang isang normal na tao.,mabaho ang madalas na marinig na sinasabi sa mga katutubo,ngunit sa panahon ng halalan ay mabango ang kanilang katauhan. Isang latang sardinas,isang kilong bigas isang stick na tabako ay sapat na para lumuko sa mga maralitang mangyan at ito .Ilang araw pa lang ang nakalilipas ng manumpa ang bagong leder ng pamahalaang local ng Pilipinas sana maging bukas ang kanilang pusot isipan na mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sapat na attension para sa kapakanan ng mga mangyan at hindi pansariling hangarin lamang.

LC

Travel to Mamburao


Matagal na rin akong hindi kakapunta ng mamburao, pero noong nakaraang araw, namangha ako dahil hindi ko inakaakala na ganun na pala ang improvement ng kalsada simula Sta. Cruz papuntang mamburao, kasi noon kapag sumakay ka lang ng jeep or bus di ka nakakarating sa mamburao sakit na nang pwet sa sobrang lubak ng daan, dagdagan pa ng kakaragkarag na sasakyan hay naku sakit ng katawan.pakiramdam ko ang layo na nang mamburao dito sa sta,cruz.
Aba ngayon meron na nang pinagbago sa kalsada, mabilis na ang beyahi kakaenjoy na ang gumala.
Tapos noong nakaraang araw pumunta ako ng sablayan inaayos na rin pala ang mga kalsada doon, maraming maraming salamat po sa mga taong nagpapagawa nito sana po ay ipagpatuloy po ninyo ang magandang hangarin ninyo dito sa ating probinsya,maraming salamat po.

miles