Monday, March 28, 2011

unti-unting pag-angat ng katutubong Mangyan





March 25, 2011 ay meron muli ng nakapagtapos ng kursong midwifery ang isa sa mga studyante na pinag-aaral ng 21st cenury association, isa itong napakalaking karangalan para sa association, at napakagandang modelo para sa mga katutubong mangyan upang mamulat ang kanilang kaisipan tungkol sa edukasyon.
ito ang simula ng unti-unting pag-angat ng mga mangyan, upang ipakita sa karamihan na kaya rin nilang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay,


smile

Friday, March 25, 2011

HIWAGA NG BUHAY


ang araw at gabi ito ba gawa ng diyos. kasi maraming katanungan sa buhay ko. ang una kong katanungan ang araw ba may kaugnayan sa buhay ng tao para makapag tarabaho.
O ang gabi naman isa rin palaisipan sa buhay ko. bakit ba may gabi? ito ba para sa pamamahinga ng mga tao. iyan ang aking katanungan kasi maraming taong nag tatanong mahihirap daw ang buhay. sino ba ang maykasalanan ang tao ba o ang maylumika satin. kaya hindi ko alos mahoonawaan ang gabi at araw may kaugnayan ba sa buhay ng tao.ituba binigay sa aatin ng diyos. bakit ganoondin ba ang ating buhay minsan ba masaya at minsan malungkot. bakit ang buhay ng tao katulad ba ng gabi at araw? kasi napansinko sa buhay ko walang pinag kahiba katuladin ng gabi at araw.

MGA PRUTAS AT GULAY




Ang prutas at gulay ay kailangan ng ating katawan,ito ang syang nagbibigay ng resistensya at nagpapahaba ng buhay.Sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at sa maayos na pamamaraan,kapag kakain laging tandaan kung ang pagkain sa hapag kainan ay kumpleto,tulad ng tatlong uri ng pagkain"GO,GLOW at GROW foods"Para maiwasan ang sakit ay laging mag-ehersisyo tuwing umaga upang ang ating katawan ay manatiling maganda at hindi lambutin.Nararapat din na magtanim ng mga gulay at prutas sa ating bakuran.
Ito rin ang pangunahing kailangan ng ating katawan.

Tuesday, March 22, 2011

Nakakalungkot


Ang aking damdamin sa nangyari sa Japan, noong nakita ko sa news sa tv at sa enternet talagang nakakapantindig balahibo, subalit napakalakas ng loob ang mga tao doon, kaya lubos akong nalulungkot sa mga nangyari. Tulad na lang ng: ang mga sponsor o mga nag papadala dito sa amin ng mga donasyon or package ay mga galing Japan, upang suportahan ang mga katutubong nag aaral dito sa 21st Century Association.. Subalit ang mga tao doon ay hindi tumitigil sa pagtulong sa mga kapos palad na mga katutubong walang kaya sa pag papa-aral ng kanilang mga anak, lalo na ang mga may sakit na dinadala dito upang ipagamot. Maraming salamat at sa kabila ng lahat ay patuloy pa rin sa pag suporta upang maipagpatuloy ang nasimulang adhikain ng mga katutubo.. maraming maraming salamat po...




Rbt

Monday, March 14, 2011

Sambong (halamang gamot)




Ang sambong ay isang halamang gamot na ginagamit ng mga katutubong mangyan Alangan at Iraya.
Sa mga tribong Iraya ang sambong ay ginagamot sa ubo, nilalaga ang dahon nito at ang pinaglagaan ay iinomin.

Sa mga tribong alangan naman ay ginagamit ito sa sakit ng tiyan, nilalaga ang mga dahon nito at ito ang iinumin.


Smile

Wednesday, March 9, 2011

PAGIBIG

PAGIBIG
Uumiibig ako sa isang babae, diko mapigil- pigil ang pusukong ito’y parang bagyo. Padir ang nakaharang kaya kong lusutan wagmong kimkimin ang bawat naramdan. Sa hirap itago ang iyong pusong nagmamahal baka pumutok tulad ng bulkan. Sa buhay mo laging nagiisa sa gabing malamig walakang kasama kaylapad ng kumot walang kasukob. Sa paligid ng bahay purudamo walang katulong walang kasuyo.

ROEL

ANG KAGUBATAN

ANG KAGUBATAN
Ang kagubatan yaman ng kalikasan dito tayo nabubuhay sa pagbibigay ng sariwang hangin. Nalalanghap natin ang bango ng bulaklak nagmula sa ibat ibang puno. Kaya’y ang bawat puno’y biyaya ng kalangitan wagnating sirahin pampigil sa baha sa mga ilog natin. tungkulin niya gagampanan sa dagat at ilog kahoy ang pampigil ng kapaligiran pagasa ng tao sa sunod na enirasson nating kabataan,kaya’y tulong tulong sa pag sulong para sa kabutihan ng bawat tao ng Ating mga kabataan wag nating ayaaan sirahin ang mga punong kahoy ay ating alagahan.

Ang mga ibon ay kaysaya nilang lumipad sa gitna nang kagubatan, kaydami ng mga bungang kahoy ang kanilang matitikman,

Roel

Wednesday, March 2, 2011

BAHAG

BAHAG
Dati ako”y nakabahag walang damit tanging bahag lamang ang saplot sa boong aking katawan. sa hirap ng buhay minsan ako”y lumisan sa toktok ng bundok hanapin ko”y ang aking kaparalan. Sa paglisan ko”y dalangin ko”y sanay ay matagpuan ang magandang kapalaran. natupad ang lahat ng ako”y pumasok sa schuwelaan,bahag ay aking kinalimutan sa paglipas ng mga taon gustuko”y na maka tulong sa aking kauri nang lahat ng aking natutunan Sa nayon kong pinagmulahan. ayawkong matulad sa musmus kong kaparalan bumasa at sumulat at hindi ko alam. 21 st Century ASS. Ang aming sandigan ilaw nang aming pupuntahan. Nag aaral ako”y hindilamang sa pansariling aking kapakanan gustuko”y ang bundok ng aking linisan tumahas ang antas ng mga kabataan..

ROEL