Monday, February 28, 2011
Kumon Sta. Cruz, Occidental Mindoro
KABATAAN,, Ang kabataan ng mga mangyan alangan,mula sa 2001 nag simula ng pumasok sa elementarya. Ayaw nilang maranasan uli ang lukuhin ng ibang tao, ang kanilang mga paninda nilang basket at duyan. Kaya ngayon maraming batang mangyan Ang gustong mag-aaral
sa bayan ng Sta Cruz Occidental Mindoro. Sa tulong ng 21st Century Association tinulungan ang mga batang mangyan sa kanilang mga pangangailangan tungkol sa uniform at papel o ballpen lapis sapatos at pagkain nilang araw- araw. lalo na sa medication sila ay naka suporta sa pangangailangan ng kanilang kalusugan. Kapag oras ng gabi mula 7:30 sila ay nag KUMON para sa mathematics, kapag 8:31 tapos na ang pag aaral ng KUMON, bago sila matulog kapag 4:53 umaga simula na ng liguan ang mga batang mangyan, 6:15 almusal sa umaga, kapag kumpleto na bago manalangin at kumain ang mga bata dito.
ROEL
Wednesday, February 9, 2011
Pag-aaral tungkol sa Intergrated Farming
Napakagandang pag aralan ang tungkol sa Intergrated farming, napakalaking tulong sa bawat isa sa amin ang mabigyan ng pag-aaral tungkol sa paggamit ng Organic fertilizer, bukod dito,malaki ang tulong sa ating kalikasan at ating kalusugan,sa ngayon halos lahat ay gumagamit ng mga chemical fertilizer, hindi natin alam na ito pala ay unti-unting sinisira ang ating lupa, dahil ito ang pumapatay sa ating micro organism.At magiging acidic ang lupa. Ito ay may magandang paraan upang mapuksa ang ganitong pamamaraan. Ayon sa aming pag-aaral, upang hindi masira ang ating Eco System, gumamit tayo ng IMO na ang ibig sabihin ay Indigenous Micro Organism. Isa lang po ang iiwanan kong salita, Lets try to use organic. thanks!
Rbt
Subscribe to:
Posts (Atom)