Thursday, October 21, 2010
Mag-ingat sa sakit....
Sa panahon ng tag-ulan marami ang nagkakasakit dahil sa dala ng maruming kapaligiran at maruming tubig na inumin at kinakain.Kaya maingat kami sa aming mga scholar na mga katutubo upang hindi sila magkasakit.Wastong kalinisan araw-araw ang aming itinuturo sa kanila upang makaiwas sa sakit na dala ng maulang panahon. maaring dahil sa napakarami nila madaling kumalat ang sakit sa bawat isa,maingat din kami sa aming inihahadang pagkain para sa kanila dahil ang katawan ng mga batang katutubo ay sadyang mahina at madaling magkasakit. dahil sa hindi sapat at hindi wastong pagkain ang kinakain nila araw-araw sa kanilang mga tahanan sa kani-kanilang lugar.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment