Wednesday, June 30, 2010

Balyena



May napadpad d2 sa Balansay Mamburao Occidental Mindoro, Na napakalaking Balyena. Nanghihina na ito at tipong humihingi ng tulong sa mga tao. Lumaki ako at nagkaisip ngayon lang ako nakakita ng ganitong nakalaking isda. dahil puro sa libro ko lang nasilayan ang kabuuan ng napakalaking katawan nito. At nagtagal namatay din ito dahil sa sanhi ang tama ng Baril o na parang sibat na kanyang tinamo, dahil sa malaking sugat na nakita sa kaniyang katawan. Ang malaking problema kung paano nila ilibing ang katawan nito, pero naging desisyon ay paghati hatiin ang katawan at saka ibinaon, subalit umaalingasaw pa rin ang baho nito.. kaya`t kumilos lahat ang namamahala ng bayan na ayusin ang pagkakabaon ng bangkay ng whale..Subalit ang sabi ng mga mag iinum, masarap daw pulutan, wala na daw sana problema kung pano ang pag papalibing ng malaking katawan ng balyena.

rhea

Everyday visitors





Sa tuwing aking pagising sa umaga, pag-aalinlangan sa aking isipan ay bumabalot sa aking kataohan, sapagkat sa bawat araw na dumaraan sa aking buhay mga may karamdaman ay aming panauhin sa aming tahanan na nagmula pa sa gitna ng kagubatan, nakakatakot man isipin na sa isang umaga isa sa aking kapamilya ay mahawa nila, ngunit anu ang aming magagawa kundi ang kukupin sila at tulongan sa abot ng aming makakaya, ngunit hanggang kailan? isa ito sa malaking katanongan na matagal nang bumabagabag sa aking isipan. Lalo na at napabalitang ang hospital dito sa aming bayan ay mawawala na, panu na ang aming mga panauhin sa araw-araw na walang kakayanan na mapagamot ang kanilang karamdaman, Kung sakali man na mangyari ito ay paano na sila?? na kung ang kakarampot na pera nila sa bulsa ay magagamit pa na pamasahe patungo sa malayong hospital.

mj

Monday, June 28, 2010

Always Patient,,,haisssssssst


Araw-araw marami kaming gawain,pagod na ang katawan,pagod pa ang isipan,pag-gising palang sa umaga isa lang ang aming nasa isipan,gastos o pang-gastos na naman sa gamot ng mga pasyente,dahil pagsapit ng alas 8"00 ng umaga naku! katakot-takot na pila ng mga pasyenteng mga mangyan galing sa bundok ang aming makikita at kailangang dalahin sa hospital at minsan pa kahit hating gabi ay meron parin dumarating na pasyente wala kaming ibang paraan kung hindi asikasuhin lalo na kung sanggol ang pasyente.Maliit lamang ang 21st century association ngunit maraming natutulungan.


Louise

Sunday, June 27, 2010



Sari- sari at ukay-ukay, May ganitong tindahan ang 21st Century Association,pero hindi ito Business namin, Ito ung mga used Goods pinapadala ng mga taong may mabuting kalooban galing Japan. Ang ginagawa namin, binibenta ito sa murang presyo, at ang kinikita nito ay napupunta sa mga pagkain, at gamit pang eskwela ng studyante, gamot ng mga pasyente,mga gamit din pang Literacy Program,dito lahat nakapaloob ang kinikita ng mga pinapadalang goods ng mga taga Japan. Napakalaking tulong ito sa mga nabanggit, subalit matitigil na ang pag papadala ng mga package galing sa kanila, kasi ang daming mga tao na nag sasabing ginagawa na daw namin na negosyo na dapat ang mga mangyan ang makinabang. kya nga gingawa namin na maging pera ang mga pinapadala para may ipambili ng mga gamit ng mga mangyang estudyante at gamot ng mga pasyente, kaya napakahirap na ng kalagayan namin sa ngayon dahil itinigil na namin ito, para maiwasan ang mga maling koro koro ng mag tao. May mga pailan ilan pa ring nadating na mga boxes, pero bago pa namin matanggap halos wala na itong laman..Ang amin lang hangad ay makatulong sa mga mangyan na nangangailangan ng suporta upang mahibsan ang paghihirap nila. Maraming salamat po....



By; rhea
June 28,2010

Friday, June 25, 2010

making keyholegarden




Isa po sa mga activities na ginagawa ng 21st Century Association ngayon ay ang Permaculture, Sa ngayon ay nag-uumpisa na kami sa paggagawa ng keyholegarden at compost. Tuwing hapon ay naglalaan kami ng oras at nang aming mga students upang mangoha ng mga damo at iba pang mga materials na gagawing compost at ilalagay din sa keyhole garden. Sa bawat gilid ng aming mga buildings ngayon ay isa-isa na naming nilalagyannamin ng keyholegarden, isa itong kapakipakinabang sa amin, dahil sa maganda na ang bahay,magandang kapaligiran,walang basura,at higit sa lahat ay magiging puno ng gulay ang aming paligid, at malusog na katawan...



Miles

Monday, June 21, 2010

Student & Patient

Ang hirap ng budget ngayong taon, dahil sa dami ng aming estudyanteng nag aaral na mga katutubo ngayong pasukan. May elementarya at high school. Lalo na ang mga patient na napunta dito na kailangan nila ng tulong para mag pakonsulta sa Doktor. Dahil kung sila lang ang aasahang pumunta dun hindi agad maasikaso dahil sa nahihiyang magsalita at hindi sila marunong mag usap sa tagalog na salita, kung ano ang kanilang nararamdaman. Marahil sa kanilang kinabihasnan sa kabundukan kaya halos takot silang humarap sa mga tagalog. At wala din silang kaya na may ibili ng gamot kung sila ay reresitahan ng Doktor. Mahirap din namang tanggihan mo, kung ang buhay ay nakasalalay dito. Bagamat mahirap handa ang 21st Century Association na tumulong sa mga katutubo na nangangailangan sa abot ng makakayanan. Lalo na din sa mga batang gustong mag aral, upang sa pagdating ng panahon ay di na sila pagtawanan at lukuhin ng mga taong gusto lang silang pag laruan.


Sa taong ito ang may pinakamaraming bilang ng mga estudyante ang aming pinag-aaral.60 estudyante ang kailangan naming suportahan,Nakakatuwa dahil unti-unti ng namumulat ang mga batang katutubo sa larangan ng edukasyon.Ngunit hindi parin halos maiaalis sa kanila ang kanilang tradisyon dahil sa kanilang kinalakhan.Kaya matiyaga namin silang tinuturuan tungkol sa pag-aalaga ng kanilang katawan,tamang pag-gamit ng palikuran,tinuturuan din namin sila kung paano magtanim ng mga halaman at kung paano ito alagaan at sama-sama kaming gumagawa ng compost para gamiting pampataba sa tanim na halaman,at upang ganap nilang maintindihan sa gabi ay mayroon kaming isang oras ng pag-aaral ,habang hinihintay namin ang worksheet ng kumon.

Friday, June 18, 2010

Balik paaralan na naman ang mga students..

Ngayong pasukan ang pinakamataas na bilang ng aming mga students highschool at elementary na nagmula pa sa ibat-ibang lugar sa bayan ng stacruz. Panibagong pakikisama, pag-aaruga at pagtuturo na naman sa kanila, karamihan sa kanila ay sobrang maliliit pa at hindi pa marunong kung paano pangalagaan ang sarili,kaya kailangan pa turuan kung papaanu maghugas ng kamay,maglaba ng damit,magluto at higit sa lahat kung paanu ang tamang paggamit ng palikuran.

Ngayon habang naghihintay kami ng worksheets galing sa kumon, Nagbibigay kami ng isang oras na lecture sa mga bata tungkol sa disiplina, kalinisan at tungkol sa pagluluto tuwing gabi.