Tuesday, September 14, 2010
Ang mga bata
Ganito ang buhay namin dito kasama ang mga estudyante, masaya,malungkot, nakakabored at minsan naman ay akakaasar na rin at nakakapikon talaga dahil sa sobrang kakulitan; pero sa kabila ng mga ganitong pangyayari sa buhay namin dito ay patuloy pa rin ang daloy ng masayang buhay.
Sa araw-araw Sama-sama kami sa pag-aaral, paglalaro,pagluluto,pagtatanim at ganun na rin sa pagkain. nakakaaliw kapag ganito ang ang mga nangyayari, pero minsan hindi na rin maiwasan na minsan ay may dumarating na mga problema sa kanila, Dahil sa malayo sila sa kanilang mga magulang at mga kapatid ay kami na rin tumatayo bilang isang nakakatandang kapatid nila, upang sila ay gabayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.Minsan mahirap din sila intindihin kasi nagmula sa magkaibang tribo at medyo magkaiba ang mga kultura na pinaniniwalaan at iba-ibang mga ugali; kaya kailangan na maging mahaba ang pasinsya at pang-unawa para sa kanila.nakakamiss ang ganitong pagkakataon kapag kasama sila,kaya minsan kapag nalalayo kami sa kanila ay parang napakahirap na damdamin ang hindi maipaliwanag, sobrang nakakalungkot talaga, siguro dahil narin sa halos dito na kami lumaki at nagkaisip.
smile
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment