Monday, September 27, 2010
Talahib
Ang talahib ay namumulaklak pag buwan ng August, September hanggang October. at sa tuwing namumulaklak ito at nanlugon ang mga bulaklak, kasabihan na uso na naman ang sipon, trangkaso lalo na sa mga bata..
RT
Sunday, September 26, 2010
Nami Ang pangunahing pagkain ng mga katutubo
Ang nami ang pangunahing pag-kain ng mga katutubo dito sa Mindoro,Ito ay mahirap kunin sa kanyang puno dahil ito ay maraming tinik at karamihan pa ito ay tumutubo sa kabundukan.Ito ay nakakahilo kung diriktang kakainin mula sa puno,kaya kailangan pa ng mga masusing paghahanda bago ito kainin.Pero ito ay masarap, lalo na kung may lahok na niyog at asukal, malinamnam ang lasa nito, at ito ay nakakabusog. Kaya ang mga katutubo ay sulit na pag may pagkaing ganito sa kanilang hapag kainan. chibugan na!.........
LJ
Thursday, September 23, 2010
Ang Pagmamahal sa kapwa
Sa mga panahon na ito marami sa mga kabataan ang naliligaw ng landas, marami sa kanila ngayon ang napapahamak dahil sa mga maraming dahilan na utos lamang ng kanilang mga mapusok na kaisipan, napapabayaan ang kanilang pag-aaral; dahil na rin sa mga masasamang impluwensya ng mga kabarkada, At sa panahong ito sa oras ng kanilang kaguluhan ng isip ay kailangan nila ng isang tao na tunay na iintindi para sa kanila, handang umunawa at magbigay ng mga moral na suporta, sapat na patnubay buhat sa kapwa ay isang napakalaking bagay sa kanila upang malaman at maunawaan nila ang mali at tama..
Ang pagmamahal sa kapwa ay isang biyaya mula sa itaas na kailangan nating ipamahagi sa mga nangangailangan, upang sila ay gabayan at ituwid sa anumang problema na kanilang tatahakin sa kanilang buhay.
smile
Monday, September 20, 2010
Ipil-Ipil
Thursday, September 16, 2010
Halamang gamot (Gumamela)
Ang gumamela ay isang halaman na pangkaraniwan nating makikita sa ating kapaligiran, kadalasan ang kulay nito ay puti,pula, pink at meron din kulay dilaw, napakaganda ng mga bulaklak nito; na akala natin ang gumamela ay isa lamang palamuti sa ating kapaligirin, ito pala ay meron din na katuturan para sa ating kalusugan.
Sabi ng mga matatanda na ang bulaklak ng gumamela ay isa sa halamang gamot para sa pigsa, dinidikdik ang mga bulaklak nito at itinatapal sa parteng merong pigsa.
MJ
ANG PAG-AARUGA SA KAPWA
Ang pag-aasikaso po ng taong may sakit ay mahirap,lalong-lalo na po kung malubha na ang sakit nito.Ako po si Joemil Catama,sa kasalukuyan po, ako po ang naging assign sa pag-aasikaso ng mga Mangyan na mayroong sakit.Dinadala ko po sila sa Hospital at kapag na-confine ay dinadalhan ko po ng pagkain,minsan po sa isang araw ay mahigit limang pasyente ang pumupunta,upang humingi po ng tulong para sa pagpapagamot ng sakit.
Tuesday, September 14, 2010
SIPA
Natutong mag computer
Dati po hindi ako marunong mag computer kasi wala pang computer sa panahon ko kaya po takot ako homawak ng computer sa tulong po ng 21st century association ako po ngaung ay marunong ng computer at mag blog at sa pagluluto po marami na akung alam dahil sa 21st century association kaya maraming salamat 21st century association sa tulong nila sa mga katutubo salamat.
Ang Bisekleta
Ang bisekleta dito sa Bayan ng Sta.Cruz ay hindi pangkaraniwan na sakayan ng mga kababaehan ,dahil mas gusto pa ng nakararami na sumakay sa mga pampasaherong behikulo at gumastos sa pamasahe,ngunit kung masasanay lamang sila sa pagsakay sa bisekleta ay maiwasan ang paglobo o labis na pananaba ng katawan lalo na sa mga kababaehan na kailangan ng ehersesyo araw-araw na nagiging sanhi ng hindi balanseng pangangatawan ng mga kababaehan na pangit ang hitsura at nagmumukhang dambuhala na sa katabaan.
LJ
Ang mga bata
Ganito ang buhay namin dito kasama ang mga estudyante, masaya,malungkot, nakakabored at minsan naman ay akakaasar na rin at nakakapikon talaga dahil sa sobrang kakulitan; pero sa kabila ng mga ganitong pangyayari sa buhay namin dito ay patuloy pa rin ang daloy ng masayang buhay.
Sa araw-araw Sama-sama kami sa pag-aaral, paglalaro,pagluluto,pagtatanim at ganun na rin sa pagkain. nakakaaliw kapag ganito ang ang mga nangyayari, pero minsan hindi na rin maiwasan na minsan ay may dumarating na mga problema sa kanila, Dahil sa malayo sila sa kanilang mga magulang at mga kapatid ay kami na rin tumatayo bilang isang nakakatandang kapatid nila, upang sila ay gabayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.Minsan mahirap din sila intindihin kasi nagmula sa magkaibang tribo at medyo magkaiba ang mga kultura na pinaniniwalaan at iba-ibang mga ugali; kaya kailangan na maging mahaba ang pasinsya at pang-unawa para sa kanila.nakakamiss ang ganitong pagkakataon kapag kasama sila,kaya minsan kapag nalalayo kami sa kanila ay parang napakahirap na damdamin ang hindi maipaliwanag, sobrang nakakalungkot talaga, siguro dahil narin sa halos dito na kami lumaki at nagkaisip.
smile
Thursday, September 9, 2010
Mga Boxes na Padala, na Wala ng Laman ang Iba
Dear Inspector Occidental Mindoro Philippines,
Sa ngayon, madalang at konte na ang nadating naming packages na pinapadala, galing Japan. Pero sa tuwing dumarating ang mga boxes na yun, malaki ang nabago sa mga boxes, ang iba wala na laman, kc napagpilian na ang mga laman sa loob ng box.Mahirap isipin, na tayong mga pilipino pa ang gagawa ng mga anumalya na ikaka bawas pa ng tulong sa mga katutubo. Dahil ang mga dumarating dito ay aming ginagawang Cash para maibili ng gamot at pagkain at mga kailangan ng mga Mangyan. pero ganito na ang nangyayari.Open na ang mga kahon na nadating dito.Sa mga nangangasiwa ng parcel na dumarating sa Post Office, Please lang po.... pwedi nyo namang buksan at tsekan huwag
nyo lang bawasan.....para ito sa mga katutubong nangangailangan...mahiya naman kayo at mahabag!...
Maraming salamat po!
Tuesday, September 7, 2010
Ang Prutas na Atis
Monday, September 6, 2010
Ang alagang baboy damo.
Kami ay mayroong alagang baboy damo or wild pig,ito ay maliit kaysa sa karaniwang alagang baboy matulis ang kanyang nguso at ito ay mukhang parang daga.madali ang ginagawa naming pag-aalaga dahil ito ay hindi sinsitibo sa mga kinakain.At ugali ng baboy damong ito ang walang tigil sa pag-ud-od ng lupa dahil paborito niya ang kumain ng mga bulateng lupa.At hindi rin niya alintana ang matinding patak ng ulan o sikat ng araw napakatibay ng kanyang balat sa ganitong mga panahon.
By LJ
Wednesday, September 1, 2010
Ang bulaklak ng sun flower
ito ay isang uri ng halamang namumulaklak,may sari sari itong kulay kapag namumulaklak,na nakakaaliw pagmasdan,maaari rin itong panggamot sa an an,isa rin ito sa mga uri ng bulaklak na nakakatulong sa ating balat,ang bulaklak na ito ay may ibat ibang uri na tinatawag tulad ng giant sun flower at marami pang iba,
Subscribe to:
Posts (Atom)