Thursday, December 22, 2011

Green Forest

Ang Calawagan ay matatagpuan sa Paluan Occidental Mindoro, Isa ito sa magandang Green forest sa Occidental Mindoro... Maganda at maraming pumupunta na mga Foreigner dun. Nakakalibang sa lamig ng tubig na umaagos dun galing bukal...

May hanging bridge.

Malamig na tubig na galing sa bukal.

napaka ganda ng Klima..Kaya dapat nating mahalin ang ating kapaligiran, at panatilihing alagaan ang mga punong kahoy na nagbibigay proteksyon sa ating Kalikasan.

Tuesday, December 20, 2011

Kamoteng Kahoy


Balinghoy din ang tawag sa kamoteng kahoy.

Binalatan na.

Binayo at ginawang Nilupak, masarap...

Friday, December 16, 2011

Simbang Gabi


Ang Simbang gabi ay nag sisimula tuwing ika-16 ng Disyembre, ito ay ang pagsalubong sa kapaskuhan.

Sunday, December 11, 2011

Pasko

Sa tuwing papasok na ang buwan ng December mga busy ang mga tao, dahil mag babakasyon na sa iba't ibang lugar, para sa mga students may mga okasyon na ginaganap sa school, may mga Christmas gift for exchange, at may ginaganap ding Family day sa school. Masaya ang bawat isa, dahil pinag diriwang ang mga ganitong okasyon, sa kaarawan ng ating Panginoon. Sabi nila, ang Pasko ay para sa mga bata lamang, dahil dito nakikita ang mga batang may mga bagong damit. nakakatuwa, dahil ito lang ang magandang araw na puntahan ang kani kanilang mg ninong at ninang.


rbt.

Tuesday, November 1, 2011

UNDAS

Ang daming mga tao sa Cementeryo twing araw na UNDAS, ito ay lagi ipinagdiriwang tuwing buwan ng November 1..Nagkakatipon ang mga tao sa cementeryo na nanggaling pa sa iba't ibang probensya ang bumibisita sa kanilang mga yumaong mga mahal sa buhay. Kaya naman ang araw na ito ay isang pagugunita sa mga namayapa. Kaya naman ang mga nag babyahe halos sa ang dami at punuan sa mga sasakyan. Kaya ang iba ay halos hindi na makagalaw sa sikip ng sasakyan.

rbt

Friday, October 28, 2011

Ang Coopertaiba ng Alangan at Iraya ( MAIT COOP.)

Ang Mait cooperative ( MINDORO ALANGAN IRAYA TRIBES COOPERATIVE )Ito ay samahan ng mga katutubong Mangyan sa Bayan ng sta. Cruz Occidental Mindoro.Ito ay binubuo ng dalawang tribo ng mga mangyan, Ang tribong Alangan at tribong Iraya. Isa sa mga mga layunin ng coop na ito ay upang matoto ang tumayo sa sariling mga paa ang mga katutubo at hindi na umasa sa tulong ng iba. Ang mga programang pinapatupad sa ngayon ng mait coop ay ang Pangangalaga sa kalusugan, edukasyon at agrikultura.

oct 28, 2011 ay muling nagkaroon ng buwanang pagpupulong ang mait coop na ginanap sa brgy Pinagturilan, at dumalo rin sa pagpupulong ang isa sa mga staff ng DAR office. Muli ay tinalakay ang tungkol sa pangkabuhayan. Napag-usapan muli ng bawat membro ng magtanim ng mga punong saging, punong prutas at iba pang mga punong kahoy, ganun din ang pagtatanim ng mga gulay.

Thursday, October 27, 2011

AREA MEET

SINAGTALA
Ang Sta.Cruz, Occidental Mindoro ay may Apat na sanggay ng Mataas na Paaralan, Ito ay ang Pinagturilan Annex, Sinagtala, Barahan at ang Main Sta. Cruz, National High School. Ang mga ito ay nag diriwang ng Intramural na para maglaban laban ng mga iba't ibang laro, at kung sino ang mananalo sa mga larong ito idadayo sa iba't ibang lugar. At kung saan dito ginanap sa National High School Main. At sa kagandahang pagkakataon may mga player na galing dito sa 21st Century Association na mga katutubo, napagagaling ng mga batang ito, kaya naman naipanalo nila ang kanilang grupo sa larangan ng Volleyball.. maraming salamat po...
BARAHAN

STCNHS Main

Thursday, September 15, 2011

Monday, August 15, 2011

Ang Ampalaya

Ang ampalaya ay isang Gulay, at may vitamina C. Ito rin ay makakatulong sa mayroong diabetis, maraming pweding pang lunas ang ampalaya lalo na ang dahon nito,ito ay gamot din sa ubo ang katas ng dahon na may pulot. Marami man ang ayaw nito dahil nga ito ay mapait pero ito ay kailangan para maiwasan natin ang pagkakaroon ng sakit dahil nakakatulong ito sa katawan ng isang tao. May ibat-ibang uri ng ampalaya, alam nyo ba na hindi lamang sa kabayanan,ang mayroong ampalaya,maging sa kabundukan man ito ay tinatawag na ligaw. Kaso nga lamang may pagkakaiba ang bunga nito ay ,maliit na ang hugis ay bilog. At ito ay makikita lamang tuwing sasapit ang tag-ulan kaya ang mga katutubo ay masaya dahil marami ang mga katagalugan ay nag sasabi na ito masarap. Talagang napakasarap!...


Emma R.

Tuesday, August 9, 2011

Salamat


Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng aming Blogger, isa sa mga thank you card dito ay para sa inyo... maraming salamat sa lahat ng mga tumulong sa mga katutubo na nandito at sinusuporatahan ng 21st Century Association, At sa mga willing pang tumulong, open po kaming tatanggap at dalawang kamay pa naming tatanggapin ang inyong tulong.. maraming salamat po.

Abocado



Ano Ito? parang patola, Upo or Pipino? ito ay walang iba kundi Abocado.
Ang Abocado ay isang masarap na Prutas, Maraming Vitamina kang makukuha sa prutas na ito. at isa pa kahit konteng asukal lang ang tanging ilahok mo, Ayos! masarap! at tingnan mo, napakagandang Hugis. Pambihira ang ganitong anyo.

Sunday, August 7, 2011

PATASTAS SA BIYAYA NG DIYOS

Mangyan ay sadyang masayahin
batay sa pangangaso ay magaling, mga alaga ay pinapakain,
at binibigyan sila ng inumin, sa matanda ay masunurindin,mga punung kahoy aming inaalagan,
sa paligid ng bunduk ang amin taniman,sa hirap ng buhay amin nararanasan, Ang kinabubuhay namin aming pinag sisikapan,mangyan ako dapat inyong tulungan, sa pangangalaga ng ating kalikasan,
para maiwasan ang paguho ng kabundukan,kaya tulung-tulong tayo mapahunlad ang magandang kina bukasan,maraming bagay ang narito sa paligid,mga punung kahoy hamon sa atin ay hatid,kaya naman kilos natin ay mabilis,tinutulungan ang ating mga bisig,mga pag unlad ay ating harapin,makiisa rin sa mga maytungkulin,mahahalagang gawain tuparin,ang mga punong kahoy ay ating hitanim,tulad ng sampagita maputi at kahali-halina,talulot ng amo,y mabangong talaga,Ang lupa ay biyaya ng diyos natin,dapat ito'y ating pagyamanin,kaya alina tayo magtanim mga kabatahan dapat ay ating akitin.


Roel s.

Friday, August 5, 2011

Calamintao


Ito ang daan papunta sa baryo ng Calamintao.





Ito ang Calamintao Settlement farm School.


Ito ang simbahan ng Catholic Church.








Ito ang baryo ng Calamintao.


Ang Calamintao ay isang maliit ng sitio na sakop ng Brgy. Alacaak. Ang mga ninirahan dito ay mga katutubong Iraya.Ito ay malapit sa baybaying ilog ng pagbahan. Ang Calamintao ay may layong 10 km mula sa crossing ng Alacaak.Maliit man ang lugar na ito ay maswerte na ring matatawag sapagkat merong itong school para sa elemtarya , at meron din simbahan. Sa panahon ng tag-araw ay hindi mahirap ang sasakyan papunta sa lugar na ito ngunit sa panahon ng tag-ulan ay medyo mahirap sapagkat hindi makatawid sa ilog ng balaoy ang sasakyan. Ang hanap buhay ng mga naninirahan dito ay pagsasaka. Sa mga pangaraw-araw na buhay dito ay hindi masyadong mahirap sa pagkain sapagkat maraming mga halaman na pweding kainin at sa mga pang-ulam naman ay madali rin lamang sapagkat napakaraming iba't ibang uri ng isda ang ilog dito.


Smile

Wednesday, July 27, 2011

INANG KALIKASAN.




kadalasan ang kapaligiran ang ating libangan sa anumang oras lalo na kapag mayron kang hinaharap na problema.Hindi man natin masasabi na ang kapaligiran ay isang lugar na ikapapahamak ng iyong sarili kundi magbibigay ito ng kasiyahan at pagiging presko ng katawan.Nagiging kapaki-pakinabang ito dahil sa magandang naidudulot sa bawat nilalang dito sa mundo.minsan sa ating pagiging malungkutin madalas tayong magpunta ng ating kapaligiran upang libangin ang ating sarili.Kaya dapat natin itong pangalagaan.





Jena

Tuesday, July 26, 2011

ANG BUHAY SA KABUNDUKAN



Ang kabundukan ang tirahan naming mga katutubo. Napakahirap manirahan dito sapagkat malayo ito sa kabihasnan marami kaming pangangailangan para sa aming buhay subalit napakahirap ito para sa amin. Tulad na lamang kung kami ay may mga sakit minsan hindi na kami nakakapunta sa bayan para makapagpagamot kaya sa albularyo na lamang kami nagpapagamot ngunit karamihan ay hindi gumagaling bagkos lumalala pa ito at minsan ay nauuwi sa kamatayan. Ngunit masaya kami dito sa kabundukan kapag wala kaming mga problema.

Merly

Thursday, July 21, 2011

Mga paniniwalang katutubong Iraya

nag-aaway na ahas - Ayon sa aming mga matatandang ninuno na kapag nakakita ng ahas na nag-aaway ay isang napakagandang pagkakataon na makakita ng epektibong halamang gamot. Kailangang lamang na magtago ka ng maayos upang hindi makita ng nag-aaway na ahas. At kapag natapos na ang away ng mga ahas at namatay na ang isa, ang isang ahas na kaaway ay aalis upang hunanap ng halamang gamot upang gamotin ang kanyang kaaway. At kapag umalis na ang ahas ay kailangan na maingat ng sundan ang ahas at kung nakakita na ang ahas ng halamang gamot upang igamot sa kanyang kaaway. Ang halaman na kinuhaan ng ahas ayon sa aming mga ninuno ay isang napakabisang gamot upang makapag-paggaling ng may sakit.

smile

Nipa


Ang sasa, sa baybaying ilog ay napakagandang pagmasdan ang mga punong sasa na nagbibigay buhay at sigla sa ilog. Ito rin ay isang napakagandang uri ng material upang gawing bubong ng bahay at sa kung anumang balak na pagkagamitan.Ang pag-sasa ay isa sa mga hanap-buhay ng mga taga sta. cruz. Napakagandang uri at napakamura pa ng halaga.






Wednesday, July 6, 2011

ANG BUHAY KO TULAD NG ISANG SOLO, MINSAN MALIWANAG MINSAN MADILIM.

Pinanganak ako sa kabundukan ng amnay doon ko naranasan ang kalungkutan ng sapitin ko ang bawat umaga tilabang kaysaklap mabatid ang bukang liway-way sindilim ng gabi.
Kaypait lunukin kaypait isipin ang liwanag ng araw biglang didilim.

Ang kabundukan kasaysayan ng aking buhay tungkol sa bawt umagang kaylungkot kahit kayliwanag ang sikat ng araw malungkot parin ako kasinga ang lagi kung nakikita sa bawat umaga sa paligid ng aming bahay ay malaking mga punong kahoy. Waladin akong ibang naririnig ng mga ingay ng sasakyan ang naririnig kulang ang mga lagas-las ng mga batisan at uni ng mga ibon sa gubat.
Ng umidad ako ng 15 years old sa kabundukan ng amnay naranasan ko ang kahirapan at lungkot sa buhay ko. Kasi walarin kami sapat na pagkukunan ng aming kinabubuhay sa araw-araw. Kasinga malayo kami sa bayan kaya hindi kami naka baba agad para bumili ng mga asin o bigas. Kasi ang dahan naming ilog malakas ang agus kapag naman sa bundok kami dadahan masyadunang malayo. dalawang gabi o talong araw ang lakad.
Iyan ang aking kasaysayan kong bakit
tinulad ko sa isang sulo ang buhay ko sa
Kabundukan………………



Roel segunda

Tuesday, July 5, 2011

DILAW

Ang dilaw ay isang uri ng luya.Matatagpuan ito mula sa kabundukan subalit maari rin itong mabuhay sa kapatagan. Isa ito sa mga halamang gamot naming mga katutubo para sa sakit tulad ng mga pamamaga ng tuhod, leeg at marami pang iba.Isa rin itong produkto naming mga katutubo kaya mahalaga sa amin ang halamang gamot na ito , dahil sa pamamagitan nito maari namin itong gawing pang-kabuhayan at gawing panlunas sa karamdaman.At nalaman rin namin buhat sa kabayanan na ito pala ay gingamit bilang sangkap sa pag-luluto tulad ng ginataan at labugan, kaya pala marami sa kabayanan ang bumibili ng aming produkto , dahil isa itong kapakipakinabang.






Izza

Friday, July 1, 2011

Ang Ilog Amnay




Ang ilog Amnay ay nasa pagitan ng Bayan ng Sta. Cruz. Ang ilog na ito ay may kulay itim na tubig at hindi lumilinaw at napakalakas ng tubig,ganun ang mga buhangin dito ay tila mga silver kapag natuyo.


At tuwing buwan ng enero ay nagsisimula ang amihan hanggang sa marso at abril sa mga buwang ito ay mararanasan ang napakalakas ng hanging amihan na akala mo'y tila may bagyo.napakahirap ang maglakad dahil itinutulak ka ng hanggin pabalik.



Sa baybayin ng ilog amnay ay may makapatagan na kung saan doon naninirahan ang mga kapatiran kong katutubong alangan. At kapag darating ang amihan ay napakahirap magluluto, at pag-gising naman sa umuga ay makikita mo ang langit dahil sa nililipad-lipad ng hangin ang bubong ng bahay. Pero napakaganda pa rin ng mga lugar doon kahit na mayroon ng ganitong klaseng panahon.


Smile

Thursday, June 30, 2011

Karangalan ng mga manlalarong katutubo



Noong nakaraang buwan ng Mayo 2011 ay nagkaroon ng Palarong pambayan, na dito nakilahok ang mga katutubo upang makiisa sa mga gawaing pampamayanan. May Volleyball para sa mga kababaihan at Basketball naman sa mga kalalakihan, at nagkamit sila sa 2nd Place sa larangan ng Volleyball. napakasaya ng panlarong pampamayan. nakakalibang manood sa paglalarong ito lalo na dito nakasali ang aming mga kapatid na katutubo. maraming salamat po...


RBT

Tuesday, June 28, 2011

ANG ILOG NG PAGBAHAN





Dito sa Occidental Mindoro ang ilog ng pagbahan ay napakalinis at ang sarap nitong pagmasdan dahil sa magagandang tanawin dito. Marami ditong mga likas na yaman tulad ng mga matataba at malinamnam na isda, buhangin na magaganda at malinis, mga bato na pweding gawing desinyo sa bahay at iba pa.Marami din na nagpipiknik dito sa pagbahan tuwing summer araw-araw dahil sa kalinisan ng ilog at sa ganda ng mga tanawin dito.

Malapit din dito sa pagbahan ang tirahan naming mga katutubo, kung kaya't kadalasan dito rin kami kumukuha ng aming hanap buhay sa araw-araw.

Hangad lang po naming mga katutubo na nawa huwag itong abusuhin ng mga katagalogan para sa patuloy na ganda ng pagbahan.Maraming salamat po.



Izza

Monday, June 27, 2011

BUHAY NG MANGYAN

Ang tulad kung mangyan wala kaming permaminting lugar upang magbawas kaya kapag may nakita kaming malalaking bato at kagubatan o talahiban kasalukuyan ito ang aming lugar para magbawas kasi ang mangyan walang alam kung saan ang dapat at di nila alam kung ano yung makakabuti sa kanila kaya minsan nagkakaroon sila ng matinding karamdaman ng dahil sa mga langaw na dumadapo sa hapagkainan kapag gabi naman sama-sama din silang natutulog ang mga tao aso at pusa at wala pa silang kumot samantalang maraming pulgas ang mga aso o pusa iyan ang buhay namin sa bundok.


RS

Wednesday, June 15, 2011

uok



Ito ay isang uri ng insekto o uod na makikita lamang sa ilalim ng punong kahoy o naninirahan sa katawan ng kahoy. isa ito sa mga pagkain ng mga katutubo mangyan hindi lamang katutubo pati na rin ang mga naninirahan sa lowlander.pwedi itong sigang, prito at inihaw. napakasarap ng pagkaing ito. Subukan nyo at matikman ninyo ang linamnam at sarap nito.


smile

Tuesday, June 7, 2011

KAALAMAN


Ako si Jenalyn Viguilla nakatapos ng high school sa tulong ng 21st Century Association. Sa ngayon isa ako sa mga volunteer staff na tumutulong sa mga gawain upang mapa-unlad ang kaalaman ng mga estudyanteng katutubo,Sa pamamagitan ng pagtuturo sa gabi ng kumon. Ang Kumon ay isa sa mga pinag aaralan dito sa amin,ang nilalaman nito ay mathematics. Masaya ako sa trabaho ko ngayon dahil nakakatulong ako sa mga katutubo tungo sa magandang kinabukasan at sa patuloy na pag-unlad ng kapwa ko katutubo. Nawa marami pang tulad ko ang makatulong sa mga katutubo para sa magandang kinabukasan ng mga katutubong katulad ko, na mapaunlad ang pamayanan ng mga mangyan. maraming salamat po!.....



JENALYN

Monday, June 6, 2011

School life

Sa bawat umpisa ng pasukan, maraming nakaka excite pag unang pasok ka pa lang. Una, bagong mga kagamitan,school uniform,shoes, bag at marami pang iba na mga new looks sa atin. ang sarap ng pakiramdam kapag kompleto ka sa iyong kagamitan sa school at maraming magiging kakilalang classmate na makakasama araw-araw. ang sarap ng high school lalo na kapag napabilang ka sa mga topnotchers sa klase,sinasabing napakasaya ng high school life lalo na kung sasapit na yong graduation day,Lubusan mong mararamdaman ang saya. Pero sa panahon ngayon, kadalasan ang mga students pa lang nag sisipag- asawa na, kaya karamihan hindi na nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral. At kapag naranasan na ang hirap, saka lang ulit mag papasya na bumalik sa school. ang hirap lalo na sa panahon ngayon. maraming mga challenge na dapat munang daranasin. Pero pag talagang gusto at may pangarap kang dapat tuparin, maiiwasan ang lahat ng mga tukso at kapabayaan na magpatuloy sa nasimulan. maraming salamat po!

Thursday, May 26, 2011

ANG BUHAY NG MGA KATUTUBO


Ang buhay ng mga katutubo ay masaya lalo na sa panahon ng tag-araw, sapagkat madali nilang makukuha ang pang-materyal na pangangailangan.Tulad ng pagkain, kasuotan,kagamitan sa bahay, at iba pa. Dahil masagana sila sa mga produkto na kanilang iniluluwas sa bayan para ipagbili. Sa pamamagitan nito ay nagiging matiwasay ang kanilang buhay. Maliit man ang kanilang pamayanan.



Elmer