Bilang bahagi ng programa ng 21st Century Association, isa si Allan Segunda
sa mga batang naging kabahagi nito. Dahil sa Literacy Program, natuto siya sa
mga basic education para sa pag hahanda sa pag-aaral sa kabayanan. Simula siya
ay turuan ng mga Literacy Teachers sa kanilang lugar, tumatak sa kanyang isipan
ang pag nanais na makapag-aral mula Elementarya at hanggang Kolehiyo sa kabila
ng kanyang kapansanan. Pinatutunayan niya sa kanyang sarili at sa lahat ng tao
na hindi hadlang ang pisikal niyang kaanyuan at kapansanan sa kagustuhan niyang
makapag-aral upang makapag bigay ng insperasyon sa mga kabataang katutubo at
kong anu ang kahalagahan ng edukasyon upang balang araw ay magiging isa siyang
guro sa kanilang lugar. Sa ngayon masayang masaya si Allan sa kanyang pag-aaral
sa eskwelahang kanyang pinapasukan at buhay sa bayan dahil ayon sa kanya marami
na siyang kakilala at mga kaibigan na nagpapasaya ng kanyang damdamin
araw-araw.
louisa,
louisa,
No comments:
Post a Comment