Thursday, September 23, 2010
Ang Pagmamahal sa kapwa
Sa mga panahon na ito marami sa mga kabataan ang naliligaw ng landas, marami sa kanila ngayon ang napapahamak dahil sa mga maraming dahilan na utos lamang ng kanilang mga mapusok na kaisipan, napapabayaan ang kanilang pag-aaral; dahil na rin sa mga masasamang impluwensya ng mga kabarkada, At sa panahong ito sa oras ng kanilang kaguluhan ng isip ay kailangan nila ng isang tao na tunay na iintindi para sa kanila, handang umunawa at magbigay ng mga moral na suporta, sapat na patnubay buhat sa kapwa ay isang napakalaking bagay sa kanila upang malaman at maunawaan nila ang mali at tama..
Ang pagmamahal sa kapwa ay isang biyaya mula sa itaas na kailangan nating ipamahagi sa mga nangangailangan, upang sila ay gabayan at ituwid sa anumang problema na kanilang tatahakin sa kanilang buhay.
smile
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment