Saturday, October 30, 2010

Tagalog na nakapag asawa ng Mangyan


Ako ay si Albert Andales isang tagalog, Ako ay taga Calintaan Occidental Mindoro. Nag-aral ako sa San Jose,ng college sa kursong Commerce,major in Management. Sa di sinasadya,hindi ko natapos ang kursong ito, Dahil dito ko nakilala si Rechelle na isang Mangyan, na schoolar ng 21st Century Association,Pareho kaming di nakatapos sa gusto naming nais na course. Sa ngayon may isa na kaming anak, at sa tulong ng namamahala sa Association na ito, tinanggap kaming maging staff dito, Naka assign Ako sa isang Project site sa bundok,na may Literacy Program ito ay sa Sitio Kamambuga, na tirahan ng mga katutubo. Masaya ako doon na nagtuturo sa mga katutubo, dahil kasama ko ang aking pamilya.. Maraming salamat po....

Thursday, October 28, 2010

Volunteer na Mangyan


Ako po si Carlo Bernardo,isa sa pinag-aral ng 21st Century Association na nakatapos ng high school at ngayon ay isa na akong volunter staff ng 21st Century Association kung minsan ako ay umaasikaso sa mga pasyenting mangyan na dumarating dito sa bayan at dinadala ko sa hospital para maasikaso din ng Doctor doon at kung minsan napunta ako sa project site sa amnay para sa literacy program, masaya ako na pinag- lilinguran ang kapwa ko katutubo.

Tuesday, October 26, 2010

Bakuna sa mga Katutubo



Noong unang panahon,hindi pa uso ang Bakuna sa bundok, kaya marahil ang daming nagkakaroon ng mga sakit na ma katutubo, At sa panahon na Hawak na ng 21st Century ang Amnay area dahil sa mayroong Literacy Program doon, dito na nag simula ang pag babakuna sa mga bata doon, Mahirap kombisihin ang mga magulang ng mga bata doon dahil sa takot sila sa karayom na binabakuna sa kanila, pero pamamagitan ng mga Guro na mga Volunteer Staff dito na nila nakombinsi o sumang-ayon patusukan ang kanilang mga anak. Hindi tulad noon ang daming nag kakasakit na mga bata at namamatay dahil wala pa sa kanilang tumutulong tulad ng asosasyong ito. Kaya may pumupunta at umaakyat na sa kanila, na taga Rural Health Unit para sila ay bigyan ng pangunahing bakuna, kasama ang Volunteers staff ng 21st Century Association upang paglingkuran at tulungan sila na malayo sa mga sakit.At tinuturuan silang maging malinis sa katawan at lahat ng nakakabuti sa kanilang katawan...

Maraming Salamat!


RBT

Thursday, October 21, 2010

Mag-ingat sa sakit....

Sa panahon ng tag-ulan marami ang nagkakasakit dahil sa dala ng maruming kapaligiran at maruming tubig na inumin at kinakain.Kaya maingat kami sa aming mga scholar na mga katutubo upang hindi sila magkasakit.Wastong kalinisan araw-araw ang aming itinuturo sa kanila upang makaiwas sa sakit na dala ng maulang panahon. maaring dahil sa napakarami nila madaling kumalat ang sakit sa bawat isa,maingat din kami sa aming inihahadang pagkain para sa kanila dahil ang katawan ng mga batang katutubo ay sadyang mahina at madaling magkasakit. dahil sa hindi sapat at hindi wastong pagkain ang kinakain nila araw-araw sa kanilang mga tahanan sa kani-kanilang lugar.

Monday, October 18, 2010

Ang Kolehiyalang Katutubo

">
Sa ngayon sila ang pinag-aaral ng 21st Century Association. Sinuportahan at Pinagtapos sa kanilang pag-aaral. Isa sa kanila ay nakatapos na ng Computer Science at ang isa ay makakatapos na rin ng Nurse sa susunod na taon. At ang isa ngayong March 2010 ay makatapos ng Midwifery. At sa kasalukuyan pumapasok ang isa ng Midwifery ngayon sa unang taon. Masaya ang mga ito dahil sa may mabait na sumusuportang mga Japon. At marami pa sa kanila ang nakatapos at ngayon ay may trabaho na sa Gobyerno.. Kaya maraming maraming salamat sa 21st Century Association sa kanilang pagtulong sa mga katutubong katulad nila.



RBT

Wednesday, October 6, 2010

Ang kapistahan ni San lorenzo Ruiz



Ang mga larawang ito ay kuha sa kapistahan ni San Lorenzo Ruiz na Patron ng pamayanang Kristyanong Katolikong mga Katutubo sa sito Calomintao.Tuwing Sept, 28 ng taon ang maga katutbong tribong iraya sa Sitio Calomintao Barangay Alacaak sta.Cruz Occidenta Mindoro ay nagkakaisa na ipagdiriwang ang kapistahan upang ang kani-kanilang mga anak ay mapabinyagan na maging isang Kristyanong Katoliko may ibat-ibang palaro silang binubuo upang maging masaya bawat isa bata man at matatanda pagkatapos ay samama rin silang kumain ng kanilang inihandang pagkain.


LJ