Sunday, June 27, 2010



Sari- sari at ukay-ukay, May ganitong tindahan ang 21st Century Association,pero hindi ito Business namin, Ito ung mga used Goods pinapadala ng mga taong may mabuting kalooban galing Japan. Ang ginagawa namin, binibenta ito sa murang presyo, at ang kinikita nito ay napupunta sa mga pagkain, at gamit pang eskwela ng studyante, gamot ng mga pasyente,mga gamit din pang Literacy Program,dito lahat nakapaloob ang kinikita ng mga pinapadalang goods ng mga taga Japan. Napakalaking tulong ito sa mga nabanggit, subalit matitigil na ang pag papadala ng mga package galing sa kanila, kasi ang daming mga tao na nag sasabing ginagawa na daw namin na negosyo na dapat ang mga mangyan ang makinabang. kya nga gingawa namin na maging pera ang mga pinapadala para may ipambili ng mga gamit ng mga mangyang estudyante at gamot ng mga pasyente, kaya napakahirap na ng kalagayan namin sa ngayon dahil itinigil na namin ito, para maiwasan ang mga maling koro koro ng mag tao. May mga pailan ilan pa ring nadating na mga boxes, pero bago pa namin matanggap halos wala na itong laman..Ang amin lang hangad ay makatulong sa mga mangyan na nangangailangan ng suporta upang mahibsan ang paghihirap nila. Maraming salamat po....



By; rhea
June 28,2010

No comments:

Post a Comment