Wednesday, January 30, 2013

Laptop Computer
                        Ito ang laptop computer na pinamigay ng Pamahalaan ng Occidental Mindoro. Maswerting nakatanggap ang mga grade IV na studyante. Ito ay magandang simula upang mag aral ang mga bata na gumamit ng computer, apat ang aming studyanteng grade IV na katutubo ang nakatanggap ng laptop na ito.


Napakasweti ng mga batang tulad nila dahil sa panahon ngayon tumataas na ang antas ng kanilang kaalaman sa panibagong teknolohiya.
Sila ang mga studyante na pinagkalooban ng laptop computer. Ipinagkaloob noong  Jan. 29,2013


-Rea-

Tuesday, January 29, 2013

Paminta


  

  Sa Barangay Talabaan,Mamburao ay matatagpuan ang aming maliit na taniman ng paminta(black pepper), noon na ako ay maliit pa hindi ko alam kung anong halaman ang gumagapang na ito sa puno ng kakawate sa aming munting burol . nalaman ko na ang halamang ito ay hindi na kailangan ng ibayong pag aalaga sapagkat matibay ito sa init.Ang pag-aani nito ay depende sa panahon kadalasan umaabot ng halos isang taon bago mamunga batay ito sa aking karanasan.At kapag ito ay namunga kulay berde hanggang sa magkulay dilaw at pula na pwede ng anihin.pinapatuyo ito ng ilang araw hanggang sa magkulay itim na. Ang paminta ay ginagamit natin sa ating pang araw-araw na pagluluto upang maging masarap at mabango.

 
Anesty,

Monday, January 28, 2013

Salsalida





Salsalida ang tawag nito sa amin, isa itong uri ng damo na kulay berde, ang lasa nito ay katulad sa ampalaya na mapait, Sa pagluluto nito ay hindi kailangan na matagal, mainam itong iluto ng mga ilang sandali upang hindi maging masyadong mapait.


Ito ay kadalasang tumutubo sa palayan at sa gilid ng malinis na sapa kapag patuyo na ang tubig, kasama itong tumutubo ng  mga damo.

 Simula sa buwan ng Disyembre hanggang enero  ay pwede na itong kuhain, katulad ng nasa larawang ito kapag ang salsalida ay matanda na, ang lasa nito ay napakapait na, kaya masmainam na mura pa ang salsalida upang hindimasyadong mapait.

Mila

Friday, January 25, 2013

Euphorbia


EUPHORBIA




Ang euphorbia ay isang halaman na nagtataglay ng maraming tinik at sari saring  kulay ng bulaklak na nagdudulot kasiyahan sa paningin ng tao at nakapagbibigay ito ng magandang tanawin sa paligid. kadalasan ang halamang ito ay nakatanim sa paso bakit kaya? Marahil dahil sa kanyang mga tinik na pwedeng makapanakit ng tao o di kaya naman ay kailangan ng kalinga. Ang halamang ito ay maiihalitulad ko sa mga katutubo na kinarurumihan, iniiwasan dahil sa masangsang na amoy dala ng kamangmangan na gumagapos sa kanila  sa kahirapan ng buhay. Ang paso ay ang kooperatiba na nagsisilbing pananggalang sa kung sino mang dumideskrimina sa mga katutubo dahil sa pamamagitan ng pag-kakaisa ng dalawang tribong ng katutubo sa bayan ng Sta. Cruz.


Louisa

Tuesday, January 22, 2013

"Palaro"
                      Ang aming BATCH 1992-93 Sta. Cruz, National High School.  Sa aming reunion noong nakaraang Dec. 27, 2012 ay aming ginanap sa Villa Andrea dito sa Dayap Sta. Cruz, Occidental Mindoro..
(left Rea middle Merriam right Lorie) ang nasa kanang larawan ay nag bigay sa amin ng T-shirt na aming sinusuot, Siya ay nang galing sa LONDON.

          Ang saya saya ng aming reunion, Nagkitakita kami ng aming mga kaklase noong kami ay nasa Mataas na paaralan, nagkamustahan ang karamihan sa aming Batch ay mga propesyonal, at ang iba ay nangibang bansa. maraming nabago,maraming nangyari, may malungkot at masayang karanasan ang naibabahagi namin sa isa't isa. at kung babalikan ang mga nakalipas namin noong kami ay high school, napakasaya, tawanan....
May mga palaro pa kaming ginawa, nakakatuwa kasi paligsahan kami kung sino ang makakatapos sa pag ikot ang aming group. kapagod, palibhasa hindi sana'y na tumakbo ng matagal na oras, kaya halos mapugto ang hininga ko sa pagod. Marahil dala na ng edad. (matanda na!) sa April 2013 ang aming susunod na pag kikita, ang binabalak namin ay mag karoon ng medical mission sa lugar ng mga katutubo. hanggang dito na lamang, sa April na lang ang aking susunod na kwento. Maraming salamat po... Rea

Monday, January 21, 2013



Balanan







             Isa ito sa mga tradisyonanl na ginagamit ng mga Mangyan sa panghuhuli ng isda, sa ilog at sa sapa. Ang balanan ay kadalasang  yari sa uway o sa pedlis, Maraming pweding pag-kagamitan ang balanan hindi lanang sa panghuhuli ng isada, ginagamit din ito para sa paghahakot ng mga ibang produkto at minsann naman ay ginagawang lagayan ng mga gamit ng mga katutubo,. Noong maliit pa ako natatandaan ko rin inilalagay din ako ng nanay ko sa balanan sa tuwing napunta kami sa kaingin at kahit sa ilog.,katulad din ngayon hindi pa rin nagbabago ang mga katutubo  sa pag-gamit ng balalanan malimit pa rin itong makikita na ginagamit nila sa pang-araw-araw na Gawain nila.



          Ganito ang paggamit ng balanan para sa paghuli ng isda.
Mila


TAMBALANG(SEAWEED)





           

           Tambalang (seaweed) ito ang hanapbuhay o pinagkakakitaan  ng  mamayan ng  Ilin San Jose Occidental Mindoro isa ito sa yaman ng San Jose. Ang seaweed ito ay tinatanim sa ilalim ng dagat sa loob ng 3 buwan  hanggang  ang mga galamay ay dumami at gumulang ito ay nakatali   ng nylon at nakalutang sa dagat na mayroong bakod na kawayan dapat na tamang tama lamang  ang distansiya ng bawat Tambalang napakaganda sapagkat napakaberde ng kulay nito. Bangka ang ginagamit nila sa pag aalaga upang maikot ang buong Tambalang Farm. Ito ay pinapatuyo nila sa loob ng 3 araw  upang  maging process product. tulad ng Slipper, Goma, Timba at iba pang mga ginagamitang plastic. Ngayon ko lang nalaman at nakita na ito pala ay maraming kapakinabangan.



anesty,