TALONG (EGGPLANT)
Solanum melongena
Ano nga ba ang talong?Noong bata pa ako,isa ito sa mga gulay na ayaw kong kainin dahil mabuto.Pero hanga ako sa gulay na ito kahit ayaw ko nito.
Ang talong ay isa sa mga katutubong gulay ng Southeast Asia na unang nilinang sa India.Noong ika-18 siglo,pinangalanan itong 'eggplant' ng mga Europeano.Nagsimula ito sa Dravidian word na 'varutina' at Tamil word na 'varutinai'.Unang naitala ito sa 'Qi min yaoshu',isang matandang kasunduang pang-agrikultural ng mga Chinesse na nakompleto noong 544.Dahil sa katanyagan nito,dinala ito ng mga mangangalakal na Arabo sa Mediterranean noong Middle Ages hanggang umabot ito sa buong mundo.Sa kasalukuyan,isa ito sa mga pangunahing pagkain ng mga tao.
Unang una,pinaniwalaan ito na nakakalason ang dahon at bulaklak pag na consume ng marami dahil nagtataglay ito ng solanine,isa sa mga kemikal na matatagpuan sa tobacco.
Ang halamang ito ay karaniwang lumalaki ng 40 hanggang150 sentimetro(16-45 pulgada) na mayroong lukot lukot na dahon na 10-20 sentimetro ang haba at 5-10 sentimetro ang lapad.Karaniwang humahaba ang bunga nito ng 30 sentimetro at kulay ube ang kulay na karaniwang tumutubo sa malalamig na lugar dahil nangangailangan ng anim na litrong tubig kada araw tuwing alas dos ng hapon.Napatunayan din na nagtataglay ito ng Carbohydrates,Fats,Protein,at Minerals na pawang kailangan ng ating katawan upang mabuhay.Napatunayan din na ang katas nito ay nakakabawas ng timbang at nakakababa ng lebel ng kolesterol sa katawan.
Kaya san pa kayo! Ugaliing kumain ng talong dahil hindi lang ito masustansya at masarap,makasaysayan pa!
Eggplant Plantation at 21CA Compound
Talong with its bulaklak
Eggplant tree with its Fruits
Naani sa 21CA eggplant Plantation
mary,