Tuesday, March 19, 2013

44th commencement

      Ika 18 na Marso taong 2013, muli ay naganap na naman ang isa sa mga pinakamahalagang araw para sa mga batang nagsipagtapos sa mataas na paraalan at ganun na rin  ang mga magulang na nagsusumikap upang maitaguyod sa pag-aaral ang kanilang mga pinakakamahal na anak.
Sa 44th Comencement ng Sta. Cruz National Highschool ay 4 sa aming mga students ang nakapagtapos.
Isa ito sa mga magandang resulta ng mga programa ng MAIT.  




                        Sa Pagkakataong ito ay masasabi ko na ang Mait ay nagsisimula ng maging isang magandang simbolo para sa mga katutubo upang tumayo sa sariling kakayanan at upang bumuo ng isang magandang pamayanan.

Mila




Wednesday, March 13, 2013

Uray

              Isang uri ng damo na kahit saang lugar ay matatagpuan,lalo na sa mga bukirin. ito din ay uri ng pweding pang ulam,at ito din ay magandang sangkap na maraming gamot sa ating katawan.Sabaw ng ugat ay kapaki-pakinabang sa paggamot ng tulo. Ang isang karaniwang sakit na nakuha sa pakikipagtalik na sanhi ng bacterium Neisseria gonorrhoeae; sintomas ay masakit na pag-ihi at sakit sa paligid ng yuritra. at ang binugbog na dahon ay ginagamit lokal para sa eksema. Ito ay kapaki-pakinabang din sa paggamot ng menorrhagia, isang abnormally mabigat o matagal regla, maaaring maging sintomas ng may isang ina bukol at maaaring humantong sa anemya.


                    Halaman ay ginagamit bilang isang expectorant at upang mapawi ang paghinga sa talamak brongkitis. Ito ay marami itong pangalan, Katuray, Uray, Kulitis at Amaranto. Kamakailan, ang aking kaibigan nagtanong sa akin tungkol kulitis. Naisip ko na ito ay isang "kulitiw" ng isang sakit sa mata na nailalarawan sa pamamagitan ng pamamaga ng takipmata. Pagkatapos siya bigyang-diin na ang kanyang Chinese boss ay naghahanap para dito dahil ang sinabi kulitis ng na-claim na lunas ng bato bato.

'rea'

         

Friday, March 8, 2013

Cultural Nights


                  Sa gaganaping Cutural nights sa Sta. Cruz Foundation Day sa darating na March 16 ay naghahanda ng isang presentasyon ang mga mga katutubong  mag aaral ng Sta Cruz National High school bilang pag papakita at pagkakakilanlan sa kanilang kultura. Ito ay isang sayaw kung saan ipinapakita ang paraan ng pagtatanim, paghahanap buhay,at buhay sa kabudukan. 
                   Makikita din dito ang kasiglahan at kontento sa pamumuhay nila na inilalarawan sa pamamagitan ng masayang pag-indak. Malaki ang maitutulong ng cutural night para sa mga kabataang katutubo na isabuhay ang kaugalian at bilang pag-alaala sa kanilang mga ninuno, at maipapakita parin sa mga tao ang mayaman nilang kultura at mapapayaman,pangangalagaan pa nila ito at hindi ikakahiya sa mundo.



Louisa

Wednesday, March 6, 2013


Sa ginanap na tatlong araw na seminar na  noong ika 2-4 ng Marso 2013 sa Kaven Mini Resort sa Mamburao Occidental Mindoro, ang Training na ito ay Organized by CDA. Ang training na dinaluhan ay tungkol sa Financial Management. Ang training na ito ay pangalawa pa lamang sa nadaluhan ng MAIT Cooperative. Ang dalawang facilitators na nagbigay ng lectures ay nagmula sa NATCCO. Ang NATCCO ay isa sa mga malalaking Cooperatives dito sa Pilipinas. 
Ang Naganap na training ay napakalaking tulong sa mga officers na dumalo sapagkat nalaman nila kung gaano kahalaga ng financial management sa isang kooperatiba.
Sa kaalaman ng lahat ang NATCCO ay bumuo ng party list at ito nga ang COOP NATCCO Party list, at kung mananalo man ang party list na ito ay magkakaroon ng tinig at lakas ang bawat Kooperatiba malaki man o maliit sa ating Gobyerno, Malaki ang maitutulong ng party list na ito kung sila nga ay mapalad na mananalo. Dahil kung sakali ito ang mapalad na nanalo may magandang tulong ito sa Mait coop upang muli naming ibalik ang aming nawalang pinagkikitaan.
Sa aming kalagayan ngayon ay napakahirap dahil ngayon pa lang kami nag sisimulang iangat ang negosyo ng Mait coop,nabanggit sa usaping ito na ibalik ang ukay-ukay. Pero may malaking problema,dahil noon halos 500 boxes isang buwan,ang dumarating na kahon sa amin ay halos wala na ding laman ang mga nadadala sa amin, dahil sa mga dinadaanan nito, ay halos binawasan na ang laman nito ang mga boxes na galing Japan ay malaking tulong upang gawin naming cash para sa pagtulong sa mga katutubong nangangailangan ng tulong, pambili ng gamot sa mga pasyente,Na dapat sana tayong mga kapwa Pilipino ang tumulong sa mga katutubong tulad nila, pero mismong mga Pilipino ang nag nanakaw ng mga tulong galing ibang bansa.,kaya kami na mismo ang gumawa ng aksyon para itigil ang pag papadala ng mga packages.

 Kaya kami ngayon ay nahihirapan kung saan kami kukuha ng aming pangunahing pangangailangan sa dami ng aming tinutulungang katutubong mga studyante, at mga pasyente. Ang kagandahan nito, sila ay magbibigay ng tulong sa amin na muling ibalik ang pagkakaroon muli ng ukay- ukay na negosyo, at nangangako sila na simula sa itaas at hanggang pababang ahensya nga ating gobyerno na dadaan ang mga packages ay hindi nila pababayaang buksan o bawasan.Pero pinag aaralan pa namin kung aming muling ipagpapatuloy ang aming dating pinagkikitaan, dahil marami pa uling proseso ang muli pagbabalik nito.



"rea"


Sunday, March 3, 2013

                                        Mga estuyante at ang aming bagong sewing machine

                 Tuwing sabado ay mayroon sewing machine class ang aming mga 3rd year and 4th year student upang magkaroon sila ng kaalaman sa pagawa ng kasuutan at kung may mga sirang kasuutan ang mga estudyante ay pwede na rin nila itong tahiin.ganun din matutunan din nila ang paggawa ng damit,bag at iba pa na pweding tahiin gamit ang makina.


       Ito ang aming limang bagong sewing machine na magagamit namin para makagawa kami ng mga bagong kasuutan na magagamit nila sa pang araw-araw na pagpasok.
      Dati ay mayroon  isa lamang na sewing machine na ginagamit at naghihintayan pa sila na matapos ang isa bago makagawa.
              Kaya ng dumating ang limang  sewing machine ay lubos ang pagpapasalamat namin sapagkat mas mapapabilis ang paggawa ng mga kasuutan at mas lalo pang matuto ang mga bata.
maraming salamat po!


Anesty,

Friday, March 1, 2013

Mayagos



                       Ang Mayagos ay isang uri ng halaman na karaniwang sumisibol sa tabi ng ilog. Ito ay may pinong dahon na mahahaba. Ang halamang ito ay matibay sa init ng araw at kahit sa panahon pa man ng tag-ulan ito ay nabubuhay anong laki man ng baha ay mayroon itong kapasidad na lumaban sa lakas ng agos sanhi ng baha. Ang kapaki pakinabang ng Mayagos na ito ay mabisang gamot sa high blood at rayuma.
                     Sa panahon ngayon ay unti-unti ng nauubos ang halamang ito sa mga ilog kung saan ang halamang ito nagiging kanlungan ng mga katutubo sa kanilang mahabang pag-lalakad sa mga baybaying ilog.


'Louisa'

Tuesday, February 26, 2013

Baglaw

Baglaw
         Ang baglaw ay isa sa mga inuulam ng mga katutubong mangyan, na nahuhuli nila sa ilog gamit ang balanan. Ang balanan ay ginagamit ng mga babaing sa panghuhuli, at sa mga lalaki ang ginagamit ay pamana, sa buwan ng tag- araw ang isdang ito ay masarap at mataba, kaya kadalasan sila manghuhuli. at ang paraan ng pag luto nito ay binakay, ang binakay ay niluluto gamit ay buho, na iniihaw sa katamtamang apoy hanggang sa ito ay maluto, ang tanging sangkap lang nito ay katamtamang asin upang magkaroon lang ng tamang panlasa. Kapag ito ay lumaki hanggang 4''inches ito ay wala ng ganang ulamin, dahil ito ay matigas ng kainin, kaya kadalasan habang ito ay maliit pa at nakabata pa niya, ito ay tamang tamang paraan upng pag ulam..

"rea"