Thursday, May 26, 2011
ANG BUHAY NG MGA KATUTUBO
Ang buhay ng mga katutubo ay masaya lalo na sa panahon ng tag-araw, sapagkat madali nilang makukuha ang pang-materyal na pangangailangan.Tulad ng pagkain, kasuotan,kagamitan sa bahay, at iba pa. Dahil masagana sila sa mga produkto na kanilang iniluluwas sa bayan para ipagbili. Sa pamamagitan nito ay nagiging matiwasay ang kanilang buhay. Maliit man ang kanilang pamayanan.
Elmer
Tuesday, May 24, 2011
Nais kong Makapag-aral sa kolehiyo
Ako po si Emma R.Ramos katatapos ko lang po ng high school noong April 1,2011 at sa tulong po ng 21st Century Association, Kung bakit ko po nalampasan ang pangalawang yugto ng aking pag-aaral sa ngayon po ay nandito ako as a volunteer staff na siguro ito ay simula ng aking magandang karanasan upang maging matatag at matutong tumayo sa aking sarili.kaya hangad ko parin ang makapag-aral sa college sa kursong nurse dahil alam ko na ito yong makakatulong sa aking sarili at sa kapwa kong katutubo dahil alam ko kung gaano kahirap ang sitwatsyon kapag sila ay nagkakasakit isa na dito ang problema sa panggastos sa pagpapagamot dahil sa kahirapan sa buhay,at malayo sa hospital kaya isa ito sa mga dahilang na ganito ang kurso kung gustong pag-aralan.
Emz
PANINIWALA NG MGA MANGYAN
ako ay isang mangyan alangan nakatira ako sa kabundukan ng amnay. ng 2001 bumaba ako sa bayan ng sta cruz,gusto kong malaman ang globo ng ating mundo,kasi madalas nilang pinagusapan ng mga matatanda naming mangyan ang ating mundo raw hindi bilog.ito raw ay lapad sapaligid daw bangin,kaya nag-aaral ako ng elementary anggang kolehiyo,para malaman ko ang mundo natin. pero nabigala ako ng aking natuklasan ng tungkol sa ating mundo,at ito pala isang bilog tulad ng balla,kaya mula sa natuklasan ko pinaliwanag ko sa kanila na mali ang paniniwala nila, at ngayon ang mga kabataan ng mangyan alangan unti-unting na nag-aaral para malaman nila ang paniniwala ng mga matatandang mangyan pamaiin O ang katutuhanan.
Roel
Roel
Ang Buhay ko sa Kolehiyo
Ang buhay ko simula ng nag-aral ako sa kolehiyo.Doon ko naranasan ang maraming pagbabago sa buhay ko,naranasan kong tumayo sa sarili kong paa.Sa simula sobra akong nahirapan at masyado akong mahiyain,pero hindi nagtagal naging madali na din para sakin ang lahat at nawala na rin ang pagiging mahiyain ko, dahil nalaman kung walang mangyayari sa aking buhay kapag ipinagpatuloy ko ito.Yun ay dahil sa mga bagay na natutunan ko sa aking buhay katulad ng kung paano makisalamuha sa ibat ibang uri ng tao.Kaya naisip kung baguhin ang mga pangit kung pag-uugali para sa magandang kinabukasan.
Lilibeth Bernardo
Lilibeth Bernardo
Thursday, May 19, 2011
BATAS IPRA
(BATAS NG REPUBLIKA BILANG 8371)
Batas na kumikilala, Nagtatanggol at, Nagtataguyod sa Karapatan ng
Katutubong Pamayanang Kultural/Katutubong Pamayanang Pilipino,
Nagbubuo ng Pambansang Komisyon para sa Katutubong Pilipino,
Nagtatadhana ng Kaukulang Kaparaanan sa Pagpapatupad at Naglalaan
Ng Gugulin para dito sa para sa iba pang Layunin.
Mayo 18, 2011 ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyalis ng Baranggay Alacaak, mga staffs ng NCIP at ang mga katutubong naniniahan sa Calomintao at mga katutubong karatig pook, upang maliwanagan at maunawaan ng bawat isa ang tungkol sa batas ng IPRA.
Napakagandang simulain ito para sa mga katutubong mangyan na mapangalagaan ang kanilang lupang ninunu, at upang maipagpatuloy din ang mga kulturang kanilang kinagisnan, at maputol na rin ang diskreminasyon sa pagitan ng mga katutubo at mga taga patag. At upang maipaglaban din nila ang kanilang karapatan.
Smile
Wednesday, May 11, 2011
Sagala
Sa buwan ng Mayo ay ipinagdiriwang ang tinatawag na mayo mayohan may mga reyna elena na gumaganap, ang nagdiriwang ng ganitong likhain ay mga binubuo ng pamayanan sa simbahan ng katoliko. Masaya ang mga tao sa pag nagdiriwang ng ganitong okasyon,karamihan ang mga gumaganap ng ganitong okasyon ay mga Kabataan at sa kanya kanyang pamayanan ay may ginaganapan..
rbt
Monday, May 9, 2011
Luya
Ang Luya ang maraming nadadalang panggamot sa ating katawan, pwedi rin itong pang sahog sa ating pagkaing niluluto tulad ng tinolang manok, skabitse at marami pang menu na dapat lutuin, Ang Luya ay maraming pweding gawin, tulad din ng tea na tinatawag na salabat. Ito rin pangunahing tanim ng ating mga katutubo sa kabundukan, at ito rin ang pangunahing kinukuhanan nila ng pagkain na kanilang tinitinda sa kabayanan.
Thursday, May 5, 2011
BUHAY NG MANGYAN ALANGAN
Ang buhay ng mangyan alangan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na mangyan alangan at mabigyan ng magandang kinabukasan ng aming buhay ay naisipan namin ito.kong gawain ang bumaba sa kabundukan ng amnay para mag-aaral sa kabayanan. ay sa dahil hindi kami makabili ng sapat namin pangangailangan sa school, ay kaya minarapat namin humingi ng tulong sa 21st Century Assosation, sa bayan ng Sta Cruz, tinanggap nga kami rito. Ngunit napakalaki ang naitutulong sa lahat ng mga mangyan ng alangan. Mula noon nag-aaral kami ng ibat- ibang language tulad ng arabic at Espanyol English kaya ng dahil sayon ay hindi lamang na gaya ng dati at madaling maluko sa mga paninda namin basket.napakahirap ang buhay ng mangyan tulad namin, buti may pusong ginintuan handang tumulong ng walang kapalit. Salamat sa 21st Century Association ng Japan.
ROEL
ROEL
Pagbabayo
Ang pagbabayo ay kulturang katutubo, dito isinasagawa ang paggiging bigas ng palay. Dahil sa malayong lugar ng kanilang kinaruruonan walang makinang gumagana para magiling ang kanilang mga palay. kaya sa pagbabayo dito nakasalalay ang kanilang pagkain sa araw-araw, ang pagbabayo ng palay upang maging bigas. halos paminsan minsan lang ang trabahong ganitong pamamaraan, dahil halos ang pagkain sa bundok ay kamote, nami at mga prutas na kanilang pananim sa kabundukan. At kapag minsan sa pagbaba nila sa kabundukan upang mag tinda ng kanilang produktong ginagawa, nakakakain sila ng ibang pagkaing galing sa kapatagan.
Tuesday, May 3, 2011
Pangarap
Maraming mataas ang pinapangarap, subalit walang masama kung nangangarap ang isang tao kung nangangarap man ito ng super taas, sabagay walang imposible kung tayo ay mangarap ng ganito, dahil sa kasabihan nga daw, wala namang bayad kung maatas tayo mangarap. May mga pangarap na natutupad at may hindi natutupad. subalit napakasarap at masaya ang mga nararating ang pangarap sa buhay. Kaya galing ka man sa mahirap na pamilya, walang imposible kung ito ay kagustuhan ng isang tao, pag gusto talaga ay may paraan,kaya walang imposible sa taong may kagustuhan....
rbt
Monday, May 2, 2011
Karapatan ng mga Katutubo sa sistemang pang-Edukasyon
Sa ngayon halos nawawala na ang karapatan ng mga katutubo, Tulad na lang sa kabuuang sistemang pang-edukasyon. Ang estado, sa pamamagitan ng NCIP (national commission indigenous people) ay magbibigay ng husto, sapat at kabuuang sistemang pang-edukasyon na angkop sa pangangailangan ng mga bata at kabataang katutubo. At pagkakalooban ng estado ang mga katutubong pamayanang kultural/ katutubong pamanayanan ng walang kilik at pantay na pagkakataon sa pangkalinangan sa pamamagitan ng sistemang pang-edukasyon, pampubliko o pribadong mga lupong pangkalinangan, iskolarship, tulong pinansyal at iba pang pabuya nang walang pagtatangi at walang pinsala sa kanilang karapatang magtatag at pamahalaan ang kanilang sistemang pang edukasyon at mga linangan/institusyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon sa SARILING WIKA, sa isang paraang angkop sa kanilang pamamaraang pangkalinangan sa pagtuturo at pag-aaral. Ang mga katutubong bata at kabataan ay may karapatan sa lahat ng antas at anyo ng Edukasyon ng Estado.
rbt
Subscribe to:
Posts (Atom)