Isang malaking karangalan para sa amin ang madagdagan ng kaalaman mula kay Propesor Osamu
Arakawa, nag mula pa siya sa Japan. Upang magbigay ng kaalaman para sa Oganic Farming.
Ngayong araw ay nag punta kami sa paddy field upang mag -aral tungkol sa mga insekto, ang mga ito ay aming nakolekta at hinuli upang pag aralan. May mga iba't ibang uri pala ng insekto mula sa palayan?aming inusisa at pinag masdan ang mga insekto at aming pinag aralan kung papano makatulong at ma control ang pagdami nito sa palayan, at dapat gumamit ng natural pesticide, nalaman namin na ang mga nabubuhay pala sa palay ng mga insekto ay malaking tulong upang maiwasan ang sakit ng palay, tulad na lang ng gagamba, tutubi, lady bug mole cricket ito ang dahilan ng pag iwas ng stem borer sa palay.
Pagdating namin sa office gumawa kami kung papaano e identify ang iba't ibang uri ng mga living things sa paddy field, kaya ang kinakailangan natin ay huwag gumamit ng iba't ibang uri ng chemical, upang hindi masira ang ating ecosystem at lalong lalo na sa ating kalusugan.
No comments:
Post a Comment