Monday, May 2, 2011

Karapatan ng mga Katutubo sa sistemang pang-Edukasyon



Sa ngayon halos nawawala na ang karapatan ng mga katutubo, Tulad na lang sa kabuuang sistemang pang-edukasyon. Ang estado, sa pamamagitan ng NCIP (national commission indigenous people) ay magbibigay ng husto, sapat at kabuuang sistemang pang-edukasyon na angkop sa pangangailangan ng mga bata at kabataang katutubo. At pagkakalooban ng estado ang mga katutubong pamayanang kultural/ katutubong pamanayanan ng walang kilik at pantay na pagkakataon sa pangkalinangan sa pamamagitan ng sistemang pang-edukasyon, pampubliko o pribadong mga lupong pangkalinangan, iskolarship, tulong pinansyal at iba pang pabuya nang walang pagtatangi at walang pinsala sa kanilang karapatang magtatag at pamahalaan ang kanilang sistemang pang edukasyon at mga linangan/institusyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon sa SARILING WIKA, sa isang paraang angkop sa kanilang pamamaraang pangkalinangan sa pagtuturo at pag-aaral. Ang mga katutubong bata at kabataan ay may karapatan sa lahat ng antas at anyo ng Edukasyon ng Estado.



rbt

No comments:

Post a Comment