Thursday, November 11, 2010

Mangyan sa panahon ngayon



Pagkalipas ng maraming taon unti-unti ng naaalis ang lambong na bumabalot sa isipan at pananaw ng mga katutubo,sa bawat pintig ng orasan nagigising ang kanilang kamalayan upang makipag laban na mapaunlad ang buhay,Noon marami sa mga katutubo ang mangmang dahil sa hindi nakapagaral kaya mas higit pa nilang pinaniniwalaan ang mga bagay na kusang dumarating na lamang sa kanilang buhay.Ngunit ngayon marami ng nabago sa buhay ng mga katutubo ito, dahil ngayong ika-12,ng Nobyembre ay magdaraos ang Occidental Mindoro ng 60th anibersaryo at ang mga katutubo na ito ay nagkaisa upang may maipakitang mga sariling ari-arian na mula sa kanilang masaganang kabundukan tulad ng bilao,basket,sombrero na gawa sa hinabing uway at pidlis at kawayan,at naghanda rin sila ng mga sariwa at walang kimikal na mga uri ng gulay.Ang Mindoro Alangan Iraya Tribe Multipurpose Cooperative( MAIT ) ay kanilang binuo upang maging haligi ng kanilang magandang kinabukasan.

LJ

No comments:

Post a Comment