AMAY
(Katutubong manggagamot)
Sa
lugar ng mga katutubo isa sa mga pinaniniwalaan ay ang amay o ang isang
matandang manggagamot sapagkat ayon sa mga katutubo ang amay ang tumatayong
bantay ng isang tao lalong higit sa mga bata dahil daw sa amay naiiwasan ang
mga masasamang espirito sa katawan ng isang taong may sakit, kadalasan nilang
ginagamit ay luyang itim o kahit na ang pangkaraniwang luya lamang na mayroong
bulong na nagpapalayas sa masamang espirito na pumasok sa katawan ng taong may
sakit ito ang kanilang ibinibigay sa isang tao na kanilang binabantayang may
karamdaman.
Sa ngayon ito ang suliranin ng mga katutubo
sapagkat minsan mas higit pa nilang piunaniniwalaan ang amay kaysa sa Doctor
kaya ang sakit ng mga katutubo ay lumalala.sa kasalukuyan ito ang aming
adhikain ang mabawasan ang kaso ng pagtaas ng mga karamdaman ng mga katutubo sa
pamamagitan ng pagbibigay ng health education sa bawat mamamayan sa kabundukan
kaya andito ang MAIT cooperative upang matugunan ang pangangailangang medical.
Anesty,
No comments:
Post a Comment