Wednesday, March 6, 2013


Sa ginanap na tatlong araw na seminar na  noong ika 2-4 ng Marso 2013 sa Kaven Mini Resort sa Mamburao Occidental Mindoro, ang Training na ito ay Organized by CDA. Ang training na dinaluhan ay tungkol sa Financial Management. Ang training na ito ay pangalawa pa lamang sa nadaluhan ng MAIT Cooperative. Ang dalawang facilitators na nagbigay ng lectures ay nagmula sa NATCCO. Ang NATCCO ay isa sa mga malalaking Cooperatives dito sa Pilipinas. 
Ang Naganap na training ay napakalaking tulong sa mga officers na dumalo sapagkat nalaman nila kung gaano kahalaga ng financial management sa isang kooperatiba.
Sa kaalaman ng lahat ang NATCCO ay bumuo ng party list at ito nga ang COOP NATCCO Party list, at kung mananalo man ang party list na ito ay magkakaroon ng tinig at lakas ang bawat Kooperatiba malaki man o maliit sa ating Gobyerno, Malaki ang maitutulong ng party list na ito kung sila nga ay mapalad na mananalo. Dahil kung sakali ito ang mapalad na nanalo may magandang tulong ito sa Mait coop upang muli naming ibalik ang aming nawalang pinagkikitaan.
Sa aming kalagayan ngayon ay napakahirap dahil ngayon pa lang kami nag sisimulang iangat ang negosyo ng Mait coop,nabanggit sa usaping ito na ibalik ang ukay-ukay. Pero may malaking problema,dahil noon halos 500 boxes isang buwan,ang dumarating na kahon sa amin ay halos wala na ding laman ang mga nadadala sa amin, dahil sa mga dinadaanan nito, ay halos binawasan na ang laman nito ang mga boxes na galing Japan ay malaking tulong upang gawin naming cash para sa pagtulong sa mga katutubong nangangailangan ng tulong, pambili ng gamot sa mga pasyente,Na dapat sana tayong mga kapwa Pilipino ang tumulong sa mga katutubong tulad nila, pero mismong mga Pilipino ang nag nanakaw ng mga tulong galing ibang bansa.,kaya kami na mismo ang gumawa ng aksyon para itigil ang pag papadala ng mga packages.

 Kaya kami ngayon ay nahihirapan kung saan kami kukuha ng aming pangunahing pangangailangan sa dami ng aming tinutulungang katutubong mga studyante, at mga pasyente. Ang kagandahan nito, sila ay magbibigay ng tulong sa amin na muling ibalik ang pagkakaroon muli ng ukay- ukay na negosyo, at nangangako sila na simula sa itaas at hanggang pababang ahensya nga ating gobyerno na dadaan ang mga packages ay hindi nila pababayaang buksan o bawasan.Pero pinag aaralan pa namin kung aming muling ipagpapatuloy ang aming dating pinagkikitaan, dahil marami pa uling proseso ang muli pagbabalik nito.



"rea"


No comments:

Post a Comment