Tuesday, August 31, 2010

Ang aming tanim na Orange


Na kung tawagin sa english ay fashion Fruit
Ito ang tanim naming orage na nakaaliw tingnan dahil sa dami ng mga bunga dahil na rin sa walang sawang pag aalaga ng mga masisipag naming students,masarap itong kainin kapag itoy hinog na.isa rin ito sa paborito ng mga tao dahil sobrang sarap,lalot itoy hinog na hinog na, Masarap din itong gawing juice. At ito Mabitamina sa ating Katawan.


Lilyn B.

Monday, August 30, 2010

FOLDING BED

Malaking tulong ang folding bed na ito, dahil ito ang ginamit higaan ng pasyente sa Batangas. Kaya bagamat sira, may naging paraan para magamit ulit...

Thursday, August 26, 2010

Kapag sa oras ng kumon

Kapag sa oras ng kumon


Kapansin-pansin ang mga schoolars ng 21st century association sa kanilang konsentrasyon sa pagsagot ng kanilang worksheets ng kumon.

ANG MAG-AARAL


Sila po ay sina NOE MASANGKAY at si EMMANUEL PACIFICO,kabilang po sila sa mga scholars ng 21st CENTURY ASSOCIATION.Sa kasalukuyan,sila po ay 1st Year High School.Nais po nila na nakapag-aral ng kolehiyo at maabot ang kanilang minimithi.

Wednesday, August 25, 2010

Ang bulaklak ng alas dyes



Ang bulaklak na ito ay magandang pagmasdan may sari saring kulay na nakakaaliw tingnan bumubukad ito tuwing alas dyes ng umaga.isa rin ito sa mga bulaklak na hinahangaan ng mga tao dahil sa dami ng kulay nito maaari din itong pang desinyo sa harap ng bahay

Tuesday, August 24, 2010

Driver sa Coop

Ako ay si Almar pacifico ang driver ng coop,2 beses akong magbeyahe sa loob ng isang linggo ng mga prudokto na nanggagaling sa aming lugar at dinadala sa pwesto namin sa palengke,at araw-araw tuwing alas 5:00 ng umaga ay hinahatid ko ang mga tendera ng aming coop sa palengke at sinusundo ko sa 6:00 ng hapon. masaya ako sa aking naging tungkulin para sa ikauunlad ng aming coop.

Thursday, August 19, 2010

Karyuka at Espasol

Eto ang lutong malagkit at asukal na may niyog.. Kakanin ng mga Filipino, Masarap at pweding meryenda ng mga tao..Ito ang lutong Filipino.

Wednesday, August 18, 2010

Ang driver ng 21st century association



Kaming mag asawa dito nag tratrabaho sa Association ang aking asawa ay Driver ng Tricyle siya ang nagsasakay ng mga pasyente sa tricycle, pag tag ulan naman studyante ang hinahatid niya sa School para po hindi mabasa ng ulan lalo na po pag may Bagyo at kung walang ginagawa natulong sya sa mga gawain ng kasamahan na staff volunteer dito sa compound ng 21st CA.

Tresyurera Kooperatiba


kami po sa calamintao my itinatag na cooperatiba isa po ako sa kasama sa nasabing cooperatiba at ako po nahirang bilang isang tresurera kami po may puwesto sa palengke ang produkto namin galing din po sa members namin sa cooperatiba, sa ngayon po nagtatanim na ang mga tao. Dati po kaunti ang nagtatanim ngayon po marami na dahil sa cooperatiba.Isang magandang simula ito sa tulad namin lalo na sa mga katutubo. maraming Salamat sa Nag tatag nito. at salamat din sa 21st CA dahil tumutulong sa aming bagong simula.salamat po
























Ilaw ng Tahanan



Simula po noon ako ay nagluluto, marami ng nagbago sa akin Buhay dati asawa ko ang nagluluto ngayon ako na bilang isang babae natural lang na marunong sa gawaing bahay. Maraming salamat sa aming Boss at ako ay binigyan ng pagkakataon na makapag luto sa mga studyante namin. aT nakagsilbi na din ako sa aking mahal na asawa. Salamat po....






Tessie Bernardo

Tuesday, August 17, 2010

"Ang MAIT Cooperative"

Noong August 12,2010 ay matagumpay na naidaos ang unang seminar ng kooperatiba ng MAIT(Mindoro Alangan Iraya's Tribe,ito ay dinaluhan ng 2 grupo ng mga katutubong Alangan at Iraya na nasasakupan ng bayan ng Sta Cruz. Naging malinaw ang mga gampanin sa bawat grupo tungo sa kaunlaran ng bawat kasapi sa pamamagitan ng seminar ng kooperatiang ito.At naging positibo rin ang kanilang mga pananaw upang magkaroon ng negosyong mapagkakakitaan na nagmula sa kanilang sariling pagsisikap sa nagkakaisang kasapi o myembro ng kanilang kumunidad at napagkasunduan ng 2 grupong ito ang magsimula sila sa pagtatanim ng gulay upang sa ganon maging kapakipakinabang ang kanilang malawak na mga lupaing ninuno.

Thursday, August 12, 2010

PETRON


May dalawang Gas Station dito sa lugar ng Sta. Cruz. Occidental Mindoro. Ang isa ay sa Poblacion I at ang isa ay sa Brgy. Mulawin, Isang maganda sa Lugar ang malapit sa Main Station. dahil malapit ang bilihan dito, hindi na babyahe pa sa malayong lugar upang mangailangan nito.. Mabuhay Sta. Cruz,.

Lati-an


Ang Lati-an kung tawagin ito sa ibang salita, dito ay maraming mga pinagkukunan ng mga pang ulam, tulad ng mga Lukan, tampuyong, saka-saka, baligway at talaba. Ito ay mga shell na nakatira dito. At marami din ditong mga isda,hipon alimango at iba pang puweding pang ulam, Ang lugar na ito ay malapit sa opisina ng 21st Century Association, kaya sa tuwing week end ng mga scholars dito sila kumukuha ng pang ulam.Libre sa sa ulam kung masipag ka lang.

Monday, August 9, 2010

Ang Kawayan





Katawan mong balingkinitan,dahon mong luntian
katulad mo'y isang dalaga na kay ganda sa umaga
kaakit-akit mong kutis na kay kinis
mga nilalang sa iyo'y naakit,

Sa tuwing daraan ang hangin sa iyong katawan
langit-ngit mo'y tila isang malamyos na awit
hatid nito'y kapayapaan ng aking isip
Batid ng lahat na ika'y kaakit-akit,

Sa bawat ikaw ay mahalaga
tulad ng ibon na dumadapo sa iyong malambong na dahon
sa mga taong iyong natutulungang upang mabigyan ng kasiyahan
hatid mo'y walang hanggang kapakanan.

Ngunit sa isang iglap, ganda mo'y nasira
lapastangang panahon ikaw ay nasapol
saya at ganda ngayon ay wala na
pagkat katawan mo ngayon ay hati-hati na.

Lungkot ay bakas sa mukha ng bawat isa
umaasa na isang umaga, iyong ganda ay muling makita
at muli sa pagsikat ng araw sa silangan
Sana suwi mo na kay lusog ay yumabong.

smile





Friday, August 6, 2010

Ang aking maternity leave

Ang aking maternity leave.

Ako po si Emely R. Pandez na kasalukuyan na malapit na manganak ngayong buwan ng September sa ngayon pahinga muna sa trabaho dahil mahirap ng makakilos o makapagtrabaho ng maayos at gusto ko rin maalagaan ang aking pagbubuntis at hanggang sa paglabas ng aking baby para maging malusog ito dahil kahit alam ko na mahirap ang walang trabaho dahil sa mahirap ang buhay pero kailangan ko pa rin alagaan ang aking pagbubuntis at ang aking baby.at sana maging maayos ang aking panganganak at maraming salamat sa inyong pagsuporta.

Emely Pandez.

Ang mga estudyanteng nag-aaral sa kabundukan

Ang mga estudyanteng nag aaral sa kabundukan

Ang mga estudyanteng nag aaral sa kabundukan ay nakakaranas ng matinding kahirapan.una naghahanap ng pagkain bago pumasok sa paaralan dahil kung hindi maghahanap wala makakain kailangan pang maghukay ng kamote at balinghoy sa kabundukan at pangalawa kulang sila sa mga kagamitan pang school tulad ng papel at lapis hindi naman makabili dahil una walang pambili at malayo pa sa bayan at pangatlo mahirap sila sa guro dahil sa malayong lugar kaya mahirap maabot ang mga ganitong lugar at nakakaranas din ng kahirapan kapag nagkakasakit hindi sila agad agad makapunta sa hospital. Sa ngayon may kaunting sumusuporta sa ganitong kalagayan ng mga katutubong nag aaral sa kabundukan ang 21st century association pero hindi nila kayang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga katutubo sa ngayon kahit na may mga kahirapan masaya ang nararamdaman dahil may kaunti ng natutunan tulad ng pagbabasa at pagsusulat.kaya maraming salamat sa inyo.

Emely Pandez

Wednesday, August 4, 2010

Ang bagong tatag na coop ng mga mangyan sa Public Market ng Sta.Cruz Occidental mindoro.






Dito matatagpuan ang kauna-unahang tatag na cooperatiba ng pinagsamang lakas mula sa mga mangyan Iraya at Alangan na ngayon August 5,2010 nagsimulang magbenta ng mga ibat-ibang klase ng produkto,tulad ng gulay,prutas ,crops at marami pang iba, Nakakatuwang pagmasdan ang mga mamimili dahil kahit alam nilang mga katutubo ang may-ari hindi ito naging dahilan upang karumihan ang mga paninda nila .Ikinatutuwa din ng mga tinderang katutubo ang mga karatig na mga tindera na mayroong pwesto sa palengke dahil maganda ang naging pakikitungo sa kanila na lalong nagpalakas ng kanilang loob upang makisalamuha sa mga taong naninirahan sa Kabayanan.
Ang cooperatibang ito ay pinagkasunduan ng mga mangyan Alangan buhat sa lugar ng Amnay at Iraya buhat naman sa Sitio Calomintao, Ang layunin nito ay upang mag-kabuklod-buklod sa iisang hangarin ang mabago ang antas ng kanilang pamumuhay na kanilang ginagisnan at patuloy na nagpapahirap sa kanilang buhay,3 mahalagang bahagi ang kanilang gustong mangyari sa darating ng panahon,Ang mamulat sa edukasyon ang mga kabataan,kalusugan at pag-papaunlad ng kalikasan.

LC

Tuesday, August 3, 2010

Ang Palengke ng Sta. Cruz


Ito ang Palengke ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro, nasa ilalim ng tulay nakatayo na malapit sa ilog ng Aribugan Bridge sa Sta. Cruz. Karamihan dito sa Sta. Cruz ay maraming talipapa na ng titinda sa kanto kaya di masyadong tao ang pumupunta dito upang mamili. Syempre pipiliin ng mga tao na bumili sa malapit keysa mamasahe pa papunta sa palengke, kung meron naman sa malapit ang iyong kailangan.

Ang Sitio Bayabasan

Ang Bayabasan ay isang sitio ng mga katutubong Mangyan Alangan sa bandang Amnay, ito ay nasa malapit sa babaying ilog ng amnay, at ito ay papagitan ng mga budok, malawak ang kapatagan dito na ngayon ay sinasaka ng mga tao, isa ito sa mga project site ng 21st century association, noong nakaraang taon 2008 ay itinayo dito ang health center at sa ngayon ay pinamamahalaan ng aming medwife na si Emely Rinangyan Pandes.
At ang karatig lugar nito ay sakop din ng aming project site.
maganda ang lugar na ito, dahil sa likod ng mga bundok ay meron ditong nakatagong talon at napakagandang pagmasdan, ganun din ang mga sapa na nakapalibot dito ay marami rin isda na nakukuha.
Sa mga araw na lumilipas walang ibang makikita at makakasalamuha dito kundi ang mga taong kabahag at mga nag-nganga, na sa tingin ng ibang tao ay napakarumi at napakakababang tao, ngunit sa likod at mga dungis na kanilang nakikita ay naroon ang kabutihang loob ng mga bawat naninirahan dito. maraming mga bagay na di natin nakikita sa isang lugar o sa isang tao ng isang saglit lamang, ngunit kapag lumilipas ang mga araw na nakakasama sila saka lamang makikita ang tunay na ganda ng isang bagay, lugar o tao man.
Sa aking pamamalagi ng 2 linggo sa lugar na ito, napagmasdan ko ang ganda ng mga tanawin , atmakisama sa mga naninirahan dito, walang araw na nalungkot ako dito. dahil sa mga taong nakakwentuhan ko marami akong nalaman na sa ngayon ay nanatiling buhay sa kanilang kultura.
Marami sa kanila ang halos walang alam, kaya napakahirap para sa kanila ang turuan lalong lalo na sa kalinisan, dahil para sa kanila ito ay karaniwan buhay lamang, ngunit ang mas nakakatakot ay ang pagkakaroon ng karamdaman sa kanila, dahil hindi nila alam kung ito ba ay dilikado na at nakakahawa, kaya isa sa aming programa ang ang pagpapaunlad ng kalusugan. Kaya kahit mahirap kailangan matiyaga at mapagpasinsya sa pagpapaliwanag upang maunawaan .


Miles




Monday, August 2, 2010

Pangarap kong maging isang sikat na manlalaro,,,

Emma Ramos ang tunay kong pangalan,at ako ay isang Senior students sa Sta. Cruz National High school.Naging abala ako noong nakaraang Huwebes at Biyernes,dahil dinaraos sa aming eskwelahan ang Intramurals,at isa ako sa mga manlalaro ng Senior level sa ganitong pag-kakataon, kahit akoy isang katutubo ipinapakita ko ang aking husay sa larong Balleyball,Isang malaking oportunidad ang mapabilang ako sa ganitong pamantasan,dahil dito nagkaroon ako ng tiwala sa aking sarili at determinasyon na aking magiging pundasyon sa paglinang ng aking mga mithiin sa buhay.Ang 21st Century association ang naging ilaw ng aking mga pangarap siya rin ang nag-sisilbing liwanag ng mga katulad kong katutubo na maitaas ang antas ng edukasyon sa asignatura.at sana makapagbigay din ako ng ensperasyon sa mga tulad kong mga mangyan na malinang din sila sa ganitong larong pampalakasan.

LC