Pagbabayo ng palay ( ito ang pangunahing ginagawa sa pamago )
Pamago isa itong tradisyon na ginaganap sa tuwing isang taon ng mga katutubong alangan, tradisyon ito na hanggang ngayon ay buhay pa rin. Sa tuwing sila ay mayroong pamago ang bawat pamilya ay nagbibigay ng kanilang ambag katulad ng pagbibigay ng baboy o manok o kahit na anong pagkain na pweding ibigay upang kanilang pagsaluhan. Ang pinakapangunahin nilang ginagawa ay ang pagbabayo ng palay ng marami sa buong gabi kalimitan sa mga nagbabayo ay ang mga binato at sa pagtatahip naman ng palay ay ang mga kadalagahan, isa rin ito para sa mga nagkakagustuhan na mga binata at dalaga na nagliligawan, sa araw naman ay iluluto nila lahat ang mga nabayong bigas at lahat na naipong pagkain upang kanilang pagsasaluhan, at sa pagsapit uli ng gabi ay magkakaroon ng sayawan ang buong baryo at awitan , at lahat ng mga karatig baryo ay imbitado para makisaya at makilaho sa kanilang pamago.
At sa tuwing sasapit ang araw ng okasyon na ito ay napaka-agresibo ang buong pamayanan upang paghandaan, Ang mga bata naman ay talaga namang makikita mo na abot-abot ang kanilang kasiyahan sapagkat wala silang sawa sa paghahabulan at pagtatakbuhan sa kabukiran. Dito rin makikita ang pagkakaisa at pagpapahalaga ng ng buong pamayanan sa kanilang kultura.
Mila
No comments:
Post a Comment