Wednesday, December 29, 2010
Sunset
Magandang pag masdan kapag palubugin ang araw, lalo't kung iyong titingnan kapag lulubog at ba bye haring araw. Parang lungkot ang pakiramdam kapag wala ng ang araw, at papalit ang kadiliman. Sa pag sikat nito'y dala ang saya sa buong mag hapong kapiling ka sa araw-araw. Maraming salamat sa t'wing ika'y sisikat, dala mo ay saya sa bawat isa......
Rbt
Monday, December 27, 2010
Lechon
Kadalasan may mga handang lechon kapag may Birthday,Kasal, Pasko at Bagong Taon madalas ito ang unang nauubos sa handaan. Isa pa sa tingin pa lang ito na agad ang unang nilalapitan upang makain, masarap nga, pero mag ingat ang mga taong mataas ang kolesterol at iba pang pinag babawal ng doktor... hay napakasarap!....
rbt
Wednesday, December 22, 2010
Regalo
Masaya ang tao pag binibigayan ng regalo, maliit man o malaking halaga ang makamit nito, lalo na kung kaarawan at araw ang pasko, masaya ang tao pag nagkakaregalo. Sa ating filipino mahalaga ito, maliit man na bagay pinapahalagahan ito, sa kasabihan alala ng bawat tao ang nag bibigay pinagpapala ito.
Rbt
Tuesday, December 21, 2010
Diskrimenasyon
isang di pangkaraniwang problema na nararanasan ng mga katutubong mangyan,bakit?dahil ba sa sila ay marungis isang di pangkaraniwang nararanasan sa hinaharap....Ngunit may pakiramdam din sila nasasaktan sa tuwing nga na silay sumasakay sa mga sasakyan palagi na lang sa bubong o di kaya laging nasa likuran...isang malaking katanungan na palaging pumapasok sa aking isipan nasaan ang kanilang karapatan bilang isang malayang mamayan....????
anesty p palmero
Edukasyon ay mahalaga sa mga katutubo
Karamihan sa mga katutubo ay salat sa edukasyon,sa kadahilanang walang sapat na halaga para pangtustos sa pagpagpapaaral.Nang dumating ang 21st century association dito sa occidental mindoro,doon na nagsimulang magkaroon ng kulay ang mundo ng mga katutubong tulad ko.karamihan na ngayon ang mga batang katutubo ay nagsisipagaral na at ang iba naman ay mga nakapagtapos na.Dahil po yan sa tulong ninyo.maraming salamat sa 21st century association dahil sa inyo nagkaroon ng kulay ang aming buhay.
Monday, December 20, 2010
An unexamined life is not worth living.
Because this unexamined life is not worth living is have bad influence or bad effect to each other,cause in this way we can`t manage our life,we haven`t good future,we have no love, peace,and serenity for ourselves and to each other,and we can`t make our motivation and goal for our self and for our good future .And now you know how to examine your life.Please think about it deeply. Moral lesson for everyone don`t think negative.Always think the advantage and the disadvantage for every decision.
Ms.Miranda,Elizabeth B.
Wednesday, December 15, 2010
Tuesday, December 14, 2010
Christmas Gift
Maraming salamat po sa mga nagpadala ng package dahil nagkaroon ang mga studyante ng pang exchange gift sa School. talagang malaking tulong ito para sa amin, dahil nag karoon kami ng libreng pang regalo sa mga klasmate ng aming studyante. isang napakasayang okasyon ang Christmas party sa bawat studyante. kaya lubos kaming nagpapasalamat sa japanese sender ng mga packages, pagpalain nawa kayo ng poong maykapal....
rbt
Friday, December 10, 2010
Pagdidilig ng Halaman
Thursday, December 9, 2010
Ani ng Tubigan
Wednesday, December 8, 2010
Running
Ako po si Jessibel Pacifico, 3rd year high school. kasali po ako sa Truck in Field sa Intramural dito sa aming school, Masaya ako dahil nakuha ko ang 2nd place. Bilang isang Mangyan hindi hadlang ang pagkatao sa may talent. Kaya pinakita ko na ang isang tulad ko ay may tinatagong talento... Kasama rin po ako sa ibang lugar, para lumaban muli,. sana makamit ko na ang 1st place lalo na maipagmalaki ko ang aming lahing mangyan... Maraming Salamat po
Rbt
Tuesday, December 7, 2010
Key hole Garden
Monday, December 6, 2010
Intramural
Friday, December 3, 2010
Thursday, December 2, 2010
The Carpenter
Wednesday, December 1, 2010
Ang Alon sa Dagat
Sa tuwing Dapit hapon, ang gandang pagmasdan ang alon sa dagat, lalo na kung palubugin ang haring araw. Dito sa lugar ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro ay malapit lang ang tabing dagat sa aming tirahan. At sa tuwing umaga maganda ang pakiramdam kapag nasa tabing dagat, lasap mo ag sariwang hangin na iyong lalanghapin at mabuting mag palipas ng oras sa may dumarating na problema sa buhay. Ang alon na iyong maririnig ay tila awit na nagpapadala ng masalimuot mong damdamin. At lumilimot sa iyong mga bumabagabag na pakiramdam. Lalo na kung nakayapak kang lumalakad sa mga buhanginan, napakasarap ng iyong pakiramdam.
maraming salamat po!
RBT
Tuesday, November 23, 2010
Bakuran ng 21st CA
Monday, November 22, 2010
Baking Class ng mga Mangyan
Sa tuwing sabado na walang pasok ang mga studyante, ganito ang ginagawa nila, nag be bake ng tinapay, cake or iba pang pagkakakitaan, pag katapos na maluto, ito ay tinitinda sa palengke, at ang dami namang bumibili ng gawa ng mga studyante. ang nag tuturo gumawa ay isang japanes intern dito sa aming at sya ang nangangasiwa gumawa ng baking class para matuto ang mga mangyan na nag-aaral dito sa 21st century association..
maraming salamat po
RBT
LIKAS NA LUPA
LIKAS NA LUPA
Ang lupa may kalikasan tulad ng mga bundok dagat at ilog kay dalisay pag masdan bulak lak sa parang bubuyog nag liliparan. Kaydilim ng gabi kaylungkot pagmasda langit ang iyong tanong ng iyong kasagutan. Sa gabing liwanag ng munting bitwen. Salangit kumikinang. Ang sinag ng araw sa paligid ng kabundukan ang amog sa gubat at nagkanda laglagan. Sa lupang matibay at malaman inuming ng tao nag mula sa batisan.
ROEL
Ang lupa may kalikasan tulad ng mga bundok dagat at ilog kay dalisay pag masdan bulak lak sa parang bubuyog nag liliparan. Kaydilim ng gabi kaylungkot pagmasda langit ang iyong tanong ng iyong kasagutan. Sa gabing liwanag ng munting bitwen. Salangit kumikinang. Ang sinag ng araw sa paligid ng kabundukan ang amog sa gubat at nagkanda laglagan. Sa lupang matibay at malaman inuming ng tao nag mula sa batisan.
ROEL
PROBLEMA
Ang problema ay daladala ng dibdib. hindi mo maunawaan kong saan nagmumula ang tunay na hiwaga. musmos kapa sa palad muna hanggang sa pagtanda. Tanong mo nasan ang daan ng magandang kinabukasan. Upang matugunan ang mga magandang pangangailangan wag mong isuko ang laban.kasi buhay mo ang lahat ng katanungan. Sarili mo ayusin bigyan ng magandang kinabukasan. Ang lupa sa kalangitan ang buhay natin tulad niyan. Minsan madilim minsan maaliwalas kaya wag mong pagtakahan ang buhay natin ay may katapusan. maraming salamat po..
ROEL
Ang problema ay daladala ng dibdib. hindi mo maunawaan kong saan nagmumula ang tunay na hiwaga. musmos kapa sa palad muna hanggang sa pagtanda. Tanong mo nasan ang daan ng magandang kinabukasan. Upang matugunan ang mga magandang pangangailangan wag mong isuko ang laban.kasi buhay mo ang lahat ng katanungan. Sarili mo ayusin bigyan ng magandang kinabukasan. Ang lupa sa kalangitan ang buhay natin tulad niyan. Minsan madilim minsan maaliwalas kaya wag mong pagtakahan ang buhay natin ay may katapusan. maraming salamat po..
ROEL
ILOG ng Amnay
ILOG ng Amnay
Ang ilog ng amnay tirahan ng mga mangyan dahil mahal naming ang kabundukan. At ang mga punong kahoy at ang mga hayop sa gubat. At tulad ng tamaraw, at usa pukyutan, at iba pang mga yaman sa gubat. Tulad ng isdang ilog sana sa pagmamahal naming mga mangyan sa mga punong kahoy. At ilog sana'y inyong suportahan at madinig ang mga daiing naming mga mangyan dito sa bundok ang aming kinabubuhay kasi hindi kami naka pag-aaral. Wala din kaming sakahan kaya't ang kalikasan dapat natin ingatan pangalagahan at mahalin natin ang kalikasan. Kaming lahat na mga mangyan o tagalog man ang punong kahoy ay ingatan. sa buhay nating ay kailangan ang lilim sa paligid ng ating tahanan.
maraming salamat po....
ROEL
Ang ilog ng amnay tirahan ng mga mangyan dahil mahal naming ang kabundukan. At ang mga punong kahoy at ang mga hayop sa gubat. At tulad ng tamaraw, at usa pukyutan, at iba pang mga yaman sa gubat. Tulad ng isdang ilog sana sa pagmamahal naming mga mangyan sa mga punong kahoy. At ilog sana'y inyong suportahan at madinig ang mga daiing naming mga mangyan dito sa bundok ang aming kinabubuhay kasi hindi kami naka pag-aaral. Wala din kaming sakahan kaya't ang kalikasan dapat natin ingatan pangalagahan at mahalin natin ang kalikasan. Kaming lahat na mga mangyan o tagalog man ang punong kahoy ay ingatan. sa buhay nating ay kailangan ang lilim sa paligid ng ating tahanan.
maraming salamat po....
ROEL
Elementary Life
Ang life ko sa elementary ay sobrang malungkot kasi ang mga tao ay pinagtatawanan ako dahil ako ay matandang bakulaw daw. Dahil ang mga classmate ko 12year old lamang samantalang ako naman 30 year old na ang Edad ko. Pero naisip ko naipagpatuloy ang aking pag-aaral para maipakita sa kanila na walang matanda sa nagsisikap, nagtapos ako ng elementary noong 2001.Pero binaliwala ko ang mga pagtutukso sa akin dahil gusto kung marating ang aking pinapangarap sa buhay. at ito'y hindi hadalang upang matapos ko ang aking pag-aaral.
Sumapit ang life ko sa high school yong una kong pasok sa high school ay malungkot pero lumipas ang isang lingo biglang sumaya ang life ko kasi napakarami kong kaibigan kaya pinag patuloy ko ang aking pag-aaral sa high school ng sumapit ang graduation ko sa high school napakasaya ko kasi kasama ko ang aking mga magulang.
Hindi nagtagal nakapag-aaral ako ng college sa Mamburao, Occidental Mindoro. Nang kursong Computer Hardware nagsimula uli ang aking life sa college noong March 11, 2009 napakasaya ko pero pinilit kong umiwas sa mga barkada. Kasi naiisip ko ang barkada walang maidulot na maganda. Nagtapos ako noong November 17,2010. Kaya salamat sa mga tong sumuporta sa aking pag- aaral simula sa simula pa.
ROEL
BUNDOK NG AMNAY
Ang bundok ng amnay at ay daluyan ng buhay ng mga mangyan ang mga punong kahoy ay kanilang silungan. Bungang kahoy ay nakapaligid. Masarap namnamin mga katas ng mga uway kanilang kinabubuhay. Kung may pagasa ba ang tanong? Ang likas na yaman ay nakakatulong sa habang buhay ng mangyan at hindi naka pag-aaral.
ROEL
ROEL
Thursday, November 11, 2010
Produkto ng Mangyan
Basket, bilao,somblero,duyan at iba pang native product na gawa sa uway at kawayan ang ginagawa ng mga katutubo. Ito ang kanilang pang hanap buhay. Dito sila kumukuha ng pambili ng pagkain sa bundok. Kapag nakagawa na sila ng ganitong produkto, binababa nila ito sa bayan at pinagbibili, at pag may benta na, bumibili na sila ng pagkain para sa kanilang pamilya.
RBT
Mangyan sa panahon ngayon
Pagkalipas ng maraming taon unti-unti ng naaalis ang lambong na bumabalot sa isipan at pananaw ng mga katutubo,sa bawat pintig ng orasan nagigising ang kanilang kamalayan upang makipag laban na mapaunlad ang buhay,Noon marami sa mga katutubo ang mangmang dahil sa hindi nakapagaral kaya mas higit pa nilang pinaniniwalaan ang mga bagay na kusang dumarating na lamang sa kanilang buhay.Ngunit ngayon marami ng nabago sa buhay ng mga katutubo ito, dahil ngayong ika-12,ng Nobyembre ay magdaraos ang Occidental Mindoro ng 60th anibersaryo at ang mga katutubo na ito ay nagkaisa upang may maipakitang mga sariling ari-arian na mula sa kanilang masaganang kabundukan tulad ng bilao,basket,sombrero na gawa sa hinabing uway at pidlis at kawayan,at naghanda rin sila ng mga sariwa at walang kimikal na mga uri ng gulay.Ang Mindoro Alangan Iraya Tribe Multipurpose Cooperative( MAIT ) ay kanilang binuo upang maging haligi ng kanilang magandang kinabukasan.
LJ
Wednesday, November 10, 2010
Ang Daga
Maraming klase ang daga sa mundo, subalit may mga daga na nasa bukid kung tawagin ay dagang palay, Ito ay malinis kaya ang marunong mag katay nito ay kinakain nila ito at ginagawang pang-ulam. at may mga dagang bahay, ito naman ay kung tawagin ay mabait, kasi daw po pag ito ay sinaktan mo, gaganti sa inyo, maninira ng mga mahahalagang gamit mo, pero pag ito ay pinabayaan mo lang at parang kausapin na huwag manira ng ano mang kagamitan mabait naman ito. Pero itong dagang inaalagaan, magandang libangan ng panoorin, sa s liit ng katawan nito, napakaraming anak na nailuwal. Nakakalibang pagmasdan, lalo na sa pag aaruga ng kanyang mga anak.
RBT
Tuesday, November 9, 2010
Studyante
Sa loob ng compound ng school, sa tuwing vacant gumawa kami ng aming aralin sa isang tahimik na lugar na kung saan matapos namin ang aming takdang aralin ng aming pinag-aaralan, napakassarap mag-aral kapag may sumusuporta lalo na sa financial. salamat sa 21st Century Association na handang tumulong sa mga mangyan na willing mag-aral.
Maraming salamat po!
RBT
Katutubong Kaugalian
Sunday, November 7, 2010
Pagawa ng Bomba
Dito po sa office ng 21st Century Association, napakahirap ng humanap ng magandang tubig na makukuhanan,lalo na ang pang inumin man lang, kaya po nag suggest kami na pagpatayo ng Bomba na may 100 talampakan ang lalim, pero sa di inaasahan, hindi naituloy ang nasabing bombahan, dahil sa hindi na bumaon ang tubo ng bomba. Ayon sa gumagawa, may nakabara daw pong malaking bato ang nasabing kinatatayuan ng tubo nito. kaya ngayon napakalayo pa ng iniigibang tubig ng mga katutubo para kanilang pang inom man lang. kung sakaling natuloy ito, dito na ang may pinakamalinis na tubig sa Bayan.
Sana may magandang tatayuan o may pwestong maganda para may maayos at malinis na tubig na mapagkunan.... maraming salamat po..
Rbt
Saturday, October 30, 2010
Tagalog na nakapag asawa ng Mangyan
Ako ay si Albert Andales isang tagalog, Ako ay taga Calintaan Occidental Mindoro. Nag-aral ako sa San Jose,ng college sa kursong Commerce,major in Management. Sa di sinasadya,hindi ko natapos ang kursong ito, Dahil dito ko nakilala si Rechelle na isang Mangyan, na schoolar ng 21st Century Association,Pareho kaming di nakatapos sa gusto naming nais na course. Sa ngayon may isa na kaming anak, at sa tulong ng namamahala sa Association na ito, tinanggap kaming maging staff dito, Naka assign Ako sa isang Project site sa bundok,na may Literacy Program ito ay sa Sitio Kamambuga, na tirahan ng mga katutubo. Masaya ako doon na nagtuturo sa mga katutubo, dahil kasama ko ang aking pamilya.. Maraming salamat po....
Thursday, October 28, 2010
Volunteer na Mangyan
Ako po si Carlo Bernardo,isa sa pinag-aral ng 21st Century Association na nakatapos ng high school at ngayon ay isa na akong volunter staff ng 21st Century Association kung minsan ako ay umaasikaso sa mga pasyenting mangyan na dumarating dito sa bayan at dinadala ko sa hospital para maasikaso din ng Doctor doon at kung minsan napunta ako sa project site sa amnay para sa literacy program, masaya ako na pinag- lilinguran ang kapwa ko katutubo.
Tuesday, October 26, 2010
Bakuna sa mga Katutubo
Noong unang panahon,hindi pa uso ang Bakuna sa bundok, kaya marahil ang daming nagkakaroon ng mga sakit na ma katutubo, At sa panahon na Hawak na ng 21st Century ang Amnay area dahil sa mayroong Literacy Program doon, dito na nag simula ang pag babakuna sa mga bata doon, Mahirap kombisihin ang mga magulang ng mga bata doon dahil sa takot sila sa karayom na binabakuna sa kanila, pero pamamagitan ng mga Guro na mga Volunteer Staff dito na nila nakombinsi o sumang-ayon patusukan ang kanilang mga anak. Hindi tulad noon ang daming nag kakasakit na mga bata at namamatay dahil wala pa sa kanilang tumutulong tulad ng asosasyong ito. Kaya may pumupunta at umaakyat na sa kanila, na taga Rural Health Unit para sila ay bigyan ng pangunahing bakuna, kasama ang Volunteers staff ng 21st Century Association upang paglingkuran at tulungan sila na malayo sa mga sakit.At tinuturuan silang maging malinis sa katawan at lahat ng nakakabuti sa kanilang katawan...
Maraming Salamat!
RBT
Thursday, October 21, 2010
Mag-ingat sa sakit....
Sa panahon ng tag-ulan marami ang nagkakasakit dahil sa dala ng maruming kapaligiran at maruming tubig na inumin at kinakain.Kaya maingat kami sa aming mga scholar na mga katutubo upang hindi sila magkasakit.Wastong kalinisan araw-araw ang aming itinuturo sa kanila upang makaiwas sa sakit na dala ng maulang panahon. maaring dahil sa napakarami nila madaling kumalat ang sakit sa bawat isa,maingat din kami sa aming inihahadang pagkain para sa kanila dahil ang katawan ng mga batang katutubo ay sadyang mahina at madaling magkasakit. dahil sa hindi sapat at hindi wastong pagkain ang kinakain nila araw-araw sa kanilang mga tahanan sa kani-kanilang lugar.
Monday, October 18, 2010
Ang Kolehiyalang Katutubo
">
Sa ngayon sila ang pinag-aaral ng 21st Century Association. Sinuportahan at Pinagtapos sa kanilang pag-aaral. Isa sa kanila ay nakatapos na ng Computer Science at ang isa ay makakatapos na rin ng Nurse sa susunod na taon. At ang isa ngayong March 2010 ay makatapos ng Midwifery. At sa kasalukuyan pumapasok ang isa ng Midwifery ngayon sa unang taon. Masaya ang mga ito dahil sa may mabait na sumusuportang mga Japon. At marami pa sa kanila ang nakatapos at ngayon ay may trabaho na sa Gobyerno.. Kaya maraming maraming salamat sa 21st Century Association sa kanilang pagtulong sa mga katutubong katulad nila.
RBT
Sa ngayon sila ang pinag-aaral ng 21st Century Association. Sinuportahan at Pinagtapos sa kanilang pag-aaral. Isa sa kanila ay nakatapos na ng Computer Science at ang isa ay makakatapos na rin ng Nurse sa susunod na taon. At ang isa ngayong March 2010 ay makatapos ng Midwifery. At sa kasalukuyan pumapasok ang isa ng Midwifery ngayon sa unang taon. Masaya ang mga ito dahil sa may mabait na sumusuportang mga Japon. At marami pa sa kanila ang nakatapos at ngayon ay may trabaho na sa Gobyerno.. Kaya maraming maraming salamat sa 21st Century Association sa kanilang pagtulong sa mga katutubong katulad nila.
RBT
Wednesday, October 6, 2010
Ang kapistahan ni San lorenzo Ruiz
Ang mga larawang ito ay kuha sa kapistahan ni San Lorenzo Ruiz na Patron ng pamayanang Kristyanong Katolikong mga Katutubo sa sito Calomintao.Tuwing Sept, 28 ng taon ang maga katutbong tribong iraya sa Sitio Calomintao Barangay Alacaak sta.Cruz Occidenta Mindoro ay nagkakaisa na ipagdiriwang ang kapistahan upang ang kani-kanilang mga anak ay mapabinyagan na maging isang Kristyanong Katoliko may ibat-ibang palaro silang binubuo upang maging masaya bawat isa bata man at matatanda pagkatapos ay samama rin silang kumain ng kanilang inihandang pagkain.
LJ
Monday, September 27, 2010
Talahib
Sunday, September 26, 2010
Nami Ang pangunahing pagkain ng mga katutubo
Ang nami ang pangunahing pag-kain ng mga katutubo dito sa Mindoro,Ito ay mahirap kunin sa kanyang puno dahil ito ay maraming tinik at karamihan pa ito ay tumutubo sa kabundukan.Ito ay nakakahilo kung diriktang kakainin mula sa puno,kaya kailangan pa ng mga masusing paghahanda bago ito kainin.Pero ito ay masarap, lalo na kung may lahok na niyog at asukal, malinamnam ang lasa nito, at ito ay nakakabusog. Kaya ang mga katutubo ay sulit na pag may pagkaing ganito sa kanilang hapag kainan. chibugan na!.........
LJ
Subscribe to:
Posts (Atom)