Wednesday, May 29, 2013

Miss ko na ang ulan

                                                                   

                                                     Buwan na nang mayo!

                      Umpisa na ang tag-ulan.
              kahapon May 28, 2013 umuwi ako sa aming baryo, habang daan nakita ko muli ang kapaligiran ang kabukiran na nagsisimula na namang maging luntian, napakagandang pagmasadan ang paligid at napakasarap ng pakiramdam. Nang ika 2 ng hapon ay biglang bumuhas ang malakas na ulan. at nakita ko ang batang masayang masayang naliligo sa gripo sa ilalim ng ulan, dati ang gripong ito ay wala ng tumutulo ng tubig at ang bukal na pinagmumulan ng tubig ay unti-unti na rin naiiga. Ngunit dahil sa pagpatak muli ng ulan heto na uli at masayang masaya muli ang mga tao sa baryo namin..salamat ulan at ikaw ay muling pumatak sa aming buhay.


"mila"

Sunday, May 26, 2013

                                 TEAM MAIT(mangyan alangan iraya tribes)

               




           Grupo na binuo ng mga kabataan na mula sa baryo ng calomintao, Alacaak Sta Cruz Occidental Mindoro isa sila sa lumahok sa palaro ng basketball dito sa Barangay Poblacion II, kahit na sila ay mga katutubo binigyan pa rin sila ng pagkakataon na lumahok sa palarong pang Barangay.
                   Sa unang sabak nila sa unang laro di sila pinald na manalo pero isa sa nakakatuwa dalawa lang ang naging lamang ng kalaban kahit kulang ang kanilang miyembro sa kupunan.
                   Ang kanilang mga sumunod na laban ay naging matagumpay na sila..kahit sila ay mga katutubo di ito hadlang upang makilahok sa ganitong mga events ng barangay.
                 salamat po sa mga taong nag imbita at tumulong...

anesty,


                                                  PAPAYANG LALAKI



          Papayang lalaki ito ang halamang hindi namumunga kaya ito ay binabaliwala ng mga tao at hindi pinapansin.katulad ng mangyan na kapag kailangan ng tulong ay walang pumapansin.
          Sa panahon ngayon mayroong paniniwala ang mga pilipino ganun rin ang mga katutubo para mamunga ang papayang ito upang mapakinabangan ng tao.para mamunga ito ang ginagawa ay tatalian ng itim na tela dahil ayon sa matatanda malamig ito sa puno ng papaya.

       Isa rin sa paraaan ng mag katutubo ay ang puputulon ito upang magkasanga at mula sa sangang ito dito mabubuo ang mga bunga nito.

anesty,
                          PALORONG PANGPAMAYANAN NG MGA KATUTUBO NG AMNAY



 

                   Noong Abril 2013 ay ginanap ang palarong pampamayanan sa pamayanan ng amnay tribo ng Alangan sa loob ng tatlong araw. Ito ay pinamahalaan ng aming volunteer staff at pamunuan ng katutubong Alangan. Humingi din kami ng tulong sa Barangay Pinagturilan Sta. Cruz Occidental Mindoro. na kahit papaano ay naroon ang kanilang prisensya sa pagbubukas ng palaro.
                   Naghanda ang limang Sitio ng bawat isang kandidata na kanilang  pinaglaban. beauty contest. sa unang araw ay un muna ang pag umpisa ng kanilang paglalaro. at sa kanilang laban ang nagwagi ay ang sitio manggahan. At ang pangalawa, laban ay basketball kada sitio din ay may mga player upang mag laban, at ang nanalo ay taga sito Kanruan. masasaya ang mga katutubo na nagkakaroon ng ganitong okasyon. kaya aming pinaghahandaan kada taon na magkakaroon ng ganitong okasyon.. maraming salamat..










Anesty,










Tuesday, May 21, 2013

Buhawi

                          Nangyari noong May 20, 2013, Ang larawang ito ay nakuha ko sa facebook ng aking kaibigan taga Mamburao, Occidental Mindoro malapit na bayan dito sa amin ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro ang buhawing ito ay nasa lugar ng Mamburao, sa bandang aroma beach sa baybaying dagat, sana walang natamaan ang buhawing ito sa kanyang kahahantungan.
                        Ito ay may 3 araw ng nakalipas mag buhat ngayon, wala naman akong nabalitaan kung may na aksidente sa pang yayaring ito, salamat naman sa Diyos at walang naapektuhan ang pagdating ng buhawi sa Mamburao.
                    Sa panahong ito, ang dami ng mga kababalaghang dumating sa mundo, subalit  mahirap ipaliwanag ang mga nangyayaring ito, at hindi din natin alam kung ano pa ang dapat mangyari, kaya tayong mga tao ay dapat maging handa sa ating tadhana, ano man ang plano sa atin ng ating lumikha, manalig tayo sa Poong may likha.. 

"rea"

Monday, May 13, 2013

Halalan

                 Ngayong May 13, 2013 araw ng halalan. Nag simula 7:30 ng umaga at magtatapos ng 7:30 ng gabi. kanina sa aking pag boto, dating gawi ang daming mga namimigay ng mga candy sa gate ng School kung saan doon pag dadausan ang halalan, kalakip ang mga pangalan ng mga kandidato na lumalaban. ang daming tao, ang haba ng pila, ang karamihan may 3 oras na nakapila bago sila isalang sa pag shade ng kanilang napiling kandidato, mabuti na lang binibigayan nila ng pansin na ang mga senior citizen upang sila ang mauna sa pag boto, kaya ako nauna dahil kasama ko aking nanay at tatay upang ako ang mag asikaso sa kanila, madali akong nakatapos sa pagboto, pagdating ko naman sa bahay may lagnat ang aking isang anak, sa init ng panahon.
..             At sa halalang ito ang mga dapat iluklok ay nag simula sa mga 12 Senators, Congressman, Governor, Vice- Governor, mga 5 Board member district 1 at 2, Mayor, Vice Mayor, at mga 8 Sangguniang Bayan ang lumalaban para umupo bilang mamumuno sa ating Bansa, Lalawigan at Bayan. Na dapat ang manguna at manungkulan ay ang karapa't dapat na mamunong leader ng mamamayan, upang umunlad at maging mapayapa ang ating bansa at buong sambayanan..

Ito ang Palatandaan pagkatapos bomoto.



"rea"

Thursday, May 9, 2013

Ulan - ulan


             Ito ang unang ulan na malakas sa buwan ng Mayo, ang karamihang nag sasabi na ang unang ulan ng Mayo ay  magandang gamot sa bungang araw, pero sayang ambon lang ang unang ulan ng Mayo kaya wala akong naipon ng tubig ulan. 


            
            "Ulan- ulan pantay kawayan, bagyo- bagyo pantay kabayo." Ito ang aming nababanggit sa aming kamusmusan kapag umuulan. Salamat sa Diyos at bumuhos ang malakas na ulan ngayon, malaking tulong sa sobrang init ng panahon, tulong sa pag didilig ng halaman at malaking tulong sa banas ng katawan.  Ang sarap matulog kung ganito ang panahon na nakakamtan ang temperature ng panahon. Kung sa awitin daanin." ito ako... basang basa sa ulan ." 



"rea"

Tuesday, May 7, 2013

      Happy Anniversary!  

              Ang saya ng pakiramdam, Ito ang aking pinakamasayang araw, dahil may sampong taon na kaming nagsasama ng aking asawa, "10th Wedding Anniversary, bagama't wala mang maihanda, ok pa rin dahil kami ay punong puno ng pagmamahalan.
                     Sa kabila nito malungkot kami, dahil ito ang araw ng pag alis ng isa naming kasamahan, kasamahan na matagal ng nag aalaga sa amin, at marami kaming natutunan, sa haba ng panahon. At alam namin na kahit matapang at palagi kaming sinasabihan, dahil sa aming pagkakamali at dahil sa trabaho ay dapat huwag pabayaan. Maraming salamat sa lahat, at ito'y hindi namin malilimutan.



"rea"