Monday, June 21, 2010
Sa taong ito ang may pinakamaraming bilang ng mga estudyante ang aming pinag-aaral.60 estudyante ang kailangan naming suportahan,Nakakatuwa dahil unti-unti ng namumulat ang mga batang katutubo sa larangan ng edukasyon.Ngunit hindi parin halos maiaalis sa kanila ang kanilang tradisyon dahil sa kanilang kinalakhan.Kaya matiyaga namin silang tinuturuan tungkol sa pag-aalaga ng kanilang katawan,tamang pag-gamit ng palikuran,tinuturuan din namin sila kung paano magtanim ng mga halaman at kung paano ito alagaan at sama-sama kaming gumagawa ng compost para gamiting pampataba sa tanim na halaman,at upang ganap nilang maintindihan sa gabi ay mayroon kaming isang oras ng pag-aaral ,habang hinihintay namin ang worksheet ng kumon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment