Ito ay isang papular na kwento mula sa tribong iraya. Sa katauhan nina Alitawo, Diaga, maburway at Rumangiray.
Sila ang mga ninuno ng tribong Iraya dito sa Mindoro. Si alitawo ay isang mahusay na manunudla ng mga maiilap na hayop sa gubat kaya naman hindi mahirap para sa kanya ang panghuhuli ng mga hayop para sa kanilang pagkain.
Si Alitawo ang panginoon ng mga hayop sa gubat. At si Diaga ang pinagmulan ng mga babae ng mga tribung iraya na kakikitaan ng mahabang buhok na kulot kulot at may maitim na balat. Si Diaga ay Diyosa ng mga pagkain na kinukuha mula sa ilalim ng lupa tulad ng kamote, gabi, balinghoy,burot, at nami. Si Maburway ay mahusay sa pagkuha ng pulot .
At si Rumangiray ay napakahusay manghuli ng mga isda sa ilog sa pamamagitan ng pag dakip ng kanyang mga kamay.
Louish,
No comments:
Post a Comment