Tuesday, February 26, 2013

Baglaw

Baglaw
         Ang baglaw ay isa sa mga inuulam ng mga katutubong mangyan, na nahuhuli nila sa ilog gamit ang balanan. Ang balanan ay ginagamit ng mga babaing sa panghuhuli, at sa mga lalaki ang ginagamit ay pamana, sa buwan ng tag- araw ang isdang ito ay masarap at mataba, kaya kadalasan sila manghuhuli. at ang paraan ng pag luto nito ay binakay, ang binakay ay niluluto gamit ay buho, na iniihaw sa katamtamang apoy hanggang sa ito ay maluto, ang tanging sangkap lang nito ay katamtamang asin upang magkaroon lang ng tamang panlasa. Kapag ito ay lumaki hanggang 4''inches ito ay wala ng ganang ulamin, dahil ito ay matigas ng kainin, kaya kadalasan habang ito ay maliit pa at nakabata pa niya, ito ay tamang tamang paraan upng pag ulam..

"rea"

Buhay ng walang kuryente




                               Halos 2 linggo na ang kuryente ay patay sindi dito sa bayan ng sta.cruz Occidental Mindoro, kaya naman ito ang buhay namin sa gabi, Napakalaking abala ang naidudulot nito para sa amin. Katulad na lang nito na kahit na walang kuryente ay patuloy pa rin ang matiyagangang ginagawang pag-aaral ng aming mga students at sa  patuloy na  pagsagot ng kanilang mga worksheets ng kumon.Napakasisipag na mga bata.

                               Minsan masaya kapag walang kuryente at kapag maliwanag ang buwan dahil mararmdaman ang kahimikan ng gabi at nag-kakaroon ng tinatawag na peace of mind.
                              Hay sana naman huwag laging ganito ang sitwasyon para tuloy-tuloy ang daloy ng trabaho.

Mila

Monday, February 25, 2013

                                                IRAYA-ALANGAN STUDENTS

          Isa ito sa pangunahing programa ng MAIT Cooperative ang  mabigyan ng magandang kinabukasan ang isang kabataang mangyan.Ang maging maayos ang kanyang  kalagayan pang edukasyon.



              Marami silang mithiin sa buhay kaya naman nagiging masigasig sila sa kanilang pag aaral upang ng sa ganun matupad nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.kaya naman nandito kaming mga volunteer staff upang sila ay turuan at gabayan sa kanilang pag aaral.tuwing gabi mayroon kaming review para malaman kung mayroon silang takdang aralin sa paaralan at upang madagdagan ang kanilang kaalaman,


           Mula sa paggising hanggang sa pagtulog nandun kami para sila ay bantayan ,sa umaga ginigising namin sila upang magawa nila ang kanilang obligasyon tulad ng pagluluto,paglilinis,at paghahanda sa kanilang pagpasok.
           Nakakatuwa isipin sapagkat makikita ang kanilang  pagsisikap sila na matuto sa paaralan kahit na nagmula pa sila sa napakalayong sulok ng kabundukan.


Anesty,

Friday, February 22, 2013

Ang batang si Allan


Bilang bahagi ng programa ng 21st Century Association, isa si Allan Segunda sa mga batang naging kabahagi nito. Dahil sa Literacy Program, natuto siya sa mga basic education para sa pag hahanda sa pag-aaral sa kabayanan. Simula siya ay turuan ng mga Literacy Teachers sa kanilang lugar, tumatak sa kanyang isipan ang pag nanais na makapag-aral mula Elementarya at hanggang Kolehiyo sa kabila ng kanyang kapansanan. Pinatutunayan niya sa kanyang sarili at sa lahat ng tao na hindi hadlang ang pisikal niyang kaanyuan at kapansanan sa kagustuhan niyang makapag-aral upang makapag bigay ng insperasyon sa mga kabataang katutubo at kong anu ang kahalagahan ng edukasyon upang balang araw ay magiging isa siyang guro sa kanilang lugar. Sa ngayon masayang masaya si Allan sa kanyang pag-aaral sa eskwelahang kanyang pinapasukan at buhay sa bayan dahil ayon sa kanya marami na siyang kakilala at mga kaibigan na nagpapasaya ng kanyang damdamin araw-araw.

louisa,

Thursday, February 21, 2013

Natural Fertilizer

ito naman ang paghahanda  sa paggawa namin ng isa pang natural na fertilizer.ang nasabing fertilizer ay ang tinatawag naming WCA-calcium na siyang mainam na panggamot sa sakit ng mga halaman..ito ay nagawa namin dahil sa mga simpleng material.
Ang wca ay ginamitan namin ng balat ng itlog at suka.sa mga kasangkapang ito nagawa namin ang isang experiment ng aming grupo.

ito na ang resulta ng aming WCA na ginawa.
 ito naman ang tinatawag namin na WCAP-calcium phospate
ito naman ang JeewaMurutha-ito ay katulad din lamang ng Bokashi pareho din lamang ng kasangkapang ginamit ang pagkakaiba lamang nga ay ang Jeewa Murutha ay liquid naginamitan ng mga sariwang kasangkapan.  at ang Bokashi naman ay ginamitan ng mga tuyong kasangkapan.






sa pinaghalo halo naming tubig, tae ng kalabaw na sariwa,ihi ng kalabaw, kunting lupa at asukal ay nagawa namin ang tamang proseso ng paggawa ng Jeewa Murutha.
Maraming salamat sa nagbigay ng napakagandang pagsasanay sa amin  na ibinigay  ng magaling na speaker na nagmula sa bansang japan.sana ay mabigyan pa kami ng pagkakataon na mameet muli namin siya..

Lilibeth,

Wednesday, February 20, 2013

At, dito namin pinag patuloy ang ika- 5 araw ng aming pag sasanay, naisip namin na ilabas ang aming napag aralan tungkol sa Organic farming, kaya humiram kami ng gymnasium para may makadalong mga participant na interesado tungkol sa pag aaral na ito,lalo na ang mga mag sasaka.  maraming nasiyahan, natuwa, palaisipan na konte lang ang magagastos para gumawa ng mga pesticide, pataba ng lupa na hindi gumamit ng mga chemical. at nagustuhan sa pag bibigay ng lecture ng aming bisita na si Mr. Osamu Arakawa. Bagamat kalahating araw lang ang aming ginugol sa usaping ito, nakita namin sa mga dumalo ay mga interesado, na humuhiling na sa susunod na pagkakataon ay magkaroon ng pag-aaral na ito sa bawat lugar dito Sta. Cruz.  
At ito din ang mga Product ng mga katutubo, binili ito ng MAIT Coop upang magkaroon ng pinagkakabuhayan ang mga katutubong mga membro ng Mait.
Na kasama ang mga Organic vegetables, na binibenta ng Mait sa palengke at sa iba't ibang lugar na para ibenta sa ating mga kababayan.

"Rea"

Monday, February 18, 2013




PROJECT CYCLE MANAGEMENT

 Noong June 22-26,2012 ay nagbigay ang JICA Philippines ng unang training para sa mga NGO's at ito ay ang PROJECT CYCLE MANAGEMENT na kinabibilangan ng 21 participants na nagmula pa sa iba't ibang parte ng pilipinas ginanap ang training sa Tiara Oriental Hotel Makati. Ang training na ito ay naglalayun ng mga kaalaman tungkol sa maayos na pagpapatakbo ng isang maayos na proyekto. Ipinaliwanag sa training na ito kung paano alamin ang pinakaproblema hanggang kung paano ito malulutas at magiging successful. 
       Mapakaswerte namin dahil isa kami sa nakatanggap ng training na ito na alam namin na magagamit namin ang kaalamang ito sa pagpapaunlad ng aming tribo.
Sa 5 days na training namin marami kaming natutunan at nalaman mula sa mga mababait na lecturer namin dahil sa na paka aproachable sila sa aming mga katanungan.




Isa ito sa karanasan  na diko malilimutan sapagkat alam ko na nadagdagan ang aking kaalaman at tiwala sa aking sarili.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                   

    "Anesty"

Friday, February 15, 2013

Araw ng mga Puso


Araw ng mga puso…Ginaganap ito tuwing ika- 14 ng Pebrero bilang pag-ala-ala kay St. Valentine. Sa araw na ito, makikita ang matatamis na ngiti ng bawat isa kahit saan ka mag punta buong araw mong maririnig ang salitang Happy Valentines Day”. Karaniwan din sa araw na ito ay ang pag-susuot ng pulang damit, pagbibigay ng pulang bulaklak at valentines card para sa minamahal at kaibigan. Isa lang naman ang mensahe ng araw na ito. Magmahalan”. Hindi lang pagmamahal sa iyong minamahal kundi para sa lahat. Happy Valentines Day,,,

Louisa C.

Thursday, February 14, 2013

Ito ay isang uri ng natural fertilizer na aming natutunan at ginawa ng kami ay nagseminar  tungkol sa ORGANIC FARMING.

Bokashi-ito ay nakatutulong sa pagpapataba ng ating mga halaman na hindi na natin kailangan pang gumastos.dahil ito ay napakadaling gawin at hanapin.

.
Ehime Ai-ito ay isang ingredients sa paggawa ng Bokashi.Pero hindi lang ito ang maaari nating gamitin para makagawa ng bokashi maaari din naman nating ipalit ang sabaw ng niyog o katas ng prutas.


 ito naman ang paraan ng paggawa ng bokashi una ay nilagay namin ang isang sakong lupa at isang sakong ipot ng manok nilagyan din namin ng darak, tubig at ehime ai.pagkatapos ay hinalo na hanggang sa maging ayos na ang bokashi na aming ginawa.

para malaman natin kung ayos na ang timpla ng bokashi kailangan nating i check sa paraang kailangan nating kumuha ng kunting lupa at ito'y pigain.kung ito ay naging bilog matpos nating pigain sa ating kamay ito ay ayos na.


Lilibeth,

Wednesday, February 13, 2013

               Isang malaking karangalan para sa amin ang madagdagan ng kaalaman mula kay Propesor Osamu 
Arakawa, nag mula pa siya sa Japan. Upang magbigay ng kaalaman para sa Oganic Farming.
  Ngayong araw ay nag punta kami sa  paddy field  upang mag -aral tungkol sa mga insekto, ang mga ito ay aming nakolekta at  hinuli upang pag aralan. May mga iba't ibang uri pala ng insekto mula sa palayan?aming inusisa at pinag masdan ang mga insekto at aming pinag aralan kung papano makatulong at ma control ang pagdami nito sa palayan, at dapat gumamit ng natural pesticide, nalaman namin na ang mga nabubuhay pala sa palay ng mga insekto ay malaking tulong upang maiwasan ang sakit ng palay, tulad na lang ng gagamba, tutubi, lady bug mole cricket ito ang dahilan ng pag iwas ng stem borer sa palay.
Pagdating namin sa office gumawa kami kung papaano e identify ang iba't ibang uri ng mga living things sa paddy field, kaya ang kinakailangan natin ay huwag gumamit ng iba't ibang uri ng chemical, upang hindi masira ang ating ecosystem at lalong lalo na sa ating kalusugan.  
   "rea"

Friday, February 8, 2013

Uwa



          Bilang bahagi ng paniniwala sa kapangyariyan ng kalikasan ng mga katutubong Iraya ay may paraan kung paano nila nalalaman kung ano ang magiging anak nila kung babae o lalaki.
           Kapag buntis ang isang ina ang kanyang kasambahay ay makakarinig ng isang huni na animo’y umiiyak na sanggol. Ito ay ang Uwa”. Ito ay isang ibon na nagsisilbing taga gabay sa sanggol sa sinapupunan ng ina. Ang huni nito ang nagiging indikasyon sa makabagong paraan ng medical o Ultrasound na kung kapag malaki o mababa ang huni ang sanggol ay babae, samantala kung ang huni ay matinis o mataas ay lalaki ang sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa huni rin ng uwa malalaman na kung malusog ang bata sa sinapupunan ng ina.



Louisa C.

Wednesday, February 6, 2013

Mt. Tibuto

                    Ang bundok ng Tibuto, ay matatagpuan sa Brgy. Barahan Pola, Sta Cruz, Occidental Mindoro, Ito ay pinakamataas na bundok makikita sa bayang ito, Ito ay kuha ng larawan sa may tulay ng Public Market ng Sta Cruz Occidental Mindoro.



-rea-

Tuesday, February 5, 2013

AMAY


AMAY
(Katutubong manggagamot)
Sa lugar ng mga katutubo isa sa mga pinaniniwalaan ay ang amay o ang isang matandang manggagamot sapagkat ayon sa mga katutubo ang amay ang tumatayong bantay ng isang tao lalong higit sa mga bata dahil daw sa amay naiiwasan ang mga masasamang espirito sa katawan ng isang taong may sakit, kadalasan nilang ginagamit ay luyang itim o kahit na ang pangkaraniwang luya lamang na mayroong bulong na nagpapalayas sa masamang espirito na pumasok sa katawan ng taong may sakit ito ang kanilang ibinibigay sa isang tao na kanilang binabantayang may karamdaman.
   Sa ngayon ito ang suliranin ng mga katutubo sapagkat minsan mas higit pa nilang piunaniniwalaan ang amay kaysa sa Doctor kaya ang sakit ng mga katutubo ay lumalala.sa kasalukuyan ito ang aming adhikain ang mabawasan ang kaso ng pagtaas ng mga karamdaman ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagbibigay ng health education sa bawat mamamayan sa kabundukan kaya andito ang MAIT cooperative upang matugunan ang pangangailangang medical.


Anesty,

Monday, February 4, 2013

Pamago







Pagbabayo ng palay ( ito ang pangunahing ginagawa sa pamago )


          Pamago isa itong tradisyon na ginaganap sa tuwing  isang taon ng mga katutubong alangan, tradisyon ito na hanggang ngayon ay buhay pa rin. Sa tuwing sila ay mayroong pamago ang bawat pamilya ay nagbibigay ng kanilang ambag  katulad ng pagbibigay ng baboy o manok o kahit na anong pagkain na pweding ibigay upang kanilang pagsaluhan. Ang pinakapangunahin nilang ginagawa ay ang pagbabayo ng palay ng marami sa buong gabi kalimitan sa mga nagbabayo ay ang mga binato at sa pagtatahip naman ng palay ay ang mga kadalagahan, isa rin ito para sa mga nagkakagustuhan na mga binata at dalaga na nagliligawan, sa araw naman ay iluluto nila lahat ang mga nabayong bigas at lahat na naipong pagkain upang kanilang pagsasaluhan, at sa pagsapit uli ng gabi ay magkakaroon ng sayawan ang buong baryo  at awitan , at lahat ng mga karatig baryo ay imbitado para makisaya at makilaho sa kanilang pamago.

      At sa tuwing sasapit ang araw ng okasyon na ito ay napaka-agresibo ang buong pamayanan upang paghandaan, Ang mga bata naman ay talaga namang makikita mo na abot-abot ang kanilang kasiyahan sapagkat wala silang sawa sa paghahabulan at pagtatakbuhan sa kabukiran. Dito rin makikita ang pagkakaisa at pagpapahalaga ng ng buong pamayanan sa kanilang kultura.


Mila

Friday, February 1, 2013


Alangan song

Si Pinsan pangalilian ing kangay pagladuladuan, anggan pagbasilan ako gayod biyaliwan sa balay kamaligan.
Ing Tarak to din nilawan ing sa San Jose pagbalayan.
Ako gayod akalwayan ing kanyam pagbasilan sa butok mangga ag budyawihan oh..oh..oh.

Ito ay isang awit ng tribong Alangan na karaniwang inaawit bilang isang libangan at pagpapanatili ng kultura. Ito ay isang awit ng pag-ibig na kung saan ito ay tungkol sa magkasintahan. Ikinikwento nito ang masasayang sandali nila bilang magkasintahan. Pinakatampok sa masayang sandali ang kanilang paghiga sa damuhan habang nasa ilalim ng punong manggang napakaraming bulaklak. Sa kabila ng kanilang maayos na relasyon, sa di inaasahang pangyayari, iniwan ng lalaki ang nobya at hindi na ngabalik pa. Ang babae naman na patuloy paring naghihintay ay walang nagawa kundi sariwain sa ala-ala ang nakaraan.
        Tunay ngang mayaman ang kultura ng tribong Alangan ng Mindoro. Sa pamamagitan ng simpleng pangyayari, nakaugnay sila sa realidad ng buhay.


Louisa C.