Friday, February 8, 2013

Uwa



          Bilang bahagi ng paniniwala sa kapangyariyan ng kalikasan ng mga katutubong Iraya ay may paraan kung paano nila nalalaman kung ano ang magiging anak nila kung babae o lalaki.
           Kapag buntis ang isang ina ang kanyang kasambahay ay makakarinig ng isang huni na animo’y umiiyak na sanggol. Ito ay ang Uwa”. Ito ay isang ibon na nagsisilbing taga gabay sa sanggol sa sinapupunan ng ina. Ang huni nito ang nagiging indikasyon sa makabagong paraan ng medical o Ultrasound na kung kapag malaki o mababa ang huni ang sanggol ay babae, samantala kung ang huni ay matinis o mataas ay lalaki ang sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa huni rin ng uwa malalaman na kung malusog ang bata sa sinapupunan ng ina.



Louisa C.

2 comments:

  1. wala pa po nakakakita ng itsura ng uwa, pero sa mga paniniwala ng aming mga ninuno ito ang kaluluwa ng sanggol sa loob ng sinapupunan, ito ay naririnig lamang sa gabi ng mga kasambahay, pero hindi naririnig ng nanay.

    ReplyDelete