Tuesday, April 30, 2013

Araw ng Manggagawa

                 Ngayong araw May 1, 2013 ay ginaganap ang Araw ng Manggagawa (labor day). Ayon sa history ng Pilipinas unang ipinagdiriwang ang Araw ng Manggagawa noong, May 1,1903 na pinakamalaking rally sa harap ng Malacanan Palacestaged by the Union Obrera Democratica.( Democratic Laborer's Union) at ito  ay itilagang araw ng pamamahinga ng trabaho (regular holiday).



                          Sa init ng panahon ngayon karamihan ang mga tao ay napunta sa iba't - ibang lugar lalo na ngayong holiday, at bakasyon ng mga studyante, upang magsaya kasama mga kaibigan, barkada, kamag-anak at pamilya.   Happy Labor day po :)




"rea"

Wednesday, April 24, 2013

Guyabano

     Guyabano
               Ang guyabanong puno ay karaniwang taas ay nasa 5-7 metro ang taas. Ito ay punong prutas na berde ang kulay, at karaniwan din na tumitimbang ang bunga nito ay 2-5 ang kilo. at ang hugis nito ay hugis itlog na nasa 18 sentemetro ang haba nito na may manipis na balat at malambot ang loob nito,  at kung kakainin mo ay manamis namis at may maasim ang lasa nito, ang dahon nito ay maberde at may sukat na 7-20 sentemetro ang haba. Guyabano ay namumulaklak sariwang-sariwa, namumunga ito sa loob ng isang taon sa pag itan ng Mayo-Hunyo. Guyabano ay may isang nag-iisa na bulaklak na malaki, dilaw o maberdeng-dilaw ang kulay. Ang tatlong mga panlabas na petals ay malawak ovate na may hugis puso base, hanggang 5 sentimetro ang haba, at 3 sentimetro malawak.

                     Ayon sa aking nalalaman tungkol sa guyabano, ito ay magandang gamot sa mataas ang lagnat, itatapal ang dahon nito sa ating noo para mahibasan mabawasan ang init nito sa ating katawan, at ganun din po, ito po ay magandang gamot sa taong nauusog, ang usog po ang ibig sabihin, nababati ng taong nakakasalamuha mo, na bigla na lang sasakit ang tiyan at nasusuka, ang dahon nito ay ipapaamoy mo lang sa pasyente ay may pusibilidad na mawawala ang masamang nararamdaman. masarap ang prutas na ito, dahil aking nasubukan at napatunayan na gumaling ako sa pamamagitan ng mga dahon lang nito ay gamot na, lalo pa kaya kung ang bunga nito ay makain mo pa, na punong puno ng vitamina.



"rea"

Wednesday, April 17, 2013

Seminar

            Maraming salamat sa PNP- Philippines National Police, PDEA-Philippines Drug Enforcement Agency, NCIP-National Commission Indigenous People at sa mga ARMY nagbigay ng seminar sa aming mga katutubo, para sa peace in order, drugs at fraternity, nag papasamat po rin kami sa Brgy. Alacaak na nagpa unlak na magamit namin ang Brgy. hall na pinagamit sa amin upang pagdausan ng ng ginanap na seminar. Matagumpay na natapos at naging magandang simula sa mga kabataan naming mga katutubo ang seminar na ito, at ganun din sa mga magulang na dapat sila ang unang mag bigay ng pangangalaga sa mga kabataan upang mapayapang mamuhay at hindi sila lumabalabag sa batas. at magandang pagkakataong ito para sa ating mga katutubong unti- unti ng mamulat sa karangyaan.
Facilitator:  Paulo P. Cawayan isa sa mga katutubong nangangasiwa ng Mait Coop sa Calamintao.
Una nagsalita ang Taga NCIP  na si Karen Ignacio- Provincial Officer, ayon sa kanyang pagpapakilala, siya ay nagmula sa kuldelyera, ipaliwanag ang batas ng IPRA- Indigenous People Rights Act ang Batas na ito ay ipinatupad noong Oct. 29, 1997.
At sinundan ni Atty. Ulysses G. Bambo-  Legal Officer nagsalita siya tungkol sa IPRA, Drugs at ang social justice and human rights.
Sila ang mga katutubong dumalo sa seminar na ito.
Mga pulis ang bahagi ay peace & order, at tungkol sa mga gumagamit ng drugs, at nakalakip sa mensahe nila ay hindi pweding mag drive ang walang lisence, dahil karamihan na sa ating mga katutubo na nag mamaniho na walang pinanghahawakang lisensya.
At panghuling nagsalita ay ang PDEA- Phil. Drugs Enforcement Agency. ipinaliwang nila ang tungkol sa Drugs, ipinakita nila kung ano ang kahihinatnan ng mga taong gumagamit ng bawa na gamot, at tatlo lang ang patutunguhan ng mag taong gumagamit nito, una: bilangguan pangalawa: mental hospital at pangatlo: ay ang kamatayan. huwag na nating hayaan pang mamili sa tatlo, kaya umiwas na lang tayo gumamit nito.




"rea"

Thursday, April 11, 2013

Graduation

 Graduation


                  Ang mga batang nagsipag tapos sa Calamintao ay talagang kakikitaan mo ng kasiyahan  sa kanilang mga mukha ..dahil sa tinagal tagal na panahon ay ngayon lamang muling naulit ang ganitong seremonya sa lugar na ito..isa ako sa mga magaaral noon sa calamintao settlement Farm School.pero hindi ko naranasan ang doon mismo idaos ang aming pagtatapos.



Sila ang mga batang nagsipagtapos sa sa paaralan ng Elementarya ng Sitio Calamintao.
                              Isa sa mga nagtapos sa paaralang ito ay ang aking bunsong kapatid.masaya ako dahil sa aming magkakapatid siya lang ang bukod tanging nakaranas na magtapos mismo sa paaralang ito.dati ay ginaganap ang ganitong okasyon sa .Alacaak Elementary school mismo .Na kung saan ito ang paaralang nakakasakop sa paaralan ng calamintao.

                 Masaya ang lahat lalong lalo na ang kanilang mga magulang.Pati na din ang kanilang mga guro.

Sana ay magtuloy tuloy na ang ganitong simulain  sa Paaralang ito.



Lilibeth,

Wednesday, April 10, 2013

Sea wall

  Ito na ngayon ang sea wall sa Pob.I ng Sta. Cruz..ang ganda lalo na sa gabi ang liwanag dahil ang daming mga ilaw na nakapaligid, hindi katulad ng dati ito ay nagigiba ng alon tuwing darating ang malakas na bagyo, kapag tinamaan ito ng malakas na alon.. maliit pa ako noon ang layo layo pa ng dagat mula sa aming bahay, subalit habang lumilipas ang taon nag babago na, papalapit na ang dagat mula sa aming kinatatayuan ng aming tahanan, kaya kami ay nag pasya na lumipat at lumayo sa tabing dagat. 
Kaya sa ngayon nandito na kami  sa waray malapit sa opisina ng 21st Century Association. kung kaya't abot tanaw na ang aking pinapasukang trabaho... madali na makarating at malaman kung ano ang sitwasyon lalo na sa mga studyante naming katutubo na pumapasok sa paaralan..

"rea"

Wednesday, April 3, 2013

Penitensya

Tradisyon at pananampalataya.
                             Sa tuwing beyernes santo ginagawa ang aking asawa ang mag hampas sa likod, ang tawag ay penetensya isang pag sisisi ng mga kasalanan nagawa. At bilang pag galang nila sa pag hihirap ni Jesus hanggang mapako sa Krus ng dahil sa ating mga kasalanan.
                  Nang panahon ng hindi na naghampas ang aking asawa, matagal niyang nararamdaman ang sakit ng likod niya,  Ito na sana ang pagtigil niya sa pag hampas sa likod sa tuwing sasapit ang beyernes santo. bagamat ganun nga ang nararamdaman niya na parang hinahanap ng katawan niya ang mabawasan ng konteng dugo sa katawan niya., kung kaya't naging panata na niya ang gawin ito tuwing Beyernes Santo.



"rea"