Para
sa mga katutubo ang kagubatan ang syang matalik nilang kaibigan, dahil ito ang
nagbibigay sa kanila ng mga ibat ibang uri ng pagkain at kagamitan sa kanilang
syempleng buhay.
Tulad
ng prutas na ito na may katawagan sa mangyan na Bugaran, kawangis ito ng
Rambutan, at ito ay may taas na isang metro at mga ugat nito ay ginagamit
nilang gamut sa pananakit ng tiyan….gusto nyo ba itong tikman? Ito ay matamis
at may kakaibang bango habang ito ay iyong kinakain...Wednesday, November 6, 2013
Thursday, October 10, 2013
Masakit
Masakit isipin ang naging karanasan ni Jessebel noong lunes, Kararawan ni Tsubasa, October 7, 2013. Si Jessebel ang naatasan namin na magpakulo ng tubig para sa noodles ng pasta. subalit sa di inaasahang pagkakataon, natapunan siya ng kumukulong tubig.. kaya ganyan ang nangyari,.kawawa talaga siya!... Binigyan naman siya ng ointment para sa kanyang banli..
"rea"
"rea"
Tuesday, August 20, 2013
Linggo ng wika.
"Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo.
Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang "Filipino" pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.
Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba't-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.
ng buwan ng wika ay ipinagdiriwang tuwing Agosto sapagkat ito ang buwan ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon (Ika-19 ng Agosto), itinuturing na nagsulong ng paggamit ng wikang Filipino.

Tuesday, July 23, 2013
Kungo
Ang kungo ay isang uri ng alimango, masarap na pang ulam, bagamat mahirap piliin ang mga laman nito sa kanyang katawan. at ito pa ang aking karanasan, nakakahilo pagkatapos kumain nito, iton pala nakakataas ng blood pressure... hay! ang sarap sana.. pero sa tulad kung mababa ang BP ok lang...
reminders sa mga mataas ang kanilang dugo, iwasan ang kumain nito lalo na at naparami ang kain ninyo...Salamat,
rea
Tuesday, June 25, 2013
HARDY(grade v student)
Ang batang si Hardy ay nasa ikalimang baitang na ng elementarya,Siya ay isang Tribong Alangan na nakatira sa napakalayong lugar ng kabundukan ng Sta. Cruz.Nakakauwang isipin na sa kauna-unahang pagkakataon sa halos mahabang panahon na naitatag ang 21st Association ay mayroong isang bata ang nagpaenrol sa kanyang sarili dahil ang mga batang ito ay kailangan pang samahan para magenrol ngunit itong si Hardy ay nakapagenrol g siya lamang.
anesty,
Thursday, June 13, 2013
BIGNAY
Ang mga tropikal na prutas ay lubos na nakapagpapalusog at may antioxidant, anti-carcinogenic katangian.
Bignay prutas ay mga maliliit na berries na malago, may malalaking kumpol kumpol ang bunga at kaakit-akit na berde ang kanyang puno. Dahil ang mga berries ay iba't ibang ang kulay ito ay oras ora na nag-iiba ang mga kulay. kulay mula sa pula at yellows sa purples at gulay. Bignay prutas ay matamis kapag ganap ripened, bagaman maaari itong napaka-acidic at maasim kapag hilaw, katulad ng cranberries. Ayon sa pananaliksik, mamamayan lasa pandama ng bignay ay may gawi na iba-iba bilang sa kung saan nagmula ang mga ito mula sa. Maraming mga westerners ay may posibilidad upang mahanap ang bignay prutas napaka maasim, bagaman mga tao katutubo sa Asya at Australasia madalas ilarawan ang lasa ng hinog bignay bilang matamis. Ito ay naisip na maging isang genetic kaugalian. Ang bignay tree, isang miyembro ng pamilya spurge botanikal din bear maliit na mamula-mula bulaklak, ang pabango ng kung saan ay nakakadismaya sa ilan.
"rea"
Friday, June 7, 2013
TALONG (EGGPLANT)
Solanum melongena
Ano nga ba ang talong?Noong bata pa ako,isa ito sa mga gulay na ayaw kong kainin dahil mabuto.Pero hanga ako sa gulay na ito kahit ayaw ko nito.
Ang talong ay isa sa mga katutubong gulay ng Southeast Asia na unang nilinang sa India.Noong ika-18 siglo,pinangalanan itong 'eggplant' ng mga Europeano.Nagsimula ito sa Dravidian word na 'varutina' at Tamil word na 'varutinai'.Unang naitala ito sa 'Qi min yaoshu',isang matandang kasunduang pang-agrikultural ng mga Chinesse na nakompleto noong 544.Dahil sa katanyagan nito,dinala ito ng mga mangangalakal na Arabo sa Mediterranean noong Middle Ages hanggang umabot ito sa buong mundo.Sa kasalukuyan,isa ito sa mga pangunahing pagkain ng mga tao.
Unang una,pinaniwalaan ito na nakakalason ang dahon at bulaklak pag na consume ng marami dahil nagtataglay ito ng solanine,isa sa mga kemikal na matatagpuan sa tobacco.
Ang halamang ito ay karaniwang lumalaki ng 40 hanggang150 sentimetro(16-45 pulgada) na mayroong lukot lukot na dahon na 10-20 sentimetro ang haba at 5-10 sentimetro ang lapad.Karaniwang humahaba ang bunga nito ng 30 sentimetro at kulay ube ang kulay na karaniwang tumutubo sa malalamig na lugar dahil nangangailangan ng anim na litrong tubig kada araw tuwing alas dos ng hapon.Napatunayan din na nagtataglay ito ng Carbohydrates,Fats,Protein,at Minerals na pawang kailangan ng ating katawan upang mabuhay.Napatunayan din na ang katas nito ay nakakabawas ng timbang at nakakababa ng lebel ng kolesterol sa katawan.
Kaya san pa kayo! Ugaliing kumain ng talong dahil hindi lang ito masustansya at masarap,makasaysayan pa!
Eggplant Plantation at 21CA Compound
Talong with its bulaklak
Eggplant tree with its Fruits
Naani sa 21CA eggplant Plantation
mary,
Wednesday, May 29, 2013
Miss ko na ang ulan
Buwan na nang mayo!
Umpisa na ang tag-ulan.
kahapon May 28, 2013 umuwi ako sa aming baryo, habang daan nakita ko muli ang kapaligiran ang kabukiran na nagsisimula na namang maging luntian, napakagandang pagmasadan ang paligid at napakasarap ng pakiramdam. Nang ika 2 ng hapon ay biglang bumuhas ang malakas na ulan. at nakita ko ang batang masayang masayang naliligo sa gripo sa ilalim ng ulan, dati ang gripong ito ay wala ng tumutulo ng tubig at ang bukal na pinagmumulan ng tubig ay unti-unti na rin naiiga. Ngunit dahil sa pagpatak muli ng ulan heto na uli at masayang masaya muli ang mga tao sa baryo namin..salamat ulan at ikaw ay muling pumatak sa aming buhay.
"mila"
Sunday, May 26, 2013
TEAM MAIT(mangyan alangan iraya tribes)
Grupo na binuo ng mga kabataan na mula sa baryo ng calomintao, Alacaak Sta Cruz Occidental Mindoro isa sila sa lumahok sa palaro ng basketball dito sa Barangay Poblacion II, kahit na sila ay mga katutubo binigyan pa rin sila ng pagkakataon na lumahok sa palarong pang Barangay.
Sa unang sabak nila sa unang laro di sila pinald na manalo pero isa sa nakakatuwa dalawa lang ang naging lamang ng kalaban kahit kulang ang kanilang miyembro sa kupunan.
Ang kanilang mga sumunod na laban ay naging matagumpay na sila..kahit sila ay mga katutubo di ito hadlang upang makilahok sa ganitong mga events ng barangay.
salamat po sa mga taong nag imbita at tumulong...

PAPAYANG LALAKI
Papayang lalaki ito ang halamang hindi namumunga kaya ito ay binabaliwala ng mga tao at hindi pinapansin.katulad ng mangyan na kapag kailangan ng tulong ay walang pumapansin.
Sa panahon ngayon mayroong paniniwala ang mga pilipino ganun rin ang mga katutubo para mamunga ang papayang ito upang mapakinabangan ng tao.para mamunga ito ang ginagawa ay tatalian ng itim na tela dahil ayon sa matatanda malamig ito sa puno ng papaya.
Isa rin sa paraaan ng mag katutubo ay ang puputulon ito upang magkasanga at mula sa sangang ito dito mabubuo ang mga bunga nito.

PALORONG PANGPAMAYANAN NG MGA KATUTUBO NG AMNAY
Noong Abril 2013 ay ginanap ang palarong pampamayanan sa pamayanan ng amnay tribo ng Alangan sa loob ng tatlong araw. Ito ay pinamahalaan ng aming volunteer staff at pamunuan ng katutubong Alangan. Humingi din kami ng tulong sa Barangay Pinagturilan Sta. Cruz Occidental Mindoro. na kahit papaano ay naroon ang kanilang prisensya sa pagbubukas ng palaro.
Naghanda ang limang Sitio ng bawat isang kandidata na kanilang pinaglaban. beauty contest. sa unang araw ay un muna ang pag umpisa ng kanilang paglalaro. at sa kanilang laban ang nagwagi ay ang sitio manggahan. At ang pangalawa, laban ay basketball kada sitio din ay may mga player upang mag laban, at ang nanalo ay taga sito Kanruan. masasaya ang mga katutubo na nagkakaroon ng ganitong okasyon. kaya aming pinaghahandaan kada taon na magkakaroon ng ganitong okasyon.. maraming salamat..
Anesty,
Tuesday, May 21, 2013
Buhawi
Nangyari noong May 20, 2013, Ang larawang ito ay nakuha ko sa facebook ng aking kaibigan taga Mamburao, Occidental Mindoro malapit na bayan dito sa amin ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro ang buhawing ito ay nasa lugar ng Mamburao, sa bandang aroma beach sa baybaying dagat, sana walang natamaan ang buhawing ito sa kanyang kahahantungan.
Ito ay may 3 araw ng nakalipas mag buhat ngayon, wala naman akong nabalitaan kung may na aksidente sa pang yayaring ito, salamat naman sa Diyos at walang naapektuhan ang pagdating ng buhawi sa Mamburao.
Sa panahong ito, ang dami ng mga kababalaghang dumating sa mundo, subalit mahirap ipaliwanag ang mga nangyayaring ito, at hindi din natin alam kung ano pa ang dapat mangyari, kaya tayong mga tao ay dapat maging handa sa ating tadhana, ano man ang plano sa atin ng ating lumikha, manalig tayo sa Poong may likha..
"rea"
Monday, May 13, 2013
Halalan
Ngayong May 13, 2013 araw ng halalan. Nag simula 7:30 ng umaga at magtatapos ng 7:30 ng gabi. kanina sa aking pag boto, dating gawi ang daming mga namimigay ng mga candy sa gate ng School kung saan doon pag dadausan ang halalan, kalakip ang mga pangalan ng mga kandidato na lumalaban. ang daming tao, ang haba ng pila, ang karamihan may 3 oras na nakapila bago sila isalang sa pag shade ng kanilang napiling kandidato, mabuti na lang binibigayan nila ng pansin na ang mga senior citizen upang sila ang mauna sa pag boto, kaya ako nauna dahil kasama ko aking nanay at tatay upang ako ang mag asikaso sa kanila, madali akong nakatapos sa pagboto, pagdating ko naman sa bahay may lagnat ang aking isang anak, sa init ng panahon.
.. At sa halalang ito ang mga dapat iluklok ay nag simula sa mga 12 Senators, Congressman, Governor, Vice- Governor, mga 5 Board member district 1 at 2, Mayor, Vice Mayor, at mga 8 Sangguniang Bayan ang lumalaban para umupo bilang mamumuno sa ating Bansa, Lalawigan at Bayan. Na dapat ang manguna at manungkulan ay ang karapa't dapat na mamunong leader ng mamamayan, upang umunlad at maging mapayapa ang ating bansa at buong sambayanan..

Ito ang Palatandaan pagkatapos bomoto.
"rea"
Thursday, May 9, 2013
Ulan - ulan
Ito ang unang ulan na malakas sa buwan ng Mayo, ang karamihang nag sasabi na ang unang ulan ng Mayo ay magandang gamot sa bungang araw, pero sayang ambon lang ang unang ulan ng Mayo kaya wala akong naipon ng tubig ulan.
"Ulan- ulan pantay kawayan, bagyo- bagyo pantay kabayo." Ito ang aming nababanggit sa aming kamusmusan kapag umuulan. Salamat sa Diyos at bumuhos ang malakas na ulan ngayon, malaking tulong sa sobrang init ng panahon, tulong sa pag didilig ng halaman at malaking tulong sa banas ng katawan. Ang sarap matulog kung ganito ang panahon na nakakamtan ang temperature ng panahon. Kung sa awitin daanin." ito ako... basang basa sa ulan ."
"rea"
Tuesday, May 7, 2013
Happy Anniversary!
Ang saya ng pakiramdam, Ito ang aking pinakamasayang araw, dahil may sampong taon na kaming nagsasama ng aking asawa, "10th Wedding Anniversary, bagama't wala mang maihanda, ok pa rin dahil kami ay punong puno ng pagmamahalan.
Sa kabila nito malungkot kami, dahil ito ang araw ng pag alis ng isa naming kasamahan, kasamahan na matagal ng nag aalaga sa amin, at marami kaming natutunan, sa haba ng panahon. At alam namin na kahit matapang at palagi kaming sinasabihan, dahil sa aming pagkakamali at dahil sa trabaho ay dapat huwag pabayaan. Maraming salamat sa lahat, at ito'y hindi namin malilimutan.

Tuesday, April 30, 2013
Araw ng Manggagawa
Ngayong araw May 1, 2013 ay ginaganap ang Araw ng Manggagawa (labor day). Ayon sa history ng Pilipinas unang ipinagdiriwang ang Araw ng Manggagawa noong, May 1,1903 na pinakamalaking rally sa harap ng Malacanan Palacestaged by the Union Obrera Democratica.( Democratic Laborer's Union) at ito ay itilagang araw ng pamamahinga ng trabaho (regular holiday).
Sa init ng panahon ngayon karamihan ang mga tao ay napunta sa iba't - ibang lugar lalo na ngayong holiday, at bakasyon ng mga studyante, upang magsaya kasama mga kaibigan, barkada, kamag-anak at pamilya. Happy Labor day po :)
"rea"
Wednesday, April 24, 2013
Guyabano
Guyabano
Ang guyabanong puno ay karaniwang taas ay nasa 5-7 metro ang taas. Ito ay punong prutas na berde ang kulay, at karaniwan din na tumitimbang ang bunga nito ay 2-5 ang kilo. at ang hugis nito ay hugis itlog na nasa 18 sentemetro ang haba nito na may manipis na balat at malambot ang loob nito, at kung kakainin mo ay manamis namis at may maasim ang lasa nito, ang dahon nito ay maberde at may sukat na 7-20 sentemetro ang haba. Guyabano ay namumulaklak sariwang-sariwa, namumunga ito sa loob ng isang taon sa pag itan ng Mayo-Hunyo. Guyabano ay may isang nag-iisa na bulaklak na malaki, dilaw o maberdeng-dilaw ang kulay. Ang tatlong mga panlabas na petals ay malawak ovate na may hugis puso base, hanggang 5 sentimetro ang haba, at 3 sentimetro malawak.

Ayon sa aking nalalaman tungkol sa guyabano, ito ay magandang gamot sa mataas ang lagnat, itatapal ang dahon nito sa ating noo para mahibasan mabawasan ang init nito sa ating katawan, at ganun din po, ito po ay magandang gamot sa taong nauusog, ang usog po ang ibig sabihin, nababati ng taong nakakasalamuha mo, na bigla na lang sasakit ang tiyan at nasusuka, ang dahon nito ay ipapaamoy mo lang sa pasyente ay may pusibilidad na mawawala ang masamang nararamdaman. masarap ang prutas na ito, dahil aking nasubukan at napatunayan na gumaling ako sa pamamagitan ng mga dahon lang nito ay gamot na, lalo pa kaya kung ang bunga nito ay makain mo pa, na punong puno ng vitamina.
"rea"
Wednesday, April 17, 2013
Seminar
Maraming salamat sa PNP- Philippines National Police, PDEA-Philippines Drug Enforcement Agency, NCIP-National Commission Indigenous People at sa mga ARMY nagbigay ng seminar sa aming mga katutubo, para sa peace in order, drugs at fraternity, nag papasamat po rin kami sa Brgy. Alacaak na nagpa unlak na magamit namin ang Brgy. hall na pinagamit sa amin upang pagdausan ng ng ginanap na seminar. Matagumpay na natapos at naging magandang simula sa mga kabataan naming mga katutubo ang seminar na ito, at ganun din sa mga magulang na dapat sila ang unang mag bigay ng pangangalaga sa mga kabataan upang mapayapang mamuhay at hindi sila lumabalabag sa batas. at magandang pagkakataong ito para sa ating mga katutubong unti- unti ng mamulat sa karangyaan.
Facilitator: Paulo P. Cawayan isa sa mga katutubong nangangasiwa ng Mait Coop sa Calamintao.
Una nagsalita ang Taga NCIP na si Karen Ignacio- Provincial Officer, ayon sa kanyang pagpapakilala, siya ay nagmula sa kuldelyera, ipaliwanag ang batas ng IPRA- Indigenous People Rights Act ang Batas na ito ay ipinatupad noong Oct. 29, 1997.
At sinundan ni Atty. Ulysses G. Bambo- Legal Officer nagsalita siya tungkol sa IPRA, Drugs at ang social justice and human rights.
Sila ang mga katutubong dumalo sa seminar na ito.
Mga pulis ang bahagi ay peace & order, at tungkol sa mga gumagamit ng drugs, at nakalakip sa mensahe nila ay hindi pweding mag drive ang walang lisence, dahil karamihan na sa ating mga katutubo na nag mamaniho na walang pinanghahawakang lisensya.
At panghuling nagsalita ay ang PDEA- Phil. Drugs Enforcement Agency. ipinaliwang nila ang tungkol sa Drugs, ipinakita nila kung ano ang kahihinatnan ng mga taong gumagamit ng bawa na gamot, at tatlo lang ang patutunguhan ng mag taong gumagamit nito, una: bilangguan pangalawa: mental hospital at pangatlo: ay ang kamatayan. huwag na nating hayaan pang mamili sa tatlo, kaya umiwas na lang tayo gumamit nito.
"rea"
Thursday, April 11, 2013
Graduation
Graduation
Ang mga batang nagsipag tapos sa Calamintao ay talagang kakikitaan mo ng kasiyahan sa kanilang mga mukha ..dahil sa tinagal tagal na panahon ay ngayon lamang muling naulit ang ganitong seremonya sa lugar na ito..isa ako sa mga magaaral noon sa calamintao settlement Farm School.pero hindi ko naranasan ang doon mismo idaos ang aming pagtatapos.
Masaya ang lahat lalong lalo na ang kanilang mga magulang.Pati na din ang kanilang mga guro.
Sana ay magtuloy tuloy na ang ganitong simulain sa Paaralang ito.
Lilibeth,
Ang mga batang nagsipag tapos sa Calamintao ay talagang kakikitaan mo ng kasiyahan sa kanilang mga mukha ..dahil sa tinagal tagal na panahon ay ngayon lamang muling naulit ang ganitong seremonya sa lugar na ito..isa ako sa mga magaaral noon sa calamintao settlement Farm School.pero hindi ko naranasan ang doon mismo idaos ang aming pagtatapos.
Sila ang mga batang nagsipagtapos sa sa paaralan ng Elementarya ng Sitio Calamintao.
Isa sa mga nagtapos sa paaralang ito ay ang aking bunsong kapatid.masaya ako dahil sa aming magkakapatid siya lang ang bukod tanging nakaranas na magtapos mismo sa paaralang ito.dati ay ginaganap ang ganitong okasyon sa .Alacaak Elementary school mismo .Na kung saan ito ang paaralang nakakasakop sa paaralan ng calamintao.
Sana ay magtuloy tuloy na ang ganitong simulain sa Paaralang ito.
Lilibeth,
Wednesday, April 10, 2013
Sea wall
Ito na ngayon ang sea wall sa Pob.I ng Sta. Cruz..ang ganda lalo na sa gabi ang liwanag dahil ang daming mga ilaw na nakapaligid, hindi katulad ng dati ito ay nagigiba ng alon tuwing darating ang malakas na bagyo, kapag tinamaan ito ng malakas na alon.. maliit pa ako noon ang layo layo pa ng dagat mula sa aming bahay, subalit habang lumilipas ang taon nag babago na, papalapit na ang dagat mula sa aming kinatatayuan ng aming tahanan, kaya kami ay nag pasya na lumipat at lumayo sa tabing dagat.
Kaya sa ngayon nandito na kami sa waray malapit sa opisina ng 21st Century Association. kung kaya't abot tanaw na ang aking pinapasukang trabaho... madali na makarating at malaman kung ano ang sitwasyon lalo na sa mga studyante naming katutubo na pumapasok sa paaralan..
"rea"
Wednesday, April 3, 2013
Penitensya
Tradisyon at pananampalataya.
Sa tuwing beyernes santo ginagawa ang aking asawa ang mag hampas sa likod, ang tawag ay penetensya isang pag sisisi ng mga kasalanan nagawa. At bilang pag galang nila sa pag hihirap ni Jesus hanggang mapako sa Krus ng dahil sa ating mga kasalanan.Nang panahon ng hindi na naghampas ang aking asawa, matagal niyang nararamdaman ang sakit ng likod niya, Ito na sana ang pagtigil niya sa pag hampas sa likod sa tuwing sasapit ang beyernes santo. bagamat ganun nga ang nararamdaman niya na parang hinahanap ng katawan niya ang mabawasan ng konteng dugo sa katawan niya., kung kaya't naging panata na niya ang gawin ito tuwing Beyernes Santo.
Wednesday, March 27, 2013
Basic Accounting lesson
Here is Ma'am Pats, Secretary ng All for 1 Federation, Maraming salamat po sa kanya at sa CDA kasi binigyan nya kami ng pagkakataon na matulongan sa aming napakagulong journal, at tinulongan din nya kami para sa iba pang mga papers na kailangan ipasa sa BIR at CDA.
At ito na ang nakakagulong part ng aking trabaho ang pagrerecord sa Journal,lalo na sa sales at expenses mukahang nagkaroon ako ng hang-over dito eh.Pero dahil sa tulong nya ngayon naunawaan ko kung papaano magrecords, siguro sa mga darating na araw at meron ulit ako maincounter na mahirap sa journals willing naman po si ma'am Pats na tulongan ulit kami.
Mila

Tuesday, March 26, 2013
Miss Sta.Cruz
Noong nakaraang linggo, March 15-21,2013 ay ipinagdiriwang ang 64th Foundation day ng Municipal ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Ang daming mga palaro, panoorin na libangan lalo na sa gabi, at ito na nga nag karoon ng search of Miss Sta. Cruz, Alam n'yo ba, ang mga candidates nagmula sa 11th Brgy ng Sta Cruz, nakakatuwang isipin na ang nagkamit ng Miss Sta. Cruz ay madaming masamang comments. pero sa harapan ng mga hurado, na dumaan sa question & answer dito sila humanga at namangha, at siya ang nakakuha ng titulo. ang masaya ka pa, aking ihada, at nasasakupan ng aming Brgy. Pob.II malaking karangalan para sa aming taga Poblacion...At sa malaking pagkakataon ang Mait coopt nagkaroon ng pwesto upang magtinda sa compound ng Municipal upang ipakilala ang mga produkto ng mait sa buong Sta. Cruz, masaya at may naging kita rin kahit papaano, kaya ito yong aming natutunan, na sa isang okasyon ay nagkaroon ng ganitong pagkakataon.
''rea''
Thursday, March 21, 2013
Recognition
Noong ika-17 ng Marso 2013 ginanap ang pagkilala sa mga batang nagtamo ng karangalan sa mababang paaralan ng Sitio Calamintao Brgy.Alacaak Sta. Cruz, Occidental Mindoro.Na pinamumunuan ng mga gurong doon ay walang sawang nagtuturo sa mga studyante doon. sila din ang nagpatupad para doon na lamang ganapin ang mga ganitong activities ng bawat paaralan.
Sila ang mga Pangunahing panauhin ng nasabing pagkilala sa araw na ito sila ay ang mga taong walang tigil na tumulong sa bawat programa sa paaralang ito.Sila naman ang mga batang nagkamit ng kabaitan sa paaralan o sa kanilang klase.
Nakatutuwang isipin na ang paaralan ng Calamintao Settlement farm School ay isa na rin sa mga paaralang nakasusunod sa bawat activities na ginagawa ng bawat paaralan.sa tinagal tagal kasi na hindi na ginaganap sa paaralang ito ang mga ganitong activities ay ngayon na muling ginawa ang ganitong gawain ang lahat ng ito ay natupad dahil sa mga masisipag na mga gurong doon ay nagtuturo at lalong higit ay ang kanilang punong guro.
"lilibeth"
Wednesday, March 20, 2013
Ube
Scientific name: Dioscorea alata,
Dioscorea alata, known as purple yam and many other names, is a species of yam, a tuberous root vegetable, that is bright lavender in color. It is sometimes confused with taro and the Okinawa sweet potato
Ito ang ube na aking ginawang halaya, halaya na ang ibig sabihin ay jelly. May dalawang uri ng ube na tanim sa aming bukid, isang kulay ube at isang kulay gatas, ang proseso ng aking paggawa ay nilaga ko muna ang ube, pagkatapos ng naluto na, inalis ang balat, at niyadyad upang mapino, ito ay lulutuin sa gata ng niyog na sinamahan ng asukal at gatas upang tumamis at maging masarap.
Ang ganda ng Hugis, parang paa na malaki...Ito naman ang halaya na kulay gatas, mayroong lahok na latik ng niyog.
"rea"
Subscribe to:
Posts (Atom)