Thursday, February 14, 2013

Ito ay isang uri ng natural fertilizer na aming natutunan at ginawa ng kami ay nagseminar  tungkol sa ORGANIC FARMING.

Bokashi-ito ay nakatutulong sa pagpapataba ng ating mga halaman na hindi na natin kailangan pang gumastos.dahil ito ay napakadaling gawin at hanapin.

.
Ehime Ai-ito ay isang ingredients sa paggawa ng Bokashi.Pero hindi lang ito ang maaari nating gamitin para makagawa ng bokashi maaari din naman nating ipalit ang sabaw ng niyog o katas ng prutas.


 ito naman ang paraan ng paggawa ng bokashi una ay nilagay namin ang isang sakong lupa at isang sakong ipot ng manok nilagyan din namin ng darak, tubig at ehime ai.pagkatapos ay hinalo na hanggang sa maging ayos na ang bokashi na aming ginawa.

para malaman natin kung ayos na ang timpla ng bokashi kailangan nating i check sa paraang kailangan nating kumuha ng kunting lupa at ito'y pigain.kung ito ay naging bilog matpos nating pigain sa ating kamay ito ay ayos na.


Lilibeth,

Wednesday, February 13, 2013

               Isang malaking karangalan para sa amin ang madagdagan ng kaalaman mula kay Propesor Osamu 
Arakawa, nag mula pa siya sa Japan. Upang magbigay ng kaalaman para sa Oganic Farming.
  Ngayong araw ay nag punta kami sa  paddy field  upang mag -aral tungkol sa mga insekto, ang mga ito ay aming nakolekta at  hinuli upang pag aralan. May mga iba't ibang uri pala ng insekto mula sa palayan?aming inusisa at pinag masdan ang mga insekto at aming pinag aralan kung papano makatulong at ma control ang pagdami nito sa palayan, at dapat gumamit ng natural pesticide, nalaman namin na ang mga nabubuhay pala sa palay ng mga insekto ay malaking tulong upang maiwasan ang sakit ng palay, tulad na lang ng gagamba, tutubi, lady bug mole cricket ito ang dahilan ng pag iwas ng stem borer sa palay.
Pagdating namin sa office gumawa kami kung papaano e identify ang iba't ibang uri ng mga living things sa paddy field, kaya ang kinakailangan natin ay huwag gumamit ng iba't ibang uri ng chemical, upang hindi masira ang ating ecosystem at lalong lalo na sa ating kalusugan.  
   "rea"

Friday, February 8, 2013

Uwa



          Bilang bahagi ng paniniwala sa kapangyariyan ng kalikasan ng mga katutubong Iraya ay may paraan kung paano nila nalalaman kung ano ang magiging anak nila kung babae o lalaki.
           Kapag buntis ang isang ina ang kanyang kasambahay ay makakarinig ng isang huni na animo’y umiiyak na sanggol. Ito ay ang Uwa”. Ito ay isang ibon na nagsisilbing taga gabay sa sanggol sa sinapupunan ng ina. Ang huni nito ang nagiging indikasyon sa makabagong paraan ng medical o Ultrasound na kung kapag malaki o mababa ang huni ang sanggol ay babae, samantala kung ang huni ay matinis o mataas ay lalaki ang sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa huni rin ng uwa malalaman na kung malusog ang bata sa sinapupunan ng ina.



Louisa C.

Wednesday, February 6, 2013

Mt. Tibuto

                    Ang bundok ng Tibuto, ay matatagpuan sa Brgy. Barahan Pola, Sta Cruz, Occidental Mindoro, Ito ay pinakamataas na bundok makikita sa bayang ito, Ito ay kuha ng larawan sa may tulay ng Public Market ng Sta Cruz Occidental Mindoro.



-rea-

Tuesday, February 5, 2013

AMAY


AMAY
(Katutubong manggagamot)
Sa lugar ng mga katutubo isa sa mga pinaniniwalaan ay ang amay o ang isang matandang manggagamot sapagkat ayon sa mga katutubo ang amay ang tumatayong bantay ng isang tao lalong higit sa mga bata dahil daw sa amay naiiwasan ang mga masasamang espirito sa katawan ng isang taong may sakit, kadalasan nilang ginagamit ay luyang itim o kahit na ang pangkaraniwang luya lamang na mayroong bulong na nagpapalayas sa masamang espirito na pumasok sa katawan ng taong may sakit ito ang kanilang ibinibigay sa isang tao na kanilang binabantayang may karamdaman.
   Sa ngayon ito ang suliranin ng mga katutubo sapagkat minsan mas higit pa nilang piunaniniwalaan ang amay kaysa sa Doctor kaya ang sakit ng mga katutubo ay lumalala.sa kasalukuyan ito ang aming adhikain ang mabawasan ang kaso ng pagtaas ng mga karamdaman ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagbibigay ng health education sa bawat mamamayan sa kabundukan kaya andito ang MAIT cooperative upang matugunan ang pangangailangang medical.


Anesty,

Monday, February 4, 2013

Pamago







Pagbabayo ng palay ( ito ang pangunahing ginagawa sa pamago )


          Pamago isa itong tradisyon na ginaganap sa tuwing  isang taon ng mga katutubong alangan, tradisyon ito na hanggang ngayon ay buhay pa rin. Sa tuwing sila ay mayroong pamago ang bawat pamilya ay nagbibigay ng kanilang ambag  katulad ng pagbibigay ng baboy o manok o kahit na anong pagkain na pweding ibigay upang kanilang pagsaluhan. Ang pinakapangunahin nilang ginagawa ay ang pagbabayo ng palay ng marami sa buong gabi kalimitan sa mga nagbabayo ay ang mga binato at sa pagtatahip naman ng palay ay ang mga kadalagahan, isa rin ito para sa mga nagkakagustuhan na mga binata at dalaga na nagliligawan, sa araw naman ay iluluto nila lahat ang mga nabayong bigas at lahat na naipong pagkain upang kanilang pagsasaluhan, at sa pagsapit uli ng gabi ay magkakaroon ng sayawan ang buong baryo  at awitan , at lahat ng mga karatig baryo ay imbitado para makisaya at makilaho sa kanilang pamago.

      At sa tuwing sasapit ang araw ng okasyon na ito ay napaka-agresibo ang buong pamayanan upang paghandaan, Ang mga bata naman ay talaga namang makikita mo na abot-abot ang kanilang kasiyahan sapagkat wala silang sawa sa paghahabulan at pagtatakbuhan sa kabukiran. Dito rin makikita ang pagkakaisa at pagpapahalaga ng ng buong pamayanan sa kanilang kultura.


Mila

Friday, February 1, 2013


Alangan song

Si Pinsan pangalilian ing kangay pagladuladuan, anggan pagbasilan ako gayod biyaliwan sa balay kamaligan.
Ing Tarak to din nilawan ing sa San Jose pagbalayan.
Ako gayod akalwayan ing kanyam pagbasilan sa butok mangga ag budyawihan oh..oh..oh.

Ito ay isang awit ng tribong Alangan na karaniwang inaawit bilang isang libangan at pagpapanatili ng kultura. Ito ay isang awit ng pag-ibig na kung saan ito ay tungkol sa magkasintahan. Ikinikwento nito ang masasayang sandali nila bilang magkasintahan. Pinakatampok sa masayang sandali ang kanilang paghiga sa damuhan habang nasa ilalim ng punong manggang napakaraming bulaklak. Sa kabila ng kanilang maayos na relasyon, sa di inaasahang pangyayari, iniwan ng lalaki ang nobya at hindi na ngabalik pa. Ang babae naman na patuloy paring naghihintay ay walang nagawa kundi sariwain sa ala-ala ang nakaraan.
        Tunay ngang mayaman ang kultura ng tribong Alangan ng Mindoro. Sa pamamagitan ng simpleng pangyayari, nakaugnay sila sa realidad ng buhay.


Louisa C.