Wednesday, April 24, 2013

Guyabano

     Guyabano
               Ang guyabanong puno ay karaniwang taas ay nasa 5-7 metro ang taas. Ito ay punong prutas na berde ang kulay, at karaniwan din na tumitimbang ang bunga nito ay 2-5 ang kilo. at ang hugis nito ay hugis itlog na nasa 18 sentemetro ang haba nito na may manipis na balat at malambot ang loob nito,  at kung kakainin mo ay manamis namis at may maasim ang lasa nito, ang dahon nito ay maberde at may sukat na 7-20 sentemetro ang haba. Guyabano ay namumulaklak sariwang-sariwa, namumunga ito sa loob ng isang taon sa pag itan ng Mayo-Hunyo. Guyabano ay may isang nag-iisa na bulaklak na malaki, dilaw o maberdeng-dilaw ang kulay. Ang tatlong mga panlabas na petals ay malawak ovate na may hugis puso base, hanggang 5 sentimetro ang haba, at 3 sentimetro malawak.

                     Ayon sa aking nalalaman tungkol sa guyabano, ito ay magandang gamot sa mataas ang lagnat, itatapal ang dahon nito sa ating noo para mahibasan mabawasan ang init nito sa ating katawan, at ganun din po, ito po ay magandang gamot sa taong nauusog, ang usog po ang ibig sabihin, nababati ng taong nakakasalamuha mo, na bigla na lang sasakit ang tiyan at nasusuka, ang dahon nito ay ipapaamoy mo lang sa pasyente ay may pusibilidad na mawawala ang masamang nararamdaman. masarap ang prutas na ito, dahil aking nasubukan at napatunayan na gumaling ako sa pamamagitan ng mga dahon lang nito ay gamot na, lalo pa kaya kung ang bunga nito ay makain mo pa, na punong puno ng vitamina.



"rea"

No comments:

Post a Comment