Friday, April 29, 2011
Screening test of new scholar
Kapag malapit na naman ang pasukan sa paaralan, ang 21st Century Association ay nag bibigay ng examination sa bawat papasok at tatanggaping bagong scholar, para sa pag pasok ngayong darating na pasukan. Ngayong araw April 29,2011 ay kasalukuyang kumukuha sila exam ang mga bata. Napakahirap isipin na sa hirap ng buhay ngayon ay may mga tao pa ring walang sawang tumutulong para sa ating mga katutubo, na di kayang mag paaral ng mga batang gustong makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Maraming salamat at may mga katulad nila na mag pahanggang ngayon ay patuloy silang sumusuporta sa mga taong nangangailangan. sa kabila ng nangyari sa kanilang lugar sa japan. Maraming salamat na maraming beses, dahil sa inyong tulong ay patuloy ang mga pangarap ng mga batang gustong maipagpatuloy ang kanilang minimithi sa buhay, na pagdating ng araw, ay wala ng tinatawag na mangyan sa mindoro. Maraming maraming salamat po!...
rbt
Thursday, April 21, 2011
ANG GUBAT
ang kagubatan ay binigay ng diyos sa mga tao. kaya kong maari lang ating alagaan at ingatan ang mga punong kahoy sa mga kapaligiran ng mga ilog at bundok kasi dito tayo nabubuhay. ang mga punong kahoy ay pampigil sa mga baha,para maiwasan ang kalamidad tulad ng kanal kaya kong may mga punong kahoy ay di matitibag. kaya sana ating alagaan iwasan ang ilegal na gawain. tulad ng pag puputol sa mga puno ng kagubatan.
ROEL
ROEL
Monday, April 18, 2011
Kalikasan
Kaugalian ng mga katutubo
Ang mga nakaugalian ng mga katutubo. Ay sadyang nakakapagtaka kasi karamihan sa kanila ay ayaw makipag salamuha sa mga sibilisadong tao,at karamihan sa mga katutubo kapag may bisita na dumating sa kanilang pamayanan.Halos sa kanila ay nagtatago at nagtatakbuhan palayo,kaya karamihan sa kanila ay hindi nakakarating sa paaralan. Kaya kami na taga 21st century Association ay tumutulong sa mga katutubong gustong mag-aral sa paaralan. Kaya ipinamamalaki ko ang Association na ito, dahil dito ako nag simulang mamulat ang kaisipan na napaka importante sa tao ang may pinag- aralan para di na maluko ng sinuman. maraming salamat po..
Elesio
Sunday, April 17, 2011
Ligtas Tigdas
Ang aming Government ay nag tatag ng door to door vaccination for measles,Sa layo ng mga lugar ng mga katutubo walang imposible na nakarating ang mga taga RHU, rural health unit. There are 2 kinds of vaccine. Measles and German measles. Sa mga Katutubo ito ay nakarating sa kanila at silay nakatanggap ng bakuna, sa mga area na handle of 21st century association at sila ay nabakunahan. ang target ng bakunang ito ay may edad na 9mos. hanggang under 8 years old. Nakakatuwang isipin na ang pagbabakunang ito ay willing na rin ang mga magulang na patusukan ang kanilang mga anak..Maraming salamat sa lahat ng mga tumutulong sa mga katutubong malayo sa kabayanan.
rbt
Monday, April 11, 2011
Tuesday, April 5, 2011
Sunday, April 3, 2011
Organic farming
Ang organic farming ay isang technique na ginagamit ng mga magsasaka na walang anumang chemical ng ginagamit. ang ganitong klaseng pamamaraan ay nakakatulong na mapahusay ang fertility ng lupa at maiwasan ang soil erosion.
Ang Advantage ng organic farming ay ang mapanatiling buhay ang lupa at hindi lamang sa ngayon kundi pati na rin sa panghinaharap.
Sa ngayon ay ginagamit namin ang paraang ito, at napatunayan namin na napakagandang epekto nito sa aming sakahan kundi pati na rin sa aming gulayan.
smile
Subscribe to:
Posts (Atom)