Maraming salamat sa PNP- Philippines National Police, PDEA-Philippines Drug Enforcement Agency, NCIP-National Commission Indigenous People at sa mga ARMY nagbigay ng seminar sa aming mga katutubo, para sa peace in order, drugs at fraternity, nag papasamat po rin kami sa Brgy. Alacaak na nagpa unlak na magamit namin ang Brgy. hall na pinagamit sa amin upang pagdausan ng ng ginanap na seminar. Matagumpay na natapos at naging magandang simula sa mga kabataan naming mga katutubo ang seminar na ito, at ganun din sa mga magulang na dapat sila ang unang mag bigay ng pangangalaga sa mga kabataan upang mapayapang mamuhay at hindi sila lumabalabag sa batas. at magandang pagkakataong ito para sa ating mga katutubong unti- unti ng mamulat sa karangyaan.
Facilitator: Paulo P. Cawayan isa sa mga katutubong nangangasiwa ng Mait Coop sa Calamintao.
Una nagsalita ang Taga NCIP na si Karen Ignacio- Provincial Officer, ayon sa kanyang pagpapakilala, siya ay nagmula sa kuldelyera, ipaliwanag ang batas ng IPRA- Indigenous People Rights Act ang Batas na ito ay ipinatupad noong Oct. 29, 1997.
At sinundan ni Atty. Ulysses G. Bambo- Legal Officer nagsalita siya tungkol sa IPRA, Drugs at ang social justice and human rights.
Sila ang mga katutubong dumalo sa seminar na ito.
Mga pulis ang bahagi ay peace & order, at tungkol sa mga gumagamit ng drugs, at nakalakip sa mensahe nila ay hindi pweding mag drive ang walang lisence, dahil karamihan na sa ating mga katutubo na nag mamaniho na walang pinanghahawakang lisensya.
At panghuling nagsalita ay ang PDEA- Phil. Drugs Enforcement Agency. ipinaliwang nila ang tungkol sa Drugs, ipinakita nila kung ano ang kahihinatnan ng mga taong gumagamit ng bawa na gamot, at tatlo lang ang patutunguhan ng mag taong gumagamit nito, una: bilangguan pangalawa: mental hospital at pangatlo: ay ang kamatayan. huwag na nating hayaan pang mamili sa tatlo, kaya umiwas na lang tayo gumamit nito.
"rea"
No comments:
Post a Comment