Friday, December 21, 2012

Vaccination December 18,2012
Bakuna ito ay ginaganap tuwing isang araw sa loob ng isang buwan nag iipon ipon ang mga lugar na nasasakupan ng Programa ng Association. Sa area ng Manggahan palagiang ginaganap sa tuwing may schedule ng pag babakuna sa mga batang Mangyan Alangan.
(Aray!...)Hindi katulad ng dati na hindi sila nag papabakuna sa kanilang mga anak, dahil sa takot sa karayom na tinutusok sa parte ng katawan ng kanilang mag anak. Malaki na ang pagbabago nila unti- unti  na nilang naiintidihan ang kahalagahan ng pag babakuna, dahil sa marami na rin na nakakapag aral sa kanilang mga anak na patuloy na tinutulungan ng  Association na makapag patuloy sa pag aaral.
Salamat..............

Friday, December 14, 2012

Volleyball Champion



                Ang aming mga Katutubong studyante na sina Carmina, Mary Brooke, Judy Ann Sila ang napiling mag aaral ng Sta. Cruz, National High School, na napasama sa Provincial meet, na ginanap sa Paluan Occidental Mindoro na nasasakupan ng lalawigan ng Mindoro ang kanilang ilalabang sports ay  Volleyball. At sila ay naging Champion sa laro na kanilang sinalihan.. At sa magandang pagkakataon, sa galing ng aming mga katutubo isa sa kanilang tatlo ang napasamang muli sa gaganaping Panlalawigan ng nasasakupan naman ng Mimaropa.( Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Kami ay lubos na nasisiyahan at hindi pahuhuli sa larangan ng larong ito ang mga Katutubong Mangyan tulad nila....

                                                                                                   Thank You...
                                                                                                                   MABUHAY!......



                                                                                            

Friday, November 30, 2012

MAIT Demo farm at Calomintao

Ngayong buwan ng november ay nag-uumpisa na naman ang trag-araw kaya naman ang mga meyembro ng MAIT cooperative ay nagtitiyaga sa pag-didilig ng mga gulay upang malampasan ang tag-tuyot at manatili na basa at malusog ang mga halaman.


Sa simula pa lamang ng programa ng mait cooperative na maipromote ang organic farming ay talaga naman na tiyaga sa pagtatrabaho upang maipakita ang kahalagahan at kung gaano kaepektibo ang pag-gamit ng organic ferlizer, Sa ngayon ay nagsisimula na sa pag-aani ang mga gulay at naibibinta sa rin sa palenke.

katulad ng kalabasa, upo, sitaw, okra, pechay, kamatis at ampalaya at marami pang ang gulay ang ginagamitan ng organic fertilizer.






Sunday, November 25, 2012

Thursday, November 22, 2012

Titulo ng Lupaing Ninuno.

         November 15, 2012 ang ating mahal na President Benigno S. Aquino III ay nagbisita dito sa lugar ng Occidental Mindoro, sa araw ng ika- 62th Anniversary ng pagkakatatag ng Capitolyo dito sa Mamburao Occidental Mindoro, at ayon sa balita ng mga katutubo, dito niya ipinagkaloob nina President Noynoy at Governor Josephine Ramirez Sato ang katibayan ng titulo ng mga katutubo sa Tribung Alangan (Mangyan Alangan Mindoro).  Bilang pasasalamat ng mga pinunong mangyan Tribung Alangan, ay nagkaroon ng  isang pagpupulong na ginanap sa Compound ng MIC Sisters sa pangunguna ni Sis. Beverly dito sa Sta. Cruz, na ang mga dumalo ay mga piling Mangyan na nanggaling sa iba't ibang lugar dito sa parteng Sablayan at  Sta. Cruz, sa Probensya ng Occidental Mindoro dahil sa mahabang proseso at panahon ng kanilang paghihintay para mabigyan ng titulo ang kanilang nasasakupang lupain, ay ngayon naisakatuparan ang pagtanggap ng kanilang TITULO ng Lupaing Ninuno.(Ancestral Domain) 


 Ito ang Mapa na kung saan ang boundary ng lupang nasasakupang ng mga Mangyan Alangang Mindoro. Na may lawak na 98,000 iktarya.


At kami din na mga taga 21st Century Association, MAIT Cooperative ay kabilang sa mga dumalo sa kapulungang ito, at dito ay napagkasunduan ang araw ng gaganaping pasasalamat sa Compound ng Catholic Church Sta.Cruz,Occidental Mindoro sa Buwan ng darating na December..

                                                                                 Maraming Salamat po..

Tuesday, November 20, 2012

Spiral Garden

Ito na ang Spiral Garden ngayon.
   
Malago ang mga halaman dahil mga patabang lupa galing sa
aming ginawang compost na nag mula sa mga tuyong dahon, 
                                        dumi ng hayop, ipa at iba pang mga uri na nabubulok.

Monday, November 19, 2012

making amoeba and spiral garden


Nang mga nakalipas na taon ang mga staffs ng 21st Century Association ay nag-aral tungkol sa perma culture. Kaya naman ngayon ang mga napag-aralan at natutunan ay unti-unti nang ginagamit.
Sa likod ng aming opisina 








Ang Mait Store sa Palengke



Friday, July 13, 2012

Ang tindahan sa Palengke

 Ang tindahan sa palengke. Isang malaking tulong sa mga katutubo ang may tindahan ng mapagbibintahan ng kanilang Produkto. Madaling maibenta dahil may sarili ng pwesto na tindahan sa pamilihang bayan.
Ang isang kagandahan dito ay walang mga kemikal ang mga gulay na ipinagbibili dito. Kaya malaking puntos sa ibang mga tindahan ang tindahang ito.
rbt.

Thursday, July 12, 2012

Ang pag lulugas ng Mais

 Ang paglulugas ng mais ay gawain ng mga taong walang makina para sa pag lulugas, ang tanging paraan ng pag hihimay ng mga buto nito, gamit sa kamay ang tanging paraan upang ito ay maging isang ganap na himay na. Masakit sa kamay kapag ito ay hinihimay, subalit sipag at tiyaga lamag ang gagawin upang ito ay maipagiling at gagawing panlahok sa bigas.





Kapag gagawing isang binhi ang mais ito ay ibinibitin sa kabahayan
 upang madaling matuyo ay maiwasan ang amag, bukbok para ito ay di masira at pwedi ulit itong pananim pag dating ng takdang araw ng taniman.
Ito ay panahod ng pinaglugasan dito nkasahod ang mga buto ng mais upang ito ay hindi mangalat. mahirap kapag walang makina na pang lugas dahil sa hirap ng buhay wala pang maibibili ng makina para dito. Kung kayo po ay may magandang loob na tulungan kami para dito, bukas po kami upang tanggapin ang inyong ipag kakaloob.. Maraming salamat po!




rbt. 

Thursday, April 12, 2012

Ms TEEN 2012

 Mary Brooke Pacifico, Students ng 21st Century Association, sa kasalukuyan siya ay nag aaral sa Sta. Cruz, National High School, Nasa ika- apat na baitang ng Mataas na Paaralan. Napili siya na Lumaban sa isang Beauty Contest Ms TEEN 2012 sa Kanilang Bgy. Alacaak.






Siya na naging Ms TEEN Alacaak, dahil sa kanyang katalinuhan. Hindi natin inaakala ang isang katutubi tulad niya ay makuha niya ang pinakamataas na puntos sa kanyang nakalabang mga tagalog! Proud kami sa kanyang tittle na nakuha, MS. TEEN 2012. THANK You at Mabuhay!
Js promp, ng mga 3rd year and 4th year students

Sila ang students ng 21st Century Association, at isa sa mga mag aaral ang napili na maging candidates ng Fiesta ng Brgy, Alacaak Sta. Cruz, Siya si Mary Brooke Pacifico, Nakasuot ng casual dress kulay Green.




































































































































































Happy Birthday LOLO ding

Happy Birthday Lolo, salamat sa salo salo pagkain na sa aming harapan, papalain kayo ng ating may kapal na bigyan kayo ng mahabang buhay, ganun din sa pag titiyaga at pagtulong sa trabaho dito sa loob ng 21st Century Association. Sa tagal ng serbisyo nyo, kaya halos ang tawag sa inyo ng mga bata ay lolo,.. Salamat din sa aming Bosing na patuloy na umuunawa sa kalagayan namin bilang isang ksama niya sa kanyang adhikain na maipag patuloy ang nasimulang proyekto ng 21st Century Association..

Tuesday, March 27, 2012

Gulay

Ito ang bunga ng pag titiyaga ng mga batang ito sa kanilang pag tatanim sa compound ng kanilang tirahan, isang panimula sa pag aaral ng permaculture na kung saan nagagamit na namin ang mga bagay na dapat matutunan sa pag hahalamanan. Lalo na sa mga batang tulad nila, ay madadala na nila hanggang sa pagtanda. Isa rin ito sa mga bagay na maituturo nila sa kanilang bagong henirasyon. At malaking tulong ang pagtatanim ng mga gulay lalo na ligtas sa mga kemikal ang ating mga pag kain. at ganun din sa taas ng mga bilihin, isa ito sa paraan upang makatipid sa araw araw na pangangailangan.. thank you!

rbt

Friday, March 16, 2012

Ilog


Ito ang ilog ng Pagbahan, Kung iyong makikita at pagmamasdan napakasap maligo dito, malinaw at malinis ang tubig, maraming dumadayo upang mag picnik at maglaba dito. Masasaya at nakakalibang ang place na ito.

Monday, March 12, 2012

Tuboy

TUBOY

Tuboy ito ay isang uri ng punong kahoy na matatagpuan sa medyo malamig at matubig na lugar, katulad ng malapit sa bukal o tabing sapa man o ilog o kaya ay sa magubat na lugar, Ang mga bunga nito ay ginagamit ng mga katutubong iraya para sa mga inahing aso upang mag-karoon ng maraming gatas, Ginagawa nila itong kwentas at ipinapasuot sa leeg ng aso.


Liam



Wednesday, March 7, 2012

Monday, March 5, 2012

Vegetables Garden



Ito ang mga pinagkaka abalahan ng aming mga studyante, sa tuwing matatapos ang kanilang klase sa School. Malaking tulong ito para sa pandagdag ng pagkain sa araw-araw. Ang aming nais ay kung sinong mag voluntary na mag bigay ng mga binhing gulay upang pandagdag sa aming pananim sa compound..maraming salamat po.


rbt

Wednesday, February 29, 2012

Queen & King Heart 2012



Nakakatuwa, isang Katutubo ang napasali sa ganitong okasyon sa school, Siya si Raquel Salvador, isang Katutubo na nakatira sa Pakpak Amnay, Siya ay pinag aaral ng 21st Century Association, isang Katutubo ang malakas ang loob na magpakita ng talento sa contest na ito, Humarap sa napakaraming tao.. bilang isang nangangasiwa sa kanila, proud ako na may sumali sa ganitong okasyon, at issa nga siya sa tribong Alangan...Mabuhay!

Friday, February 24, 2012

JS Prom Sta. Cruz National high school Occidental Mindoro

Ang gabing ito ang pinakahihintay ng mga studyante junior at senior ng mga highschool students upang ganapin muli ang kanilang makapigil hinigang JS prom. at syempre Kabilang na rin dito ang mga students 21st Century Association. Napakasaya at hindi na mapakali sa pag-aayos ng kanilang mga isusuot ang aming mga students at trying hard naman po ang mga volunteer sa pag-aaply ng make up, upang make over ang mga nag-gagandahan at nag-gagwapohan naming mga students,, aba hindi rin naman pala patatalo ang mga beauty nila sa iba. Look diba miss universe ang dating, at syemre ang mga gentlemen namin artistahin....
Smile

Thursday, February 23, 2012

Sta Cruz, National High School 46th Anniversary


Nakakatuwa, ang mga kandidatang napili ay ang mga magulang ng mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Sta. Cruz, isa ito na ginanap noong Febrero 23, 2012.

Tuesday, February 14, 2012

Valentine's Day

Sa tuwing sasapit ang araw ng mga Puso, may mga taong nag papahalaga ng ganitong selebrasyon. Napakasaya sa bawat isa na may bumabati. Ang iba naman ay nag reregalo ng mga Chocolate, Flowers at iba pang mga items na simbolo ng araw ng mga puso. Ang iba ginaganap sa pag pipicnic, sa beach at sa iba pang lugar na kung saan dun nila ipinag diriwang ang kahalagahan ng pag mamahalan sa isa't isa. .