Wednesday, January 30, 2013

Laptop Computer
                        Ito ang laptop computer na pinamigay ng Pamahalaan ng Occidental Mindoro. Maswerting nakatanggap ang mga grade IV na studyante. Ito ay magandang simula upang mag aral ang mga bata na gumamit ng computer, apat ang aming studyanteng grade IV na katutubo ang nakatanggap ng laptop na ito.


Napakasweti ng mga batang tulad nila dahil sa panahon ngayon tumataas na ang antas ng kanilang kaalaman sa panibagong teknolohiya.
Sila ang mga studyante na pinagkalooban ng laptop computer. Ipinagkaloob noong  Jan. 29,2013


-Rea-

Tuesday, January 29, 2013

Paminta


  

  Sa Barangay Talabaan,Mamburao ay matatagpuan ang aming maliit na taniman ng paminta(black pepper), noon na ako ay maliit pa hindi ko alam kung anong halaman ang gumagapang na ito sa puno ng kakawate sa aming munting burol . nalaman ko na ang halamang ito ay hindi na kailangan ng ibayong pag aalaga sapagkat matibay ito sa init.Ang pag-aani nito ay depende sa panahon kadalasan umaabot ng halos isang taon bago mamunga batay ito sa aking karanasan.At kapag ito ay namunga kulay berde hanggang sa magkulay dilaw at pula na pwede ng anihin.pinapatuyo ito ng ilang araw hanggang sa magkulay itim na. Ang paminta ay ginagamit natin sa ating pang araw-araw na pagluluto upang maging masarap at mabango.

 
Anesty,

Monday, January 28, 2013

Salsalida





Salsalida ang tawag nito sa amin, isa itong uri ng damo na kulay berde, ang lasa nito ay katulad sa ampalaya na mapait, Sa pagluluto nito ay hindi kailangan na matagal, mainam itong iluto ng mga ilang sandali upang hindi maging masyadong mapait.


Ito ay kadalasang tumutubo sa palayan at sa gilid ng malinis na sapa kapag patuyo na ang tubig, kasama itong tumutubo ng  mga damo.

 Simula sa buwan ng Disyembre hanggang enero  ay pwede na itong kuhain, katulad ng nasa larawang ito kapag ang salsalida ay matanda na, ang lasa nito ay napakapait na, kaya masmainam na mura pa ang salsalida upang hindimasyadong mapait.

Mila

Friday, January 25, 2013

Euphorbia


EUPHORBIA




Ang euphorbia ay isang halaman na nagtataglay ng maraming tinik at sari saring  kulay ng bulaklak na nagdudulot kasiyahan sa paningin ng tao at nakapagbibigay ito ng magandang tanawin sa paligid. kadalasan ang halamang ito ay nakatanim sa paso bakit kaya? Marahil dahil sa kanyang mga tinik na pwedeng makapanakit ng tao o di kaya naman ay kailangan ng kalinga. Ang halamang ito ay maiihalitulad ko sa mga katutubo na kinarurumihan, iniiwasan dahil sa masangsang na amoy dala ng kamangmangan na gumagapos sa kanila  sa kahirapan ng buhay. Ang paso ay ang kooperatiba na nagsisilbing pananggalang sa kung sino mang dumideskrimina sa mga katutubo dahil sa pamamagitan ng pag-kakaisa ng dalawang tribong ng katutubo sa bayan ng Sta. Cruz.


Louisa

Tuesday, January 22, 2013

"Palaro"
                      Ang aming BATCH 1992-93 Sta. Cruz, National High School.  Sa aming reunion noong nakaraang Dec. 27, 2012 ay aming ginanap sa Villa Andrea dito sa Dayap Sta. Cruz, Occidental Mindoro..
(left Rea middle Merriam right Lorie) ang nasa kanang larawan ay nag bigay sa amin ng T-shirt na aming sinusuot, Siya ay nang galing sa LONDON.

          Ang saya saya ng aming reunion, Nagkitakita kami ng aming mga kaklase noong kami ay nasa Mataas na paaralan, nagkamustahan ang karamihan sa aming Batch ay mga propesyonal, at ang iba ay nangibang bansa. maraming nabago,maraming nangyari, may malungkot at masayang karanasan ang naibabahagi namin sa isa't isa. at kung babalikan ang mga nakalipas namin noong kami ay high school, napakasaya, tawanan....
May mga palaro pa kaming ginawa, nakakatuwa kasi paligsahan kami kung sino ang makakatapos sa pag ikot ang aming group. kapagod, palibhasa hindi sana'y na tumakbo ng matagal na oras, kaya halos mapugto ang hininga ko sa pagod. Marahil dala na ng edad. (matanda na!) sa April 2013 ang aming susunod na pag kikita, ang binabalak namin ay mag karoon ng medical mission sa lugar ng mga katutubo. hanggang dito na lamang, sa April na lang ang aking susunod na kwento. Maraming salamat po... Rea

Monday, January 21, 2013



Balanan







             Isa ito sa mga tradisyonanl na ginagamit ng mga Mangyan sa panghuhuli ng isda, sa ilog at sa sapa. Ang balanan ay kadalasang  yari sa uway o sa pedlis, Maraming pweding pag-kagamitan ang balanan hindi lanang sa panghuhuli ng isada, ginagamit din ito para sa paghahakot ng mga ibang produkto at minsann naman ay ginagawang lagayan ng mga gamit ng mga katutubo,. Noong maliit pa ako natatandaan ko rin inilalagay din ako ng nanay ko sa balanan sa tuwing napunta kami sa kaingin at kahit sa ilog.,katulad din ngayon hindi pa rin nagbabago ang mga katutubo  sa pag-gamit ng balalanan malimit pa rin itong makikita na ginagamit nila sa pang-araw-araw na Gawain nila.



          Ganito ang paggamit ng balanan para sa paghuli ng isda.
Mila


TAMBALANG(SEAWEED)





           

           Tambalang (seaweed) ito ang hanapbuhay o pinagkakakitaan  ng  mamayan ng  Ilin San Jose Occidental Mindoro isa ito sa yaman ng San Jose. Ang seaweed ito ay tinatanim sa ilalim ng dagat sa loob ng 3 buwan  hanggang  ang mga galamay ay dumami at gumulang ito ay nakatali   ng nylon at nakalutang sa dagat na mayroong bakod na kawayan dapat na tamang tama lamang  ang distansiya ng bawat Tambalang napakaganda sapagkat napakaberde ng kulay nito. Bangka ang ginagamit nila sa pag aalaga upang maikot ang buong Tambalang Farm. Ito ay pinapatuyo nila sa loob ng 3 araw  upang  maging process product. tulad ng Slipper, Goma, Timba at iba pang mga ginagamitang plastic. Ngayon ko lang nalaman at nakita na ito pala ay maraming kapakinabangan.



anesty,

Thursday, January 17, 2013

Bukal



ito ay isang tubig bukal na matatagpuan sa lugar ng mga katutubo ng Occidental Mindoro.
Ang nasabing bukal ay napakaganda at napakayaman sa lamang tubig tulad ng mga isda,hipon,igat at iba pang mga laman sa bukal na ito.kadalasan ito rin ay pinagkukunan ng tubig inumin ng mga taong malapit at nkatira sa lugar na iyon.maari rin naman na maligo sa naturang bukal,dahil sa ito ay malamig at may kalamigan kung kayat marami ang nagagawi sa bukal na ito para manghuli ng isda at para maligo.
Maraming mga tao ang nagpapabalik balik sa bukal na ito dahil sa kakaibang ipinakikita ng  nasabing bukal
 Nakatutuwang isipin na sa lugar na ito ay may ganito kagandang tubig bukal na pwedi pa nating pagyamanin alagaan at ipagmalaki.  Masaya kaming naliligo, kasama ko ang aking mga kaklase at mga guro.
beth

Tuesday, January 15, 2013

Ito ay lugar sa Calomintao na kung saan sinimulan na ang paggawa ng Health Center doon, nakakatuwang isipin dahil sa tagal ng panahon ang lumipas at hirap ng kanilang nararanasan sa tuwing sila ay may Karamdaman, mag kakaroon na sila ng malapit na pagamutan.
 Bagamat sa kasalukuyan ay may permamenting Doktor na dito sa Bayan  at halos apat na Doktor ang nag papalitan sa loob ng isang buwan. Hindi katulad ng nakaraang buwan sa tuwing mayroon kaming ipapagamot walang Doktor na mag aasikaso at gagamot sa pasyente, kung hindi dadalahin pa sa karatig bayan doon pa sa Mamburao Provicial Hospital. Kaya bago pa makarating ang pasyente lalo na't Emergency case, hindi na rin makakarating ng buhay, sa sobrang layo ng kanilang lugar. Kaya sa  ngayon, sinisimulan pa lang ang ginagawang pagamutan, bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan.. 

Kung kaya kami ay lubos na nag papasalamat sa mga may kaugnayan ng programang ito, dahil magiging madali at kahit papaano mababawasan, ang pag aasikaso namin sa mga pasyenteng nag papatulong sa aming magpakonsulta sa Hospital... ..
                                                                                                               Mabuhay po tayong lahat!.....                                      


                                                                                                                              Rea

Organic Market

                                       
                                                  Organic na Ampalaya , sitao at kamatis

   

                       Ito ang aming munting organic market, bukod pa sa pwesto namin sa palengke ay muli kaming nagtayo na isa pang maliit at cute na talipapa dito sa tapat na aming opisina. Kahit na maliit ngunit lagi naman puno ng mga oganic na gulay na nagmula pa sa aming demo farm, kaya naman ang aming mga students ay aliw na aliw sa pagbabantay at pagtitinda kasi nga bukod sa malapit na sa dorm ay marami pang mga galanting suki na nagmumula pa sa gitna ng bayan, Sila ang mga suki naming na very conscious sa kanilang health. Kaya halina na rin po kayo sa aming organic talipapa.
http://www.facebook.com/21stCenturyAssociation

Liam

Monday, January 14, 2013

Pasyente mula sa tribong Alangan


            Sila ang aming pasyente na mula sa Tribo ng mangyan Alangan na nagmula pa sa kabundukan ng Ligwayan,Barangay Dayap Sta. Cruz   bumaba sila ng bayan upang humingi ng tulong para malunasan ang kanilang sakit subalit sa kasamaang palad nahirapan kami sa kanyang kaso ng karamdaman dahil dati pasyente sya namin ng TB noong taong 2008 nalulungkot kami kasi sa tingin namin bumalik ang kanyang TB. kasi sobra nyang payat,inuubo, sumasakit ang kanyang likod, nahihirapang huminga sa loob ng limang buwan. Napakabata nya pa para maranasan ang kanitong karamdaman tapos mayron pa syang anak na halos isang taon pa lamang na dumidede sa kanya.
        Kaya nandito ang aming association ang 21st Century Association na tumutulong sa pag-aasikaso sa  kanila sa pagpunta sa  Health Center at Hospital dahil kapag sila lang ang pupunta hindi agad sila inaasikaso dahil hindi sila maintindihan at makausap ng ayos dahil minsan di sila makaintindi ng tagalog at di rin sila maintindihan dahil sa kanilang linggwahe. kapag tapos na namin silang mapacheck up inaayos namin ang kanilang mga gamot at ipinapaliwanag namin kung paano ito inumin hindi namin sila pinababayaan hanggat di nagiging ayos ang kanilang kalagayan. kaya umuuwi sila ng walang pangambaat may tiwala sa aming serbisyo. 




anesty,

Friday, January 11, 2013

Kwentong katutubong Iraya


                Ito ay isang papular na kwento mula sa tribong iraya. Sa katauhan nina Alitawo, Diaga, maburway at Rumangiray.
Sila ang mga ninuno ng tribong Iraya dito sa Mindoro. Si alitawo ay isang  mahusay na manunudla ng mga maiilap na hayop sa gubat kaya naman hindi mahirap para sa kanya ang panghuhuli ng mga hayop para sa kanilang pagkain.
               Si Alitawo ang panginoon ng mga hayop sa  gubat. At si Diaga ang pinagmulan ng mga babae ng mga tribung iraya na kakikitaan ng mahabang buhok na kulot kulot at may maitim na balat. Si Diaga ay Diyosa ng mga pagkain na kinukuha mula sa ilalim ng lupa tulad ng kamote, gabi, balinghoy,burot, at nami.      Si Maburway ay mahusay sa  pagkuha ng pulot .
                At si Rumangiray ay napakahusay  manghuli ng mga isda sa ilog sa pamamagitan ng pag dakip ng kanyang mga kamay.



Louish,

Thursday, January 10, 2013


Mait Organic Vegetables



 Dahil sa pagtitiyaga at pagsisigasig ng membro ng Mait Cooperative ay ito ngayon bunga ng mga pinaghirapan. Isa ako sa mga nagtitinda ng mga gulay na ito, at naranasan ko kung gaano kahirap mag benta ng mga gulay sa panahong ito, dahil sa dagsaan ang mga gulay na nanggaling sa iba't ibang lugar. Ngunit dahil sa Organic ang mga gulay namin ay nakakapag benta kami ng mas higit sa ibang may gulayan sa loob ng Palengke. At dahil sa pag titinda ko, marami na rin akong mga kakilala at naging suki na namin.
Ito ang mga produkto na tinitinda namin katulad ng sitaw, talong, okra, kalabasa, ampalaya at marami pang-iba. 


ybeth

Tuesday, January 8, 2013

Balon

January 9,2013 Nagpunta kami sa Calomintao para mag bigay ng Meeting sa mga magulang ng aming mga studyante, tungkol sa Programa ng Mait cooperative. Ito ay isa sa Programa ng Mait, ang gulayan sa  Demo
Farm, Sa kasalukuyan ang dami na ng naaning gulay sa Demo Farm, Ito ang patunay na may pakinabang na ang pag susumikap ng mga magulang upang itaguyod ang mga batang mag aaral na supportahan ang kanilang mga anak na nag aaral sa Bayan.

Gumawa sila ng munting Balon upang may pag kukunan ng tubig pandilig sa mga halaman. Ito pa lamang ang simula ng kanilang adhikain upang pag dating ng panahon sila ay magkaroon ng water pump.
Sa halip na mga bagong tecnolohiya ang gagamitin, hindi pa rin hadlang ang umani ng madami kahit na may natural na kagamitan. Ang panalok ng tubig sa balong ito ay tinatawag na Kalo, kaya kung ating titingnan at susuriin ang pangalan ng lugar ng Calomintao ay dito hinango sa original na tradisyong pinagmulan ng pakuha ng tubig ang Kalo. 
Tingnan ninyo at pagamasdan. Nakakatuwang tingnan ang sitaw na ito, simbolo ng Nota,                                      kahulugan ay musika. 

Maraming salamat po!     Rea

Monday, January 7, 2013

Pamahiin ng Irayang katutubo




Pamagpag

             ito ay isang pangako ng mga magulang o kaanak ng isang taong may matagal ng karamdaman, ang ritwal na ito ay ginagawa lamang ng mga matatanda o ng isang amay o manggagamot, habang pinahahaplos ang mga pakpak ng manok sa taong may karamdaman ang Amay ay nag-darasal. At kapag natapos na ang ritwal ang manok na ginamit ay papakawalan at hahayaan mamatay sa katandaan.


Pamago


Ito ay isang tradisyon ng mga tribong iraya, ito ay ginagawa sa unang pagkain ng palay kaingin, sa unang pagtikim ng palay kaingin ay nagpapatay ng manok o kaya baboy bilang pasasalamat sa Apo Iraya o sa Dakilang lumikha.


Peda-peda

       Ito ay ginagawa ng mga magulang na galing sa gubat, ilog o saan mang lugar, ang mga magulang ay didiretso muna sa abuhan upang kumuha ng abo at isasaboy sa tapat ng pintuan upang bulagin ang mga masasamang isprito at upang hindi makasunod sa loob ng tahanan, kasabay ng pagsabog ng abo ay babanggitin ang salitang peda-peda.

lagyo-lagyo

    Ito ay kadalasang ginagawa ng nanay tuwing sasapit ang dapit-hapon, Ang lagyo-lagyo ay ang pagtawag sa mga kaluluwa o abyan ng mga anak upang tipunin o ang pag-papauwi ng mga kaluluwa sa tahanan.


Liam